Ara's POV
Pagkatapos ng klase ay dali-dali akong lumabas ng room at pumunta sa Razon para mag unwind. Ito lang yung place na alam kong puntahan since bago palang ako dito. I just can't believe na ka block mate ko yung asungot na weirdo na nagnakaw ng halik sakin. I swear, kapag nakita ko ulit siya ay masasakal ko siya sa inis ko.
" Daks! Tara na at kanina pa kita hinahanap. Nandun na yung ibang bullies at si Wafs," sabi nung tao sa likod ko na ikinagulat ko.
" CHINITONG HINAYUPAK!" sigaw ko at humarap dun sa tao.
" Ayiiee. Sino yung lalaking yun?" asar na tanong ng best friend ko habang sinusundot-sundot ako sa tagiliran.
" Wala lang yun Daks. At huwag mo akong umpisahan dahil bad trip ako ngayon," sagot ko habang nakasimangot.
" Ikaw naman. First day natin ngayon, tapos bad trip ka?" tanong ni Daks.
" Let's just not talk about it at baka sabunutan na ako ng mga kaibigan natin. Sigurado ako na mala cobra na yung mga sawa sa tiyan nung mga yun," komento ko
" Paano mo nga pala nalaman kung nasaan ako? Hindi ka naman nag text or tumawag eh," tanong ko.
" Kanina kasi may nakasalubong akong lalaki na mukhang ka block mo at nagpakilala naman siya, then tinulungan niya ako na hanapin ka. Nakita ka daw niya na lumakad papunta dito kaya sinamahan niya ako. Ang bait niya at gwapo pa. Kinikilig ako dahil mukhang bagay kayong dalawa," kwento ni Yeye habang namimilipit na ewan dahil sa kinikilig siya.
" Hindi kami bagay nung taong yun. Kasi tao kami," saad ko kaya nabatukan ako ng higante.
" Pwe! Bahala ka nanga diyan. Mamaya papakilala ko sayo kung sino siya," sagot niya sakin. Itong best friend ko na ito, ang daming nalalaman. Kulang nalang yata ay i-chika niya sakin ang nangyari sa past life niya sa ibang dimension eh.
Nakarating na kami sa cafeteria at kitang kita na mukhang sasabog na bulkan na ang itsura ng mga kaibigan namin dahil sa gutom.
" Hi guys. How's your day?" bati ko sakanila na mga naka busangot ang mukha.
" Hi your face. Napaka pagong niyong dalawa at halos putiin na ang mga mata namin sa gutom dito," asar na saad ni Kim.
" At least nga yung mata ay puputi pa, eh ikaw?" tanong ko.
" Ungas ka! Tara nanga at mag order na tayo. Kanina pa nawawala ang sikmura ko," bulyaw ni Kim at saka ako hinila papunta sa bilihan.
" Ikaw ang manlibre dahil ang tatagal niyo," tinitigan ko nang masama si Camille dahil sa pinagsasabi niya.
" Hehe. Si Mika nalang pala ang manlilibre," tinuro niya si Daks na nakatingin din nang masama. Kaya nag peace sign nalang siya.
" Wala nalang manlilibre para walang away," sabat ni Carol para mapigilan na kami at baka away pa ang patunguhan dahil lang sa libre.
" Fine," we all gave up.
Nakita ko sa bandang dulo si Torres na nakapila rin kasabay namin. Umiwas agad ako ng tingin at nakipag usap sa mga bullies.
" Thomas!" tawag ni Daks sakanya kaya halos lumuwa na yung mata ko sa ginawa ni niya.
Iniiwasan ko nga si Torres dahil sa ginawa niya sakin. Nakaka inis siya.
Lumapit naman agad si Torres nung tinawag siya ni Daks. Mababatukan ko talaga yung best friend ko at mapapatay ko naman yung bansot dahil isang tawag lang ay lumapit agad siya.
" Hi. I'm Thomas Torres," pagpapakilala niya sa sarili niya.
" OMG! Ako naman ay si Carol Cerveza," saad ni Carol at nakipag kamay kay bansot.
Kung alam niyo lang.
" Cienne and Camille Cruz," pagpapakilala nung kambal.
" Kim Fajardo," sunod na pagpapakilala ni Kim.
Napa-irap naman ako sakanila.
" Siya yung tinutukoy ko kanina na sumama sakin para mahanap ka," pagpapaalala ni Mika.
Napatingin ako kay Torres na naka tingin din sakin at naka ngisi. Walanjo siya!
I faked a smile and just nodded.
Nilahad ni Torres yung kamay niya at nakipag kamay sakin. Napa irap nalang ako at pinisil ng madiin ang kamay niya.
Napangiwi si Torres sa sakit pero ngumiti lang. Napatingin naman si Daks samin at papalit palit ang tingin niya saming dalawa ni Torres.
" May problema ba kayo sa bawat isa?" takang tanong ni Cienne.
" Wala," I said bitterly.
Natawa naman si Torres at ngumisi. Mapapatay ko talaga siya kapag may naka alam ng tungkol dun sa halik na ninakaw niya sakin.
" Saan ka nakatira Thomas?" tanong ni Camille. Walang hiya! Mapapahamak pa ako nito eh.
" Sa St. La Salle Village," sagot ni Torres na ikina init ng ulo ko. Why would he say that?
I just gave Torres a death glare which he ignored.
" Magka village pala tayo," komento ni Mika.
Natawa naman si Torres. Isa pang salita niya ay iiwan ko na sila at bahala sila.
"Nung isang araw ay may incident na nangyari kay Ara nun along the village. May stranger daw na nagnakaw ng halik sakanya," kwento ni Mika kaya napahilamos nalang ako ng mukha. Gusto ko tuloy lumubog dahil nahihiya ako sa kwento ni Daks. Lalo na at nandito yung lalaking gumawa nun sakin. Baka isipin pa nung lalaking yun na may gusto ako sakanya dahil sa halik niya. Feeler pa naman yun.
" That was me," diretsong sagot ni Torres na ikina bigla ko.
I never thought na magagawa niya yung sabihin lalo na at kakakilala palang niya sa mga kaibigan ko.
Mga baliw pa naman yung mga kaibigan ko.Napatingin ako sa mga kaibigan ko at mapang asar na ang itsura nila. I just gave Torres a death glare bago ako napatakip ng mukha at nag walk out. How dare he?!
Ang kapal ng mukha nung Torres na yun at makakalbo ko na siya dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nalang maglaho dahil siguradong uulanin nanaman ako ng pang asar at tukso sa mga kaibigan ko. Lalo na at " bet" daw nila si Torres para sakin.
Ang malas ko talaga dahil nakilala ko yung dwarf na ang pangalan ay Thomas Christopher Torres na yun.
I curse him and I like him....
.
.
.
.
to burn in hell.A/N: This is my first ThomAra fan fiction so please bare with me. I apologize for the errors and mistakes. Thank you for reading. Don't forget to vote and comment. Love you all.
BINABASA MO ANG
Us At Twelve Fify One- ThomAra
FanfictionIf given a chance to be with you, I will. But everyone won't let us happen, even fate. You were destined to be my mission and fated to meet me, But you were not to get to know the real me. Thomas Torres x Ara Galang Fan fiction August 16,2016