Mahirap pala makabili ng sariling bahay. Yung mga bahay na afford namin bilihin kung hindi na sa Cavite, sa Bulacan. Lahat na sa mga kalapit probinsya. Wala kaming makitang bahay dito banda sa QC na kaya ng budget namin ni Rhian. Pag weekend, dito kami natutulog sa kwarto nya sa taas ng talyer. Tiis tiis muna siguro.
Linggo ngayon kaya uuwi ako sa amin at ganoon din si Rhian. Andito lang ako sa taas naghihintay habang may tinatapos pang ayusing sasakyan si Lab sa baba. Ayoko namang doon maghintay kasi mainit tsaka maraming tao. Ewan ko nga ba bakit langing maraming tambay dito palagi sa talyer. Mga hindi naman nagpapaayos ng sasakyan. Aksaya pa sa space. Nakakainis. Marami kasi silang barkada ni kuya sam. Minsan mga nagiinuman pa. Ang iingay. Ito kasi si yoyon, hindi sawayin. Ang talagang kina init ng ulo ko ay noong nalaman kong mga nagsusugal pa! Kakapal ng mukha! Dama lang naman kaso pag may pusta sugal pa rin yun. Kung hindi ko tinakot si Rhian na hindi na ko babalik pa ulit dito, hindi pa matitigil. Kinabukasan may naka paskil na sa dingding 'BAWAL MAG DAMA DITO, NAKAMAMATAY'
Maya maya pa, umakyat na si Rhian.
"hi lab." Bati nito sa akin sabay halik sa akin.
"maligo ka muna lab. Ang dumi mo, oh. Dito na tayo kumain, 7pm na."
"sige. Anong gusto mong ulam?" yayakap pa sana sya sakin.
"tsk. Maligo ka muna. Bili ka na lang ng ihaw-ihaw dyan sa kanto. Magsasaing na ko." Pagpigil ko sa kanya.
"payakap muna."
"yon, puro ka grasa."
Uupo pa sana 'to sa kama ng pigilan ko sya.
"huwag ka dyan. Madudumihan yung bed sheet. Maligo ka muna!" sabay abot ko ng twalya sa kanya at pilit ko syang pinapalabas ng pinto.
"arte!" pahabol pa nito bago tuluyang bumaba para maligo. Nasa baba kasi ang banyo. Nasa tapat ito ng hagdan at madadaanan bago umakyat sa taas. Ito pa ang isa kong kinakaasar. Parang public CR ito dati. Ang daming nakikigamit! Pinagbantaan ko ulit si yoyon na hindi na ko pupunta dito pag pinagamit nya pa yang banyo sa iba. Kinabukasan, nilagyan nya ng partition yun talyer sa baba at yung CR at hagdan paakyat dito. May kalatura nanaman 'BAWAL IHI, PUTOL TITI' na lalong kinainis ko. Pinalitan nya ng 'KEEP OUT, PRIVATE PROPERTY' hay nako! Hindi nauubos ang init ng ulo ko sa talyer na 'to! Pero marami naman silang customer. Magaling naman kasi talagang umayos ng sasakyan si Yoyon at Kuya. Minsan pa mga talagang magagarang sasakyan. Meron pa ngang mga companies na dito talaga sa kanila nagpapa maintain ng mga service vehicles nila. Ang nakakainis lang is yung mga barkada nilang buraot. After a while, pumasok na ulit si yoyon.
"Oh! Akala ko naligo ka na!" inis na sabi ko dito.
"eh bumili pa kong ulam eh. Oh ayan." Inabot naman nito ang binili nitong barbeque at isaw sa ihawan ni Aling Lani at diretso nang bumaba para maligo.
Hinandaan ko na sya ng masusuot.
Sakto naman naluto na ang sinaing ko nang bumalik si Lab after maligo.
Pagkabihis nya ay agad na kaming nagsimulang kumain.
"lab, amina pala cellpone mo, iaalarm ko. Maaga tayo bukas ha. Wag mo na pahirapan si bestie sa pag gising sa'yo." Sabi ko sa kanya habang kumakain.
"ako na magaalarm mamaya. Anong oras ba tayo aalis?"
"5 am dapat naka alis na tayo."
"ba't sobrang aga? Ano yan lab, simbang gabi?"
"diba bukas yung alis namin para sa seminar."
"ay puta! Oo nga pala!"
"ano ba yan yon. Nagmumura ka sa harap ng pagkain."
YOU ARE READING
RASTRORIES
Fanfictionseries of one-shots. credits to the owners of the pics and videos that will be used on this compilation.