Six

97 8 0
                                    

Ara's POV

Pagmulat ko ng mata ko ay napansin ko na parang iba yung nasa paligid ko kaya bumangon ako para i-check kung nasaan man ako dahil wala akong maalala sa nangyari kahapon.

Paglabas ko sa kwarto ay tumambad sakin ang mukha na pinaka ayaw kong makita. Ano naman ang ginagawa ni Torres dito?!

" Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" tanong niya.

Kingina! Anong ibig niyang sabihin?!

" Hoy! Walang hiya ka! Anong pinagsasabi mo diyan? Anong masakit sakin?! Huh?!" pasigaw na tanong ko.

Malay ko ba kung anong nangyari kagabi at napunta ako dito. At kung ano man ang kalohan na ginawa ko dahil talagang wala akong Maalala sa nangyari kahapon.

Napangisi lang siya " Ang tinatanong ko ay kung masakit ba yung ulo mo or what? Nagpakalasing ka kahapon. Naabutan kasi kita sa bar na lasing na lasing kahapon. May pinagsasabi ka pa kahapon na parang problema mo."

Napatulala ako sa narinig ko dahil sa kahihiyan. Ako daw lasing? Parang imposible naman. Pero pano nga ba ako napunta dito at inabot pa ng mga kahihiyan at katangahan. Sigurado ako na mapapagalitan ako ni Daks nito.

" Lasing ako kagabi?" tanong ko kay Torres.

" Tanga ka talaga. Kakasabi ko lang kanina na nagpakalasing ka nga kagabi at naabutan kita sa bar kaya inuwi na kita dito dahil lasing ka na nga," pagpapaliwanag niya.

" Bakit mo naman ako dinala dito?"

" Wala akong choice."

Napakunot noo naman ako sa sagot ni Torres.

" Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

" Nothing," sagot niya at umalis.

Pagbalik niya ay binigyan niya ako ng bag at nang tignan ko ang laman ay medyo nagtaka ako sa nakita ko. Mga damit ko na galing sa bahay ni daddy. Paano napunta kay Torres ito? Ako lang naman ang may gantong damit dahil customized ang mga damit ko.

" Pano napunta sayo itong damit ko?" kunot noong tanong ko.

He just stared at me at Hindi man lang sumagot.

Napa-irap nalang ako sakanya at nagpunta sa kwarto para magbihis.

" Torres, walang dapat maka-alam na napunta ako dito ah," saad ko.

" You're late... Papunta na yung mga kaibigan mo dahil tinawagan ko sila to inform them na nandito ka. I also told them what happened."

Bwiset. Walang hiya talaga itong bansot na ito kahit kailan.

" I hate you," bulong ko at natawa nalang si Torres.


-------
" Baklita ka! Nagpakalasing ka nalang basta at hindi mo pa kami sinabihan," panenermon sakin ni Daks.

Nauna na kasing umalis si Torres sa bahay niya dahil may importante pa daw siyang gagawin kaya kaming bullies at si Wafs nalang ang naiwan dito.

Ang weird nga ni Torres dahil madali siyang nagtiwala samin para lang iwanan kami sa sarili niyang bahay.

Nakakapagtaka lang siya.

" Sinubukan ka naming tawagan pero out of reach ka. Naloka na kami sayo," saad naman ni Cienne.

" Subukan mo pang maglasing nang mag-isa ulit ay sisiguraduhin kong kalbo ka na pag nagkita ulit tayo," sabat ni Kim at saka ako sinabunutan.

" Bigla nalang kasing nang-iwan. Buti nalang ay nakita ka ni Torres kung hindi ay warla ka na," sabi naman ni Camille.

" Tumigil nanga kayo. Ang over niyo mag react," sagot ko sakanila.

" Paano kung na-rape ka? Paano kung na-kidnap ka?" tanong ni Mika at binatukan ako.

" Dapat nga ay magpasalamat ka kay Thomas dahil nagmalasakit yung tao at tinulungan ka pa."

Napatingin naman ako kay Cienne.

" Why should I? Hindi ko naman siya hin-nire na maging alalay ko or bodyguard para magbantay sakin," sagot ko.

" One more thing, I didn't ask for his help kaya hindi ko siya pasasalamatan."

" Ang cruel mo," saad ni Carol.

" Tama nanga at baka ma-late pa tayo sa class."

Wow. Since when did Kim care about our classes and school stuff.

" Since when did you care about school?" I teased.

Sinamaan niya lang ako ng tingin.

Nag peace sign lang ako at ngumiti sa kanya.

" Bahala ka. One day, or maybe someday ay maging bodyguard mo siya at baka dahil sa kagagawan mo ay mapahamak ka na," saad niya.

" Bakit naman ako mapapahamak at bakit ko kailangan ng bodyguard? And Torres for a bodyguard? No way and no thank you."

Ano naman gagawin nun as a bodyguard? Eh ang bansot nga nun para maging isang bodyguard eh.

Hindi nalang siya sumagot pa at nagtungo nalang kami sa mga klase namin.

Us At Twelve Fify One- ThomAraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon