Wala akong ibang magawa kundi iwasan ang mga atake niya. Nakatayo lang siya sa Chain Circle niya at nakacross ang mga braso sa dibdib habang ako, pilit na umiiwas para huwag tamaan ng mga kadena niya.
Damn it! Paano ko ba lalabanan ang babaeng ’to? Paano ko ba mapapalabas ang ability ko?!
Muli niyang pinagalaw ang mga kadena niya at inatake ako. Umiwas ulit ako pero hindi ko namalayan na may isang kadena pala sa likod ko kaya natamaan ako at tumalsik at tumama ako sa malaking bato. I groan in pain. Shit!
Sinubukan kong tumayo, pero hindi pa nga ako nakakatayo ng tuluyan nang biglang pumulupot ang kadena niya sa leeg ko. Hinawakan din ng mga kadena niya ang dalawa kong paa at ang dalawa kong kamay pati na rin ang beywang ko.
Inangat niya ako ng sobrang taas. Now, I look like a flying kite here. Hold on! Anong gagawin niya?! Don’t tell me, ibabagsak niya ako?!
“Hey! W-what are you planning to do to me?!”
“I’ll count one to three. If you can’t release your ability, ihuhulog kita mula dyan.” narinig kong sabi niya.
I gulp. Shit! Shit! Shit! I don’t want to die yet! Fuck!
--
Alexa’s PoV
“One...” I started to count. Wala naman talaga akong plano na patayin siya. I just say that para mailabas niya ang ability niya. Karamihan kasi ay mapapalabas ng kusa ang tinatago nilang ability kapag nagagalit sila o natatakot.
“Two...” I stare at him. I saw him close his eyes. I think he’s concentrating on how he can release his ability.
“Three...” I raise my hand and move it down, kasabay nun ay ang paggalaw ng mga kadena ko pababa. I'm not planning on crushing him to death. Let’s se if you can stop this.
He’s so close to the ground when he suddenly open his eyes, nagulat ako nang makita ko ang kulay ng mga mata niya. Ang dating kulay chestnut na mga mata, naging kulay dilaw.
Kusa na lang huminto ang paggalaw ng mga kadena ko. Biglang naputol ang mga kadena kong nakahawak sa kanya.
My eyes widen because of what happened. Nakita ko siyang nakatayo, facing me with pair of eyes who's ready to kill his enemies.
Naalarma ako namg nagsimula na siyang umatake. Akmang susuntukin niya ako pero hinarang ko ang mga kadena ko upang pigilan ang atake niya pero nagulat ako ng masira niya kadena ko. Umalis ako agad upang hindi ako matamaan ng suntok niya. But the moment I dodge his attack, may malakas na pwersa ang kumawala sa suntok niya dahilan upang masugatan ako sa kanang pisngi ko at nagkaroon ng hiwa ang sleeve ng uniform ko. His attack didn't touch me, pero nagkaroon naman ako ng sugat.
Lumayo ako sa kanya, I place my hands on the ground at nagsilabasan ang limang kadena mula sa ilalim niya. Sinubukan ko ulit siyang dakpin gamit ang mga kadena ko. Dalawang kadena ang nakahawak sa mga paa niya, dalawa sa mga kamay niya at isa sa leeg niya.
BINABASA MO ANG
Stonefield Academy: School of Special Ability
FantasyThere's this school... A school where students are not normal... A school where students have a unique ability... A special ability... And I...am one of them. - - - Story Title: Stonefield Academy: School of Special Ability Author: AnnyMeLoveU143 Ge...