"Lab, tara na muna sa tapat. ayusin ko gamit mo." pagyaya ko kay Rhian pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan namin ng agahan.
"naayos mo na ba yung sa'yo?" tanong nya.
"oo. simpleng white dress lang susuotin ko. yung binili namin ni Nadz sa megamall. diba sabi mo simple lang."
"kaya nga. thank you lab. alam ko hindi ito ang pangarap mong kasal. thank you dahil kahit hindi marangya, ok lang sa'yo."
"ikaw ang pangarap ko lab. kahit sa bangketa tayo ikasal, masaya ako dahil ikaw ang pakakasalan ko. pero pwede ba wag ka namang mag t-shirt at maong lang." pakiusap ko dito at natawa naman sya.
"ayoko nga mag bestida lab. nangangati ako."
"sige. basta wag maong at tshirt ha."
"basta wag din bestida. ikaw na bahala."
"sige. tara na sa tapat. maglilinis din ako ng kwarto mo. natin pala. malamang pagod tayo pag-uwi. eh grabe na yung alikabok mo dun."
"iniipon ko yun lab."
"hay nako. basta. aayusin ko yun. tatanggalin ko yung blinds mo, grabe na. tsaka yung aircon mo pala lab palinis natin. hindi pa yata yun nalinisan mula nang ininstall."
"nililinis pala yun. hahaha. mag tatalong taon na yun. si heart pa nagpalagay nun do..." at natigilan naman kami pareho sa sinabi nya.
.
.
.
"lab?" pagbasag nya sa katahimikan.
"hmm?" sagot ko naman.
"pwede bang humingi ng dalawa o tatlong oras. may pupuntahan lang ako."
"saan?"
"sa heritage." sagot nya at humawak sa kamay ko.
doon naka lagak ang labi ni miss ongpauco. ngumiti naman ako kay yoyon at lalong hinigpitan ang paghawak sa kamay nya.
"ingat ka, lab." maikling sagot ko.
at tumawid na kami sa kanila. habang nagaayos ako ng mga damit nya, naligo naman na si Rhian. Pagkabihis ay nagpaalam na itong aalis. Naiwan naman ako dito para maglinis. Tinulungan naman ako ni Nadz na mag general cleaning pero hinintay nya munang umalis si lab. Ayaw daw nya kasing malaman ni Rhian na tumulong sya sa paglinis ng kwarto ng huli. Ewan ko kung bakit.
"grabe naman daming upos ng yosi!" reklamo ni nadine habang winawalis ang ilalim ng kama ni yoyon.
"oo nga. ang kalat ni lab, grabe."
"sigurado ka na ba dito sa taong 'to bes?" matawa tawang tanong ni nadz sa akin.
"101% bes. ito na yun. hindi ko na kayang mabuhay pa ng isang araw na wala sya. tsaka ayaw mo yun magiging sissies na tayo!" sagot ko naman.
"oo nga noh. hehehe. eh pano yan, hindi ka naman mabibigyan ni yoyon ng anak. tsaka diba noon pa, gusto mong yumaman ng bongga. what changed?" bigla namang nag seryoso ang bestfriend ko at umupo sa kama ni lab.
"hindi ko pala kaya ng wala sya, bes, sis. noong sumama sya kay mam noon, para kong zombie. namanhid ako sa sakit. yun yung time na hindi pa ko umaamin sa'yo. sinolo ko lang lahat. grabeng bigat. tapos diba nakwento ko na sa'yo na iniwan ako ng pera ni miss ongpauco. akala ko noon pag naka hawak ako ng isang milyon, magiging masayang masaya ako. pero noong andun na sa harap ko, tapos nabasa ko yung sulat nya sa akin, naisip ko, kahit maging isang bilyon pa yun, hindi nabawasan kahit katiting ang sakit na nararamdaman ko dahil wala si Rhian sa tabi ko."
YOU ARE READING
RASTRORIES
Фанфикseries of one-shots. credits to the owners of the pics and videos that will be used on this compilation.