Sabi ko sa WZ 28 continuation sana to..ibig sabihin chapter 28 pa sana to..pero gagawin ko nalang na 29 since mahaba din pala ang na UD ko sa 28..hihi..
Enjoy Reading!! xoxo
*******************
DJ's POV
Nandito na kami ngayon sa seaside..isang buffet dinner para sa aming taga SGA. Nakaupo na kami ngayon ng barkada. Nasa iisang table lang kami. Syempre pa..barkada nga diba? Hihi
"Juls kuha kitang shrimp gusto mo?" tanong ni Quen kay Julia na katabi niya lang.
"Ahh..no thanks" sagot nito at matipid na ngumiti. Ano na bang status ng dalawang to? Hindi ko alam ehh..Busy ako sa yam ko,.,hahaha
"Oho..pasimple ka Quen..ano na bang status?" nakangiting tanong ni Niel. Oh, di niya rin alam? Himala yata! Hahaha..Ano kaya pinagkakaabalahan ng isang to?
"Status??" nagtatakang tanong ni Julia.
"Exclusively dating..haha..di joke lang..nagpaparamdam palang..wag mo nang pangunahan..haha" kakamot kamot sa ulong sabi ni Quen. Si Julia naman yumuko lang at nagconcentrate sa pagkain.
"Baby, ako gusto ko ng shrimp.." pagpapasweet naman ni Patty kay Francis. Ayaw din pahuli ng dalawang to sa kasweetan ehh..haha
"Sige kukuha kita baby.."
"Yay! Thank you baby!!" at ngumiti si Patty ng malapad. Tumayo na si Francis at hinalikan muna si Patty sa cheek bago umalis.
"Ikaw yam? Ano pang gusto mo?" tanong ko naman kay Kath sabay lapit ng mukha ko sa kanya. Medyo umurong naman siya. Haha
"Ok na ako..uhhmmm"
"Pag nag-uusap dapat ganyan kalapit ang mukha?" sabi ni Niel. Nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin. Panira ng moment ehh..
"Kath pwede mo ba akong samahan?"
"Ha? San naman tayo pupunta?"
"May pupuntahan lang..sige na please??" at nag puppy eyes ako sa kanya..hihi..sana effective.
"Hoy Daniel! Ano na naman yang binabalak mo ha?? Ang babata pa natin!!" sabi ni Niel.
"Anong pinagsasabi mo?!"
"San mo dadalhin si Kath ha? Siguro may binabalak kang masama ano?? Daniel umayos ka!!"
"Magtigil ka Niel! Ang green mo!! Palibhasa gawain mo ehh..hahaha."
"Basta pinalalahanan na kita..masakit yan sa una--"
*PAK!*
"Niel ano ka ba!! Ang green mo masyado!!" sabi ni Quen pagkatapos niyang batukan si Niel. Buti nga sa kanya..hahaha.
"Ano ka ba naman Quen..Hindi mo kasi ako pinatapos..tsk..masakit sa una kasi nga first love diba? Unang pag-ibig..syempre masasaktan ka pa nun kasi wala ka pang experience..Hindi mo pa alam kung paano maghandle ng ganung situation." pag-explain ni Niel.
"Hindi pa naman kami ahh" singit ni Kath sa usapan.
"Magiging tayo palang..hihi.. Tara na Yam" sabi ko sabay wink sa kanya at hawak sa kamay niya para igiya siya palayo sa grupo namin.
Hindi naman umangal si Kath at sumama na siya. Naglakad lang kami ng naglakad. Sa may pool side ng hotel kami dinala ng mga paa ko.
"Anong gagawin natin dito Daniel?"
BINABASA MO ANG
War Zone (DBKP book 2) [KathNiel]
FanficThis is the Book 2 of "Diary ng Bestfriend Kong Panget" The present may be challenging, but we make it more difficult when we bring up the past. Let's witness how LOVE crashed the WAR ZONE!