Eight

100 9 0
                                        

Ara's POV

" Ara," pagtawag niya sakin matapos ko siyang sampalin.

" Ang kapal talaga ng mukha mo, Van. Lahat na ginawa ko para sayo, pero inabuso mo naman ako masyado!" sigaw ko habang patuloy na pumapatak yung luha ko.

" Ara, I'm sorry and I didn't—"

" Save that crap, Opstal. We're done. You cheated on me at inabuso mo na ako. It's just too much. I don't give a damn about you anymore," pagputol ko sa pagsasalita niya.

Bago pa ulit siya makasagot ay tumakbo na ako palayo. Nagtungo ako sa ilalim ng puno at doon ako umiyak nang umiyak.

" I thought you were the type of person who doesn't cry."

Napatingin naman ako dun sa taong nagsalita " What are you doing here? Huhusgahan mo lang ba ako?" tanong ko habang umiiyak.

" I'm sorry," saad ni Torres at lumapit sakin.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at napayakap nalang ako sakanya. Sobrang sakit kasi yung nararamdaman ko.

" I'm sorry," saad ko habang nakayakap sakanya.

" Hindi ka dapat mag sorry sakin," sagot naman ni Torres.

" Sorry kasi ang sungit ko sayo. Sorry kasi nasigawan kita. Ang sakit lang kasi na binigay mo na lahat pero hindi pa pala sapat yun."

" Ara, sorry dahil sa nagawa ko. I hope makapag start all over tayo and sometimes sa buhay pag-ibig natin ay kahit anong gawin nating effort, kahit gaano ang ibigay natin, kapag hindi talaga tayo para doon sa tao ay hindi talaga pwede. You just have to learn to move on at kalimutan na yung sakit kasi mabubuhay naman tayo nang wala sila. Pinanganak tayo nang wala sila kaya dapat ay maka survive tayo nang wala sila. May tamang oras para sa lahat at may tamang tao para satin na darating sa takdang panahon."

Hinigpitan ko yung pagkakayakap kay Torres. Naintindihan ko na lahat.

" Thank you," saad ko.

" Wala yun. Nandito lang ako kapag may problema ka."

Natawa naman ako " I told my problems to my enemy."

" Ara," pagtawag niya sakin.

" Thomas. Thomas Torres," saad niya at naglahad ng kamay.

Tinanggap ko naman yun at nakipag kamay.

" Ara. Victonara Galang," saad ko.

" Friends," sabay naming sabi ni Thomas kaya natawa kami pareho.

" Hatid na kita kina Mika," alok ni Thomas pero umiling lang ako.

" Hindi na, Thom. May practice ka pa yata."

" I insist—"

" Ehem. Nandito pa kami," napalingon kaming dalawa at nakita ang teammates ko na magkakasama.

" Mukhang bati na kayo," saad ni Kim.

Tumawa lang ako bilang sagot.

" Thank you nalang Thomas. Una ka na," saad ko.

He hesitated at first pero umalis din siya. Kaya nung nakaalis na si Thomas ay napatakbo ako sa teammates ko at napayakap.

" Nandito siya," saad ko at sinimulang ibuhos muli ang lahat ng emosyon ko.

" We know. Thomas told us. Susundan ka sana namin kaso sabi ni Thomas na siya nalang daw," saad ni Cienne.

Bahagya naman akong napangiti sa narinig ko.

Mabait naman pala talaga si Torres.

Us At Twelve Fify One- ThomAraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon