Ilang araw na naging issue si Macey sa lugar nila dahil sa pag hahatid -hatid sa kanya ni Patrick sa gabi, kesyo di daw sya makaka graduate ng hindi buntis. Blah blah blah... Na iirita sya pero hindi nya pinatulan ang mga makakating dila na mas gustong pumuna ng buhay ng iba kesa ayusin ang buhay nila na sa pag hihirap ay halata mong wala ng makain.Tuloy lang ang buhay nilang mag kakapatid na ewan nya kung na mukod tangi sa lugar nilang hindi nag pa papatol sa mga tsismis sa paligid. Katwiran kasi nila hindi porke squatter ka eh dapat squatter na din ang ugali mo. Hindi sila snob na tao, dahil binabati at nakikipag -usap din naman sila sa mga tao sa lugar nila, pero hindi sila gumagaya sa mga ito na tumatambay sa labas para sumagap ng tsismis o tumatambay sa labas para maki pag inuman.
Kapag iinom ang mga kapatid nya ay sa bahay sila umiinom at sila -sila lang, kung may okasyon at nag handa, imbes mag imbita ay nag hahatid na lang sila ng lutong pagkain sa mga malapit na kapit bahay at ka kilala. O kaya naman ay piling -pili lang ang pina pupunta. Ganyan din kasi ang mama nila na ibang-iba rin dito sa dalawang kapatid na kapit bahay nila dito sa Manila. Kung sabagay ang tita Azon at tita Lyn lang naman nila ang ganito, yong mga Ibang kapatid kasi ng mama nila sa probinsya ay hindi naman ganito.
Anyway, pa alis sya ngayon, nag pa alam na sya sa kuya Harold nya at ate Mariz nya at pinayagan na sya ng dalawa. Inaya kasi sya ni Patrick umuwi sa Lucena. Pa alis na kasi ang binata sa susunod na linggo at bago daw ito umalis ay gustong maka bonding ng mga pamangkin at kaya naman sya isinasama ay dahil gusto daw syang makilala ng mga kamag anak na pupunta din.
"Marimar ang lakad mo?" Tanong ng tita Azon nya na na labasan nya sa gate na naka upo sa labas ng gate ng bahay ng tita Lyn nya.
"Po? Sa Lucena po tita." Sagot nya na bahagyang ngumiti.
"Mag -aano ka do?" Tanong nito, na ewan kung nag ku kunyaring walang alam.
"Sus ugang! huli ka na talaga sa balita, taga lucena ang gwapong boyfriend ni pamangkin." Bungad ng tita Lyn nyang lumabas ng bahay nito at may bitbit na dalawang tasa ng kape.
Hilig kasi ng dalawang tong maupo at mag kape sa labas ng gate. "Ugang" short for tugang na kapatid ang ibig sabihin sa salitang bicolano. Taga bicol kasi ang tatay ng mga tita Azon nya at ng mama nya.
"Ay ganon ba?! Balita ko may sa sakyan, bat di ka yata sinundo?" Anang tita Azon nyang bahagya pang lumingon sa paligid.
"Sa school nya po ako susunduin, bigayan po kasi ng certificate ngayon, hindi pwedeng hindi sya a attend." Magalang na sagot nya.
"certification ng Ano?" Tanong ng tita Azon nya ulit.
"Certification of Captaincy po." Sagot nya.
"Wow! Sabihin mo congratulations! Kelan ang byahe nya ulit?"ang tita Lyn nya.
"Next week po." Sagot nya.
"Byahe ng ano at anong captaincy?" Si tita Azon
"Seaman ugang, captaincy kasi ka po promote na kapitan ng barko." Si tita Lyn.
"Ah." Si tita Azon na naunawaan din sa wakas.
"Di iwan ka, baka naman bago umalis eh mag pa "baon" ka at maka pag deposito sayo, tignan mo ang pinsan mong si Jona patomboy-tomboy eh buntis sabi ng tita Azon mo!" Banat ng tita Lyn nya.
"Hindi naman po siguro." Sagot nya.
"Anong hindi eh lalaki yon, at bakit yong gabi -gabing uwi mo ng halos alas once na eh wala pa bang nang yayari?" Deretsang tanong ng tita nya, na napuna palang madalas gabing -gabi na sya ihatid ng binata.
"Wala pa po, hanggang kiss lang." Sagot nya. Totoo naman na wala pang ng yayari sa kanila ng binata sa mahigit isang buwan nilang relasyon.
"Hmp! Wala pa pero malamang mamaya meron na!" Tita Lyn ulit.
BINABASA MO ANG
Karugtong Ng Kahapon
RomancePatrick fell in love at such a young age and he was loved in return. Pag-iibigang kay tagal nilang inalagaan at pinayabong. Pag -iibigang akala nila at ng lahat na hanggang wakas. But like any other love story, there's always the kontrabida. To mak...