Ten

204 9 5
                                    

Thomas's POV

Habang nagre-research ako ng files dito sa agency tungkol kay Arra ay biglang tumawag si Jeron. Ano naman kaya ang nangyari at hindi na nakasunod  yung behong yun sakin dito?

" Hello?" saad ko pagkasagot ko sa tawag.

" Bro, Hindi na ako makakahabol. Si Mika kasi nakidnap ng mga armadong lalaki at hindi na ako naka-laban pa dahil nung sinubukan ko na pigilan sila ay muntik na akong matamaan ng bala at ngayon ay nasa hospital kami dahil nahimatay si Ara matapos ang insidente. Nagpunta kasi sila sa restaurant at nang pa-uwi na sila ay tsaka nakidnap si Mika. Bad news satin ito."

" Ano?!" hiyaw ko sa telepono kaya pinagtinginan ako ng mga tao sa paligid ko.

" Pumunta ka nalang dito at kailangan nating mag-usap," saad ni Jeron mula sa kabilang linya.

" Sige. Paalis na ako dito sa agency. May sasabihin din ako sayo," sagot ko at saka pinatay yung tawag.

Sumakay na ako ng kotse at mabilis na pinaharurot papuntang ospital.

Pagdating ko sa ospital ay agad kong tinanong yung room number ni Mika.

" Bro," pagtawag ni Jeron sakin pagkarating ko.

" Anong nangyari?" tanong ko.

" sinundan ko kasi sila at nung nasa restaurant na sina Ara at Mika na kasama yung mga kaibigan nila ay may lalaking nag-abot ng inumin kay Mika at nang pauwi na sila ay biglang hinimatay si Mika. Tinulungan ko sila na maitakbo si Mika dito sa ospital since ako naman yung nakakita sa nangyari. Ang hindi ko lang nakita nang mabuti ang yung itsura ng lalaking nagpa-inom sa kanya nun at malayo kasi yung pwesto ko nung pangyayaring yun," paliwanag ni Jeron.

" Nagpakilala ka sa kanila?" tanong ko.

" Oo. Pero bilang Jeron at hindi bilang Al."

" Nasaan si Ara?"

" Nasa kabilang room. Kinabahan kasi siya nang biglang himatayin si Mika at dahil doon sa kaba niya ay hinimatay din siya," sagot ni Jeron.

Pumunta muna kami ni Jeron sa hospital lounge para mag-usap.

" We need to work together para magtagumpay tayo sa misyon," panimula ko.

" I agree with you. Lalo na at lumalala yung nangyayari sa mga subjects natin."

" May bad news ako," saad ko at napatingin kay Jeron.

" Arra San Agustin is back. She's back. Nakasalubong ko siya sa labas ng agency kahapon at nagbigay siya ng warning. Sabi niya na baka may mapahamak daw. Hindi na klaro ang lahat dahil according to the files sa agency ay hindi na siya dun nagtatrabaho. Hindi na natin siya kakampi at walang may alam kung ano ang pakay niya. Kahit na si boss ay hindi din alam kung bakit nagbalik si Arra."

" Diba ex mo si Arra?" tanong ni Jeron kaya napalaki yung mata ko Sa gulat dahil walang may alam ng tungkol samin ni Arra.

" How did you know?" takang tanong ko kay Jeron.

Napa-iling lang si Jeron at hindi sinagot yung tanong ko.

" I have a feeling na kasabwat siya ni Pineda. Hindi naman siya magbabalik kung wala siyang pakay. Knowing na nasayo yung disc na hinahanap nila," saad ni Jeron.

Napakunot naman ako at napa-isip.

" Kailangan nga natin malaman kung may koneksyon nga siya kay Pineda at baka may koneksyon din si Pineda dun sa lalaki na nakita mo," saad ko.

" We'll work together. "

" Ang subjects natin ang nadadamay dahil sa disc na binilin sayo ni boss at sila na ang nasasaktan. Kailangan natin sila pag-ingat at ingatan, baka materminate tayo sa misyon niyan pag nagkataon."

Napatango nalang si Jeron bilang sagot at bumalik na kami sa taas para bantayan sina Mika at Ara.

A/N: Tutuloy ko pa ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Us At Twelve Fify One- ThomAraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon