Two days later, umarkila sila ng family van pa uwi sa probinsya para ma pabilis ang byahe bukod sa may dala sila ng ate Mariz nyang tatlong bata at mga bagahe. Na iwan pa kasi ang mag asawa ng kuya Harrold nya dahil may pasok pa sa trabaho, in four days time pa daw susunod ang mga ito. Pagabi na halos ng dumating sila sa Atimonan port, sakto naman dahil gabi daw ang byahe ng bangkang mag dadala sa kanila sa isla.Ipina karga agad nila ang mga bagahe nila, habang ini handa na ng ate nya ang pump up bed sa bubungan ng bangka para daw may pwesto na sila mamaya kapag nag sakay na ng mga pasahero. Buwan kasi ng bakasyon kaya maraming bakasyonista ang pauwi sa Isla bukod sa dinadayo na daw ng local tourist ang lugar nila ayon sa ate nya. Buti na nga lang at kamag -anak nila ang may -ari ng bangka kaya pumayag agad na mag reserve sila ng pwesto.
"Mommy where are we going?" Naka kunot noong tanong ng anak nya, pang ilang tanong na nito iyon, sa buong durasyon kasi ng byahe sa van ay naka ilang tanong na rin ito.
"Remember I told you where going to visit your grandma & grandpa?" Sagot nya, bahagya naman itong tumango.
"We're going to ride the boat and sleep there and tomorrow, we will be there, ate Sabrina tita Gel and tito Sandro will be there too." Dagdag nya.
"And kuya Kenneth?" Bakas ang excitement na tanong nito, tumango na lang sya at bahagyang ngumiti.
"Yeppy! Kuya Kenneth will read mo books mommy?" Excited na sigaw nito.
"When you are a good girl yes." Sagot ni Macey sa anak, sabay karga sa bunso ng kuya Harold nya na nag u umpisa ng umiyak.
"Ang kulit ng bata englisera!" Dinig nyang kumento ng isang babaing mukhang nag a antay din na mag tawag ng pasahero. Nginitian nya ito ng bahagya saka nya agad inalo ang pamangkin na unti-unti ng lumakas ang hikbi.
"O na pano yan bat umiiyak?" Bungad ng ate nya na di nya na punang naka baba na pala buhat sa bangka.
"Iyak sya mama!" Sagot ng panganay na kapatid.
"Bakit pinaiyak mo ba Si Hans kuya Harry?" Pabirong tanong ng ate Mariz nya sa pamangkin, umiling agad ang bata.
"Hinahanap ka siguro te syempre na ninibago pa sakin." Sabi ni Macey saka ibinigay sa ate nya ang pamangkin.
"Oo, siguro nga, di kasi sanay yan sa Iba, kita mo naman mas gusto nya sakin kesa kay Mayeth.." Sabi ni Mariz.
"Buti pa sumakay na tayo bunso, habang di pa kagulo ang mga tao, kasi mamaya kagulo na, mahihirapan tayo sumakay. " Dagdag nito. Tumango na lang sya at inakay ang anak saka binit bit ang over night bag nya at ang back pack ng anak.
Nag tawag naman si Mariz ng tutulong sa kanila mag buhat sa iba pang gamit ng mga bata at sa isa pang pamangkin. Nang maka sakay sila ay nag reklamo agad ang anak nya, medyo amoy diesel kasi.
"Yuck what's that smell?" Malakas na sabi ng anak nya.
"It's the smell of diesel sweetie, later it will go away." Sagot nya.
"Uy! Akala ko kung sino nga seksing chicks, Si Maet pala to! Anak mo na yan? Sosyal ha englisera!" Sabi ng isang lalaking medyo may edad na, at dahil medyo madilim pilit nya pang kinilala kung sino ito.
"Tiyo Rudy ikaw po pala! Akala ko kung sino na!" Na pa ngiting sabi nya. Pinsang buo ng mama nya si Rudy at ito ang may ari ng bangka. Maet Ang tawag sa kanya nito mula maliit sya kasi nga sa kanilang mag kakapatid sya lang ang maitim. Maet, short for Maitim.
Ka katwang na kilala sya agad nito sa tagal nyang hindi umuwi, bata pa kasi ay sa manila na sya nag lagi at pa minsan-minsan na lang umuwi sa kanila sa Isla ng Jomalig sa Quezon province.
BINABASA MO ANG
Karugtong Ng Kahapon
RomancePatrick fell in love at such a young age and he was loved in return. Pag-iibigang kay tagal nilang inalagaan at pinayabong. Pag -iibigang akala nila at ng lahat na hanggang wakas. But like any other love story, there's always the kontrabida. To mak...