Chapter 1

9.6K 118 4
                                    

Lunes ng umaga at baha na sa kalsada, mabilis na nag lalakad ang isang dalaga sa gilid ng daan kung saang medyo angat at hindi pa masyadong inaabot ng tubig. Sya si Maria Mercedes Rodriguez o "Macey" sa mga kaibigan at ka kilala, o kaya namay Thalia o marimar sa mga ma pang -asar. Sa sobrang adik kasi ng nanay nya sa palabas na Maria Mercedes eh iyon ang ipinangalan sa kanya ng ipanganak sya.

Estudyante sya ng engineering sa Mapua Institute of Technology sa Intramuros, kung saan laging baha konting ulan lang. Kung sya lang ang masusunod mas gusto nyang manatili na lang sa bahay ngayong araw, kaso may major exam sila ngayon kaya kahit umuulan at mukhang tataas na naman ang baha ay wala syang choice kundi ang pumasok. Malapit na syang grumaduate at hindi nya gugustohing bumagsak at umulit.

Tuloy -tuloy syang nag lakad sa gilid ng daan, nang biglang may humahagibis na sasakyang dumaan. Huli na para maka iwas sya, nag tilamsikan ang mga tubig at sa malas na saboy lahat sa kanya at sa payong nyang dala. At Ang higit pang malas hindi lang basta tubig ulan ang tumilamsik kundi pati burak na mabaho. Dumikit sa soot nyang damit ang itim na putik at ang masangsang na amoy. Swerte nya lang na may dala syang payong dahil kung hindi pati buhok nya na ngamoy imburnal.

Inis na mabilis syang nag hagilap ng maipang babato sa sasakyan, swerteng na ka kita sya ng di kalakhang bato sa di kalayuan. Mabilis nyang dinampot ang bato at patakbong hinabol ang sasakyang bahagyang huminto dahil may mga estudyanteng tumatawid sa kalsada. Walang pag dadalawang isip na inihagis nya ang bato at pinutol ang likurang salamin ng sasakyan. Kasabay ng kalampag ng bato ay ang tili ng mga estudyanteng na gulat sa malakas na tunog na nilikha ng bato.

Naka ka ilang hakbang pa lang sya para mag patuloy sa pag lalakad ay bumukas na ang pinto sa driver seat ng sasakyan at ini luwa ang isang matangkad na lalaki at pabalibag na isinara ang pinto at nag lakad pa punta sa likuran ng sasakyan at tinignan ang damage na ginawa ng bato. Matapos tignan ay kunot noong nilinga nito ang mga estudyanteng huminto at nag osyoso.

"Hindi ako ang bumato." Chorus ng mga estudyante na agad nag hugas ng kamay, hindi pa man nag tatanong ang lalaki.

"Nakita nyo ba kung sino?" Malakas na tanong nito. Parang iisang taong nag landing ang mata ng lahat kay Macey na puro mantya ng putik ang damit at na nunulo pa ang payong ng itim na tubig pusali. Nilinga din sya ng lalaki at ng mag tama ang mga mata nila ay taas ang babang sinalubong nya ng tingin ang lalaki.

"Ikaw ba ang bumato sa sasakyan ko?!" Masungit ang tunog ng boses na tanong nito.

"Eh ano ngayon kong ako?" Mas itinaas pa ang babang sagot nya.

"Bakit mo binato? Ka bago-bago ng kotse ko binasag mo agad ang salamin." Gigil na sabi ng lalaki na na meywang at mukhang kakainin sya ng buhay sa galit na ibinabadya ng mga mata.

"Eh Bakit hindi kita babatuhin?! Tignan mo nga ang ginawa mo sakin!" Pa singhal at galit rin ang boses na sagot nya sa lalaki.

"Bakit ano bang ginawa ko sayo?!" Singhal din ng lalaking na mula ang mukha at na ningkit ang mga mata.

"Bakit bulag ka ba at hindi mo na kikitang puro tapsik ako ng tubig at burak dahil sa bilis mong mag pa takbo ng sasakyan?!" Uminit lalo ang ulong sagot nya.

Napa kunot noo bigla ang lalaki at biglang hinagod sya ng tingin mula ulo hanggang pa, ewan nya kung guni-guni nya lang pero parang biglang lumambot ang ekspresyon sa mukha ng lalaki at ng tumitig ito sa mukha nya ay parang may gulat na bumadya sa mga mata.

"Na tapsikan lang kita at hindi ko naman yon sinasadya, pero yong pag bato mo sa sasakyan ko sinadya mo." Sabi nitong bahagyang nang -uusig ang tinig at sumungit lalo ang itsura.

"Ows talaga?! Hindi mo sinasadya? Eh kung hindi bakit hindi ka man lang huminto at nag sorry? Saka for your information school zone ito mister dapat alalay ang takbo ng sasakyan mo, pero dahil mayabang ka at feeling mo ikaw ang hari ng daan, wala kang paki alam kung maka perwesyo ka ng mga taong walang sasakyan at nag titiis mag lakad na katulad ko!" Pa sigaw na dakdak nya.

Karugtong Ng KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon