Ako si Glaiza. Hindi Soberano ha. Kundi Galura. Glaiza Galura ng Kamuning, Quezon City. Ah Liza lang ba yun? Sorry naman. Anyway, isa lang ang pangarap ko sa buhay. Ang YUMAMAN. Sa kahit anong paraan. Basta hindi ako makukulong ha. Sayang naman ang ganda ko kung sa city jail lang ang bagsak ko. Nararamdaman ko na isa akong prinsesa na dapat sana'y nakatira sa isang malaking palasyo at may magagarang sasakyan at maraming tauhan. Maraming pera at mga designer bags at mga mamahaling kagamitan. pero siguro nung bago ako ipanganak, may nagkamali sa sistema at dito ako napunta sa Kamuning. Kung saan pati ung guhit sa kiluhan ng bigas, pinagaawayan kung sapat na ba o hindi pa.
.
Mahal ko naman ang aking pamilya. Kaso kuntento na sila sa ganitong buhay. ako, hindi. yayaman ako! Ang dalawang kuya ko, wala, puro tambay ang alam. Ang tatay ko isang retired na sundalo. Sakto lang ang pension nya sa pang araw-araw na gastos namin dito. Pero si Nanay, sya ang kakampi ko. Ang goal naming dalawa sa buhay ay ang magkaroon ng limpak limpak na pera. Kaya nga kahit mabaon sa utang, pinilit niya na makapagtapos ako sa isang mamahaling University. kinaya naman namin dahil may scholarship grant naman akong nakuha, kahit 50% atleast hindi na namin kailangang isangla ang bahay namin. Katwiran ni Nanay, pag sa mamahaling University ako nag-aral, magkakaron ako ng mayayamang kaibigan at baka makahanap ako ng mayamang mapapangasawa. kaso wala eh, tuwing may manliligaw sa akin, umaatras agad. Eh papaano ba naman, pag nakarating na sila dito sa bahay, kahit anong ligpit at asikaso gawin ni Nanay, hindi na bumabalik.
Yung isang manliligaw kong intsik, ok na sana eh. kaso nung pauwi na sya, paglabas nya wala na yung gulong ng sasakyan nya. Ninakaw ng mga patay gutom naming kapit bahay. Yung isa naman may driver pa, kaso napagtripan naman ng kuya benjie ko, pinainom ng pinainom. Pag-uwi, ayon nagLBM. hindi yata sanay sa isaw na pulutan. kinabukasan, parang hindi na ko kilala. hay...
Pagka graduate ko, tuwang tuwa sila sa akin. Sabi ni nanay, kung hindi man daw ako nakabingwit ng mayamang mapapangasawa sa University, atleast makakahanap ako ng magandang trabaho. Baka doon, maka jackpot.
Sasamahan ako ngayon mag apply ni Nadine sa pinapasukan nyang bangko sa Makati. Siya ang bestfriend ko at kapit bahay namin dito sa Kamuning. Anak sya ni Aling Clara, yung may-ari ng tindahan sa tapat ng bahay namin. Briton ang ama nya kaya maganda siya, sila ng kapatid nyang si Rhian. Kaso patay na ang tatay nila pero mabuti na lang ay may college trust fund ang magkapatid kaya nakatapos din si Nadine sa same University na pinasukan ko. Mas nauna nga lang syang matanggap sa trabaho. Ewan ko ba, may kung anong malas ata talaga ako.
.
Maaga akong nagising ngayon dahil bukod sa mag-aapply ako, nagising ako sa ingay ng sasakyan sa baba. May talyer kasi ang kuya Sam ko at dahil wala naman silang pambayad sa pwesto, dito sa garahe at sa labas ng bahay namin naka kalat ang mga gamit at sasakyang ginagawa nila. Kasama nya sa talyer si Yoyon (nickname ni Rhian), kapatid ng bestfriend ko. Napakakulit ng batang 'to. Maganda sya actually. hazel brown eyes at brown shoulder length na buhok. pag may okasyon, at kailangan nya mag-ayos, talagang lahat ng lalaki napapahanga sa ganda nya. kaso tomboy. tsaka ayaw mag-aral. katulad ng kuya Sam ko, puro pag memekaniko lang ang gusto. sayang nga dahil may pera naman sya pampa-aral kaso ayaw nya talaga. Sabi ni Nadine, gusto daw ni Rhian kunin ang perang naiwan sana ng Daddy nila para sa pag-aaral nya at gamitin ito para makapagpatayo ng talyer. Kaso syempre hindi naman pumayag ang auntie nilang briton. Nilaan daw kasi talaga yon ng ama nila para sa pag-aaral nila. At kahit pa gustuhin nito, hindi rin nila makukuha ang pera sa bangko hangga't wala silang pruweba na gagamitin nga ito sa pag-aaral.
Bumangon na ako para maligo at mag-almusal. Ang ingay talaga. Pag dating ko sa baba, andun nga sa ang kuya ko at si Rhian may ginagawang sasakyan.
YOU ARE READING
RASTRORIES
Fanfictionseries of one-shots. credits to the owners of the pics and videos that will be used on this compilation.