Chapter 34

4K 86 7
                                    


Walang nangyari sa plano nilang lampungan kagabi ng binata, bagsak kasi ito sa kalasingan ng matapos ang inuman at kantahan kagabi, ni hindi nga nito at ng kuya Harrold nya na gawang umakyat sa itaas kagabi, sa halip, ipinag latag nya na lang ang dalawa ng manipis na kutson sa sala at binigyan ng unan. Tanghali na rin ng magising sya at wala na ang binata ng bumaba sya, tanging ang kuya Harrold nya na lang ang na babaan nya. Nag pa alam na daw na mag iikot sa bara-baranggay para maghanap ng ipang hahanda sa kasal nila, kasama ng papa nya at ng kuya Jun nito anang ina.

Nasa mesa na at nag a almusal ang mga ate, bayaw at hipag nya, tulog pa si Nicole na puyat yata kagabi dahil na sobrahan ng laro, kasama ng mga pamangkin ni Patrick na mga pinsan nito. Dumulog sya sa mesa at marahang nag sandok ng pagkain.

"Kumusta ang feeling ng ikakasal na?" Naka ngiting tanong ni Mayeth.

"Okay lang naman, pero medyo kinakabahan."  Tipid na sagot nya sa hipag.

"Bat ka kakabahan? Dapat kaya excited ka loka! Ang gwapo kaya ng groom mo, di ka ba kinikilig?" Si Mayeth ulit.

" Anong hindi, Eh kilig na kilig nga kagabi." Sabi ng ate Mariz nila.

"Ako lang ba? Eh kung di ko pa na pansin ang mga tinginan nyo ni Kuya Ben wagas!" Na nunuksong sabi ni Macey sa kapatid. Namula si Mariz at pinandilatan sya.

"Pansin mo rin pala?" Nag tatawang sabi ni Gel.

"Naku bulag na lang ang hindi maka pansin! Malakas yata ang tama sayo te." Sabi naman ni Sandro, pulam-pula tuloy si Mariz.

"A tse! Wag nyong sabihing pagkatapos nina Mercedes at Kristopher ay si pareng Ben at si Mariz naman, na kakahiya na yata sa mga tao at sabihin naman ay talo nyo pa ang mauubusan ng lalaki at pati mag kapatid ay pag titigisahan nyo na." Halata ang di pag sang ayon na sabi ng mama nila.

"Susko ma ano namang paki ng tao inggit lang ng mga yon, saka kelan lang botong-boto kayo kay pareng Ben nyo, ngayon na mukhang mag paparamdam na kay ate Mariz ayaw nyo na! Ano ba talaga kuya?! " Ani Gel na itinirik pa ang mga mata.

"Hindi naman sa ayaw, pero naka kahiya sa tao." Katwiran ng ina.

"Ay naku! Bat kayo mahihiya sino ba sila? Saka hello! Hindi naman alangan si ate don, thirty eight years old lang naman yan at like me, sexy na maganda pa! May mga anak nga lang pero juice ko graduate na ang mga bata hindi na pabigat saka gurang na din naman yong kumpare nyo, malamang hindi na yon maka eskor kay ate!" Mahabang litanya ni Gel sabay tawa, lalong pinamulahan ng mukha si Mariz na talo pa ang virgin bride.

"Anong hindi hon? Kahit ninety years old kapag malakas kumakasa pa!" Nag tatawang sabi Sandro.

"Aro ano ba iyan? Kadiri na noong!" Bulalas ng mama nila.

"Bakit kayo ba ni papa hindi na?" Walang preno ang bibig na tanong ni Gel sa ina.

"O! Baka siyang matanda siya'y sipain ko, tanda Eh eh!" Umiiling na sabi ng mama nila. Tawa tuloy sila ng tawa.

Makalipas ang ilang sandali ay naging seryoso rin ang usapan, tinalakay nila ang ilang detalye sa kasal gaya ng motif, invitations at iba pa. Naitanong nga ng mama nila kung i imbitahan daw ba ang pamilya ng tiya Rosario nito na syang ina ng dating kasintahan ng binata. Hindi nya masagot ng deretso ang tanong ng ina kaya sinabi nya na lang na kakausapin nya ang binata. Sabi nga ng ate Gel nya magiging awkward daw kay Patrick, sabi naman ng mama nila awkward din kung hindi dahil i imbitahan ang ibang kamag anak tapos alangan naman daw na hindi ang pamilya ng tiya Rosario nito. May point naman ang ina, pero syempre gusto nya muna kausapin ang binata.

Karugtong Ng KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon