WZ 28

468 12 2
                                    

Hello guys!!! I miss you so much!!! Sorry sa super duper late update.. :(( Bawi ako..promise.. :))

Enjoy reading!! xoxo

_ _ _ _ _ _ _ _ _

SEAN's POV

Kanina kung papalabas ako ng bahay nakita ko ang isang babae na papalabas din ng dating bahay nila MM. Pinagmasdan ko siyang mabuti at napagtanto kong si Jane ito.

Kahit medyo naiilang ako sa kanya ay nilapitan ko siya at kinamusta. Matagal naring hindi kami nagkita at wala manlang akong balita sa kanya. Nung una niya kong makita halata ang pagkabigla sa mukha niya pero agad din naman siyang nakabawi.

Dahil ang awkward naman mag-usap sa gilid ng daan, inaya ko siyang pumunta sa malapit na caffee. Hehehe. Pumayag naman siya at ngayon nandito kami. Ang tahimik nga ehh. Walang nagtatangkang maunang magsalita.

Nung ilapag na ng waiter ang order namin nagpasya na akong maunang magsalita. Total ako naman ang lalaki dito..hihi

"Uhhmm..so Jane, kamusta kana?" panimula ko sa usapan namin.

"Ok naman ako Sean. Ikaw, kamusta? Tagal nang walang balita sayo ahh" 

"Ok naman ako. Hmmm, sa states na ako namalagi after high school graduation.." sabi ko at hinigop ang inorder kong kape.

"Ahh..so may asawa kana ba? Do you have a son?" nabigla ako sa tanong niyang yun? Bakit niya natanong yun? Alam niyang lalaki ang anak ko? Ay hindi niya pala alam,,kaya nga niya tinatanong eh..diba? haha..pero ano naman kaya ang nagbigay sa kanya ng hint na posibleng lalaki ang anak ko??

"Ahh..yes, I have a wife and a son..hmm"

"So sino ang nakatuluyan mo? May I know what's your son's name?" bakit parang interesado yata si Jane sa anak ko??

"He's Daniel John..my one and only child" bumakas ang pagkabigla sa mukha ni Jane pero agad niya itong natago. Parang may kakaiba talaga ehh.

"Ahh..so..uhmm..who's your wife?"

"How about you Jane? Do you have a child already?" pag-iwas ko sa tanong niya..parang ayaw ko kasi sabihing si Abby ang nakatuluyan ko.

"Yeah..she's Ella Patrice..actually sa SGA siya ngayon nag-aaral."

"Ella...si Ella pala kamusta?" 

"Ayun..hindi parin makamove on sa pagkawala ng ate niya. And yeah she have a family already. Her daughter Kathryn was studying also in SGA."

"Galit pa siya sakin after all this years?" malungkot na tanong ko.

"Sad to say, yes. Tulad ng sinabi ko hindi parin nakakapag move on si Ella sa pagkawala ng ate niya. Alam mo naman na close ang dalawang yun. Kahit anong pag eexplain ang gawin namin ni tita Angela walang epekto. She's so close minded. Pinapaniwalaan niya lang kung ano ang pinapaniwalaan niya."

"I want to talk to her.."

"Now isn't the right time Sean..hayaan na muna nating maghilum ang sugat sa puso ni Ella"

"Pero 20 years na ang nakalipas Jane.."

"Wala kang magagawa Sean. Ang bata pa ni Ella that time kaya hindi niya maintindihan kung bakit ginawa yun ng ate niya at dahil dun ikaw ang pinagbuntongan niya ng sama ng loob dahil sa pagkawala ni MM. She's trying to put the blame on you to easen the pain she's feeling since that day Sean. Just understand her."

"Alam ko Jane..Sana dumating ang panahon na maging mulat na si Ella sa katotohanang hindi ko rin ginusto ang nagyari sa ate niya. Kung nagdusa siya, nagdusa din ako jane..Hanggang ngayon.." 

War Zone (DBKP book 2) [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon