Pangarap ka na lang ba (9)

4.6K 178 25
                                    


Hanggang sa kabilang buhay, ang kapakanan ko pa rin ang iniisip nya. Ang sulat nyang ito kay Glaiza ay isa nanaman sa mga sorpresa nya. Bakit hindi ko nagawang mahalin sya ng buong buo? Kahit anong gawin ko, pakiramdam ko kulang na kulang ang binigay kong atensyon sa kanya. Kahit hanggang sa huling sandali ng buhay ni Heart, inalagaan ko sya. Andun ako physically for her. Pero ang sakit isipin na kahit sa huli nyang hininga, hindi ko nagawang ibigay sa kanya ang puso ko ng buo. Nang walang kasalo. Masakit sa akin na namatay sya. Pero mas masakit na alam kong namaalam sya knowing na hindi ko sya kayang mahalin ng buo. Kung natuturuan lang sana ang puso. Wala sigurong gera sa mundo.

Nagulat ako sa laki ng iniwan sa akin ni Heart. Isang lingo pagkamatay nito, kinausap ako ng kanyang Ama. Mas nakakagulat ang mabilis na pagbabago nito. He was vulnerable when Heart was dying. But when she passed away, parang namatay na rin ito. It's like her death sucked the life out of him. Walang expression ang mga mata nito. Kasama ang tatlong abugado, inabot nito sa akin ang papel na naglalahad ng mga iniwan sa akin ni Heart. Mga ari-arian, lupain, sasakyan at limpak limpak na pera. Tila nagulat sila ng tanggihan ko ang mga ito.

"hindi ko po ito matatanggap, sir. Pasensya na po kayo."

"Rhian, Heart wanted you to have these. And let's be honest, you will never see this kind of money in your lifetime."

"Alam ko po. Pero hindi ko po talaga matatanggap ito sir."

"That will complicate things." Sabat ng isa sa mga abugado.

"The will is signed and registered in California so we would follow the probate code..."

"pakihanda nyo na lang po ang mga dapat kong pirmahan. Hindi ko po talaga ito matatanggap." Pag putol ko sa kanila.

"paki iwanan nyo muna kami." Utos ng Ama ni Heart at agad namang sinunod ng mga kasama.

"I heard you promised Heart in her death bed that you will accept whatever she gives you." Seryosong sabi nito pagkalabas na pagkalabas ng mga abogado.

"Bago ko po malaman na may sakit sya, binigyan nya po ako ng pang puhunan sa negosyo. Pinagawayan pa nga po namin ito. Sobra sobra na po yun, sir. At yun lang ang pinangako ko sa kanya. Pasensya na po kayo."

Huminga lang ito ng malalim.

"If you will ever need anything. Anything at all, you know where to reach me."

"salamat po."

.

.

.

Napakabait talaga ng baby ko. Napaka maalagain. Ilang beses kong tinatanong kung anong nagawa ko para mahalin ng isang katulad nya. Kahit na wala na sya, sisiguraduhin nyang mamumuhay ako ng komportable. Hanggang sa dulo, ako pa rin ang iniisip. Ang layo ng ugali sa bruhang Glaiza na 'to.

Napakaangas pang sumugod dito. Na parang talagang pag-aari nya 'ko. Magiinarte pa na ako daw ang kailangan nya.

Nakaramdam ako ng malamig na simoy na hangin.

"promise me, baby. Promise me." Paulit ulit kong naririnig ang mga huling salita ni heart.

.

.

"find your own happiness."

.

.

.

"promise me."

.

.

RASTRORIESWhere stories live. Discover now