Five

105 7 0
                                    

Thomas's POV

Pagkatapos kong malaman na si Ara pala ang bagong misyon ko ay napagpasyahan ko na umalis na sa bahay ni Jeron at umuwi na sa sarili kong bahay dahil may importante pa akong tatapusin since umpisa na ang semester namin.

Habang nagmamaneho ako ay napadaan ako ng bar nang bigla kong matanaw si Ara. Ano naman kaya ang ginagawa nun sa bar nang alas-dose ng madaling araw?

Pinarada ko yung kotse ko at pumasok ng bar para mabantayan si Ara at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

Habang tinititigan ko siya ay bigla niyang sinunod-sunod ang pag-inom ng alak kaya nilapitan ko na siya.

Nang papalapit na ako ay bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa dance floor. Gumegewang na siya at mukhang lasing na lasing.

Ano naman kaya ang problema niya para mag-iinom at lalo na nagumpisa na ang semester namin?

Tuluyan ko nanga siyang nilapitan at nang ma-recognize niya ako ay kumunot ang noo niya.

" Toweeesh! Anooo gaawaaa mo here?" lasing na tanong niya.

" Lasing ka na. Uwi na kita at baka ma pano ka pa. Kung ano man ang problema mo ay hindi dapat dinadaan sa paglalasing yan," saad ko sakanya at hinawakan ko na yung kamay niya para alalayan.

" Hindi!" sigaw niya at inalis yung pagkakahawak ko sakanya.

" Ara," seryosong tawag ko sakanya.

Naptitig lang siya sakin at hindi na umangal. Nagulat nalang ako nang bigla siyang napa-iyak.

" Walang hiya siya! Niloko niya ako! Mga walang hiyang lalaki!" angal ni Ara habang umiiyak.

Bigla nalang siya nang hina mabuti nalang at nasalo ko siya at inalalayan.

" I-uuwi na kita sa inyo. Maglalasing ka nalang bigla at wala ka pang kasama. Nasaan na sina Mika?" iritang tanong ko.

" Wala naman silang alam kung nasaan ako kaya—"

Hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita at tinakpan ko na yung bibig niya at nagtago. Natanaw ko kasi yung mga tauhan ni Pineda kaya hinala ko na si Ara sa liblib na lugar.

Bilib din ako sa kanila dahil consistent sila sa paghahanap sakin para lang makuha yung disc drive na sinasabi nila.

Wrong timing lang talaga at nandito si Ara. Madadamay pa siya sa gulo namin at kailangan ko siyang protektahan at i-iwas sa kapahamakan.

Ngayon na ang start ng mission ko.

Tinanggal ni Ara yung pagkakatakip ko sa bibig niya " WALANG HIYA KA! ANG BAHO NG KAMAY MO! ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO AT—"

Ang ingay niya talaga. Parang nakalunok ng mega phone sa lakas ng boses niya.

Dahil sa pagtatalak niya ay nawalan na ako ng choice kundi ang halikan siya para matahimik at baka mahuli pa kami nung mga alipores ni Pineda. Malalagot ako kay boss kung mangyari man yun.

Pagkatapos ko siyang halikan ay nakatulog na siya at napasandal sakin. I took the opportunity para makatakas kami kaya kinalong ko na siya at unti-unting lumakad papunta sa exit palabas.

Nang makalabas na kami ay binuksan ko na yung kotse ko at ipinasok si Ara sa shot gun seat.

Sumakay narin ako at sa kasamaang palad ay nakita kami ng isa sa tauhan ni Pineda.

Dali-dali akong sumakay at agad na pinaharurot yung kotse. Ang malas ko naman ngayon. Bakit kasi hindi tinted yung dala kong kotse ngayon. Kung kelan kasama ko si Ara.

Kinuha ko na yung baril ko at pinaputukan sila at sakto naman na sa gulong tumama yung bala. Napansin ko naman na medyo napagalaw si Ara sa upuan niya kaya pinaputukan ko ulit yung kalaban at mas binilisan ko nalang yung pagmamaneho ko at baka magising pa si Ara.

Inuwi ko nalang si Ara sa bahay ko at baka kung sa bahay nila ko siya dadalhin ay magkagulo lang.

Inayos ko nalang siya at binantayan. Tinext ko narin si boss at pina-alam ang nangyari. Sinabi niya sakin na siya na daw ang bahala sa pagpapaliwanag sa mga kaibigan ni Ara.

Habang nakatitig ako sa kanya ay napa-isip ako kung sino yung taong tinutukoy niya kanina at grabe ang galit niya sa taong nangloko sa kanya.

Dapat kong malaman kung sino ang taong yun at sana ay hindi niya maalala na hinalikan ko siya ulit at baka masapak pa ako kung matandaan man niya.

A/N: Vote and comment.








Us At Twelve Fify One- ThomAraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon