Neo's PoV
Isang linggo na akong hindi kinakausap ni Asuza. Alam kong galit na galit siya sakin. Naiintindihan ko siya. Pero hindi ako tumigil sa kakahingi ng sorry sa kaniya.
Nag-aalala ako kay Alexis. Ano na kaya ang nangayri sa kaniya? Sana okay lang siya.
"Neo..."
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. "Belle..."
Lumapit siya sakin. "A-Ayaw mo bang mag-lunch?"
Umiling ako. "Pasensya na, Belle. Pero ayoko muna." Tinalikuran ko siya at maglalakad sana paalis ng magsalita siya.
"Iniiwasan mo ba ako?"
I stopped and looked at him. "No." I answered.
"I think you are." Mahinang sabi niya. "What did I do to deserve this treatment from you, Neo?"
Nanatili akong nakatingin kay Belle. "Matagal ka na bang nag-aaral dito, Belle?"
"Huh? B-Bakit mo natananong?"
"Just answer me."
Tumango siya. "Oo. M-Matagal na."
"Kung ganon alam mo ang tungkol sa batas na bawal palang sumama sa ibang misyon ang hindi mo ka-miyembro?"
Nakita ko ang paglunok niya. Her lips are trembling and was ready to cry. "Y-Yes..."
"Why didn't you tell me?"
Nanatili siyang tahimik.
"Belle, why didn't you tell me about that."
"Because I thought you already knew about it."
Kumunot ang noo ko. "Seriously, Belle?" Napasuklay ako sa aking buhok. "Alam mong baguhan pa lang ako kaya wala akong alam sa mga batas niyo dito." I'm starting to piss off. "Bakit hindi mo ako pinigilan?"
"Why are you mad at me? Dahil hindi ko sinabi sayo ang tungkol dyan kaya galit ka sakin? Why? Hindi ka naman naparusahan."
Kumuyom ang mga kamao ko. "Hindi nga ako ang naparusahan pero si Alexis naman ang nagdusa. Inako niya ang parusa ko."
She wiped her tears. "So sinisisi mo ako dahil sa nangyari kay Alexis?"
"No. I'm not blaming you. Sinisisi ko ang sarili ko. Dahil sa katigasan ng ulo ko kaya may taong nasasaktan at nagdudusa."
"Neo..." naglakad siya palapit sakin at niyakap ako. "It's not your fault. Don't blame yourself."
Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako. Pinikit ko ang mga mata ko at niyakap din siya. Pagdilat ko, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Alexis na nakatayo sa harap namin.
Hinawakan ko si Belle sa braso saka inilayo sakin.
"Alexis..."
She's staring at us with her cold eyes and emotionless stare.
Gusto ko siyang lapitan at humingi ng tawad kaso biglang dumating si Melanie at tinapik ang balikat ni Alexis.
"Tara na, Alexis." Sabi ni Melanie. Hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan si Alexis at nanatili siyang nakatingin samin ni Belle.
Lumingon na din si Melanie. "Oh, Neo. Ikaw pala." Ngumiti siya.
Hindi ko magawang suklian ang ngiti niya dahil nakatuon ang mga mata ko kay Alexis.
We've been staring for about a minute when I noticed a familiar emotion in her eyes. Hindi ako pwedeng magkamali. I just saw it.
"Alexis---"
BINABASA MO ANG
Stonefield Academy: School of Special Ability
Viễn tưởngThere's this school... A school where students are not normal... A school where students have a unique ability... A special ability... And I...am one of them. - - - Story Title: Stonefield Academy: School of Special Ability Author: AnnyMeLoveU143 Ge...