Pangarap ka na lang ba (11)

4K 168 23
                                    


"bes, please. baka mabagok naman!" narinig kong sabi ni lab kay ate habang inaalalayan nya ko patayo. kinapa pa nito ang ulo ko.

"hayaan mo ng matauhan!"

"kaya ko na to bes. thank you. maguusap lang kami." mahinang sagot ni Glai kay Nadine habang pilit inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

"hay nako glaiza! anong oras na ha. maaga tayo bukas. mamaya."

tumango lang si lab kay ate.

"ikaw yon, siraulo ka talagang bwisit ka!" hirit pa nito sa akin bago pumasok sa loob ng bahay namin.

.

"tsk. wag mo kong hawakan, yon." saway sa akin ni Glaiza. binuksan na nito ang gate sa bahay nila at hinintay akong sumunod papasok.

"ano?" tanong nito sa akin habang nakatayo kami sa garahe.

"hindi ba tayo papasok?" sagot ko.

"hindi ka pa ba natapos kay lovi?" sarkastikong tanong nya.

"lab naman..." lambing ko. yayakap sana ko sa kanya pero umatras ito.

"please don't touch me, yon. please lang." at tinaas pa nito ang kamay nya para pigilan akong lumapit sa kanya.

huminga ko ng malalim bago magpaliwanag.

"birthday ni lovi. nakita mo naman maraming tao diba. andun pa nga si ben. kahit tanungin mo pa sya. hindi ako makatanggi."

"eh ba't di ka nagsabi?"

"papayag ka ba kung nagsabi ako?"

"ah... kaya hindi mo na lang sinabi? may point ka don." sarcastic nanamang sagot nya.

"lab, sorry. hindi ko na uulitin."

"kahit ulitin mo yon. ok lang. wala na kong pakialam."

"ano yan lab? grabe naman."

"hindi nga. seryoso."

"nakikipaghiwalay ka ba sakin?"

"yan ba gusto mo?"

"syempre hindi!" malakas na sagot ko.

"huwag kang sumigaw!" sita nito sa akin.

"wala na kong tiwala sa'yo." dagdag pa nya.

"lab, naki birthday lang ako. malaking kasalanan na ba yon? andun si kuya mo kahit tanungin mo pa sya."

"alam ko. alangan namang maglampungan kayo sa harap ng maraming tao, diba. hindi ako tanga. alam kong naki kain ka lang don. ang masakit yon, yung sinampal mo ako ng katotohanan na nagsisinungaling ka nga sa akin. hindi lang naman 'to ang unang beses na ginawa mo 'to diba?"

"lab naman." malambing na sabi ko habang papalapit ulit sa kanya pero umatras ito ulit at umiling iling pa.

"tama na yon. nakapagpaliwanag ka na. ok na yun. mula ngayon, pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo. para hindi ka na rin nahihirapan kakatago." panay ang punas ni glaiza sa mga luha nya.

"ayoko lab. please naman ayusin natin 'to. ayaw kitang mawala." pagmamakaawa ko.

"hindi naman ako nakikipaghiwalay sa'yo. ayoko lang ng tuwing wala ka sa paningin ko, kung ano-anong iniisip ko. kaya nga, bahala ka na kung anong gusto mong gawin."

RASTRORIESWhere stories live. Discover now