Pangarap ka na lang ba (15)

8.7K 207 36
                                    


Pasado tanghali na kami nakabalik ng Manila. Tahimik lang si Rhian buong byahe. Kahit nuong nag stop over kami para kumain, hindi sya masyadong umiimik. Dahil magkatabi kami sa van, sumasandal ako sa kanya at hinahawakan ang kamay nya. hindi naman ito nag reresist kaso hindi rin nag rerespond at laging salubong ang kilay.

"anong problema nyan?" bulong ni nadine pagbaba namin ng sasakyan.

"alam mo na." maikling sagot ko at ngumiti naman ito at umiling iling pa.

Pagbaba ng van, naglakad na sila kuya patawid ng bahay namin. Si Nanay at Tatay naman nakatayo lang sa tapat ng sasakyan parang may hinihintay.

"mare, pare, pasok muna kayo dito sa bahay." paganyaya ni mommy sa kanila habang binubuksan ang gate.

"hindi na mare, dito na rin kami." sagot ni tatay at hinawakan nito ang braso ni nanay para yayaing tumawid pauwi.

"teka lang, boy" marahang pagpumiglas naman ni nanay.

"glaiza, anak, lika muna sa nanay." tumango ito at tinaas ang kanyang dalawang kamay para yumakap sa akin.

napayakap na rin ako sa kanya. kahit sa tapat lang ako lilipat, mamimiss ko pa rin sila. nakakaramdam ako ng lungkot na hindi na kami sa iisang bahay nakatira. mamimiss ko ang kakulitan nila. umiiyak ng mahina si nanay at hindi ko rin mapigilan ang maluha. lalo pa siguro pag sa malayo na kami lumipat ni yoyon.

pagkatapos kay nanay, yumakap din ako kay tatay na parang kinabigla nito. si lab nakayuko lang sa gilid. hinahagod pa ni tatay ang likod ko.

"sige na, sige na, shhh... tama na. tama na. papakabait bunso ha. ang mga tinuro namin sa iyo ng nanay mo." bulong pa niya. halatang nagpipigil ng luha.

himala namang tahimik lang si nanay at puro hikbi lang ang maririnig mo mula dito.

nang kumawala ako sa yakap ni tatay, nagulat naman ako ng tawagin nya si lab.

"rhian! saglit." nagulat din si lab dahil 'yoyon' ang laging tawag sa kanya ni tatay. minsan lang nya ito tinawag sa totoo nitong pangalan noong na baranggay sila noon ni kuya sam dahil nahuli silang pinagtritripan ang gulong ng isang nakiparadang jeep. high school pa lang ata kami noon.

"tay." nakayuko namang lumapit si lab sa kanya.

inakbayan nya si yoyon at naglakad palayo sa amin.

"kung hindi maiwasan, kaysa saktan mo ang anak ko, isauli mo na lang sa akin ha." ito lang ang narinig ko sa sinabi ni tatay sa kanya. nakita ko namang umiiling si rhian pero hindi ko na marinig ang sinagot nito.

nang makatawid na sila nanay pauwi, pumasok na rin kami ni lab at dumiretso sa kwarto.

"andyan na lahat ng damit mo?" tanong nya sa akin pag pasok nya sa pinto. kasalukuyan akong nagaayos ng cabinet.

"yung uniform ko pa lang 'to tsaka konting pambahay. papabuhat ko pa kanila kuya yung tukador ko."

tumango lang ito at naghubad ng pantalon.

"asan yung over all ko?" hinahanap nya yung lagi nyang suot pag nag aayos ng sasakyan.

"madumi na."

"madumi talaga yun lab kasi nga pang mekaniko yun eh. asan na?"

"lalabahan ko muna. bat aalis ka?"

"tumirik yung isang taxi ni mr. tan dyan sa diliman."

bago pa ko maka sagot nag ring naman ang cellphone ko. tumatawag si kuya sam at sinagot ko naman ito agad.

RASTRORIESWhere stories live. Discover now