Three

115 9 0
                                    

Thomas's POV

" Thank you sa libre, Thomas. Sana maging close tayo," saad ni Mika habang kumakain.

" Welcome and sure. Sana maging close nga tayo, diba Ara?" I said while looking at Ara.

Magkakatabi kami ngayon sa iisang table at katapat ko ngayon si Ara na masama ang aura.

" Huy! Sabi ko tayo. Hindi ang titigan mo yang best friend ko,"

Napa-iwas ako ng tingin kay Ara nang mahuli ako ni Mika na nakatingin sa best friend niya.

" May gusto ka ba sa best friend namin? Grabe ka makatingin eh," pambubuking ni Kim.

" Wala. Kakakilala lang namin ni Ara," sagot ko sa tanong niya.

" Sure ka ba na ngayon lang kayo nagkakilala?" tanong ni Carol.

" Kasi parang may galit si baks sayo eh."

" Uh... Yes?" alangang sagot ko. I basically half lied.

" Sure ka ba na—"

Naputol ni Cienne yung sasabihin niya nang magsalita si Ara.

" Tigilan niyo nanga yang lalaking yan," saad niya.

" Pakikilala ko nalang kayo minsan sa mga best friends ko. Dito din sila nag aaral pero may classes pa sila kaya next time nalang," pag-iiba ko ng usapan.

" Sus. Baka mga babaero naman na kagaya mo," rinig kong bulong ni Ara.

" Sige. Next time nalang. May gagawin pa kasi akong importante. Bye girls. Bye Ara," pagpapaalam ko dahil medyo nasaktan ako sa narinig ko from Ara na ang tingin niya sa amin ay mga babaero.

Sumakay na ako sa kotse ko at nag drive papuntang bahay. Habang nagmamaneho ako ay may kotseng sumusunod-sunod sakin kaya pinilit kong mag-iba ng landas para iligaw sila kaso hindi nangyari.

Maya-maya pa ay may nagpaputok ng baril sakin kaya nabasag yung side mirror ko.

" Chris! Lumabas ka na diyan at wala ka nang takas. Sumuko ka na kung ayaw mo pang mawala sa mundong ibabaw!" sigaw nung lalaki na bumabaril sakin.

Sumilip ako sakanila at shit! Patay ako nito!

Mga tauhan ni mister Pineda.

Kinuha ko na yung baril ko sa dash board at nakipag putukan sa mga tauhan ni mister Pineda.

" Sumuko kana at ibigay mo na yung hinahanap namin!" sigaw niya at muling nagpaputok ng baril.

I changed gear at pinaharurot yung kotse ko. Gasgas nanaman ito.

Iniwasan ko sila at pilit na iniligaw muli at nang matanto ko na hindi na sila nakasunod ay agad kong tinago yung baril ko at medyo binagalan ang pag mamaneho.

I guess kina Jeron nalang muna ako tutuloy at baka inaabangan ako ng mga gonggong sa bahay ko.

Inilabas ko yung box na naglalaman ng disc drive at tinago ko yun sa mas lihim na compartment para hindi nila mahanap sakin yun.

Yung disc drive na yun ang hinahanap nila sakin at walang may alam kung ano ang laman nun. Pinatago lang sakin yun ng manager namin sa agency.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
A/N: Sorry kung medyo sabaw yung update. Thank you for reading (kung meron man) and I hope that you support this story.

Us At Twelve Fify One- ThomAraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon