05: TOO MUCH SURPRISES.
Candy's --
I slowly walked towards the gate. Eto na. I was wearing the dress already with a pair of flat shoes. Inayos pa ni Rachel 'yung buhok ko in an elegant bun. Sabi ko sa church lang kami pupunta pero nagpumilit pa rin siyang ayusin ako. She even put some light make up on me.
Huminga ako ng malalim before I opened the gate. A smile immediately plastered on my lips when I saw him. "Hi."
"Hi."
"Kumusta?"
"Oh please, don't give me that conversation," sabi niya tsaka tumawa. "Let's go?"
"Haha. Ikaw kasi e. Ang awkward tuloy. Sama mo kasi. Nakakainis ka. Bongga." I pouted. Hindi ko mapigilang hindi sisihin siya't lahat lahat. Sobrang namiss ko kaya siya, 'di lang niya alam.
"'Wag ka ng magtampo." Niyakap niya ako tsaka hinalikan sa ulo. Niyakap ko siya pabalik. Mahigpit. Gah, namiss ko amoy niya. "'Di mo bagay e." Humiwalay ako agad sakanya tsaka tinignan siya ng masama. Akala ko pa naman nagpapakasweet na siya e. Hay, kelan kaya magbabago 'tong niyog na 'to?
"Niyog ka talaga kahit kelan. Tara na nga. Panira ka ng vibes." Inirapan ko siya tsaka na naglakad sa kotse.
"Joke lang naman. Eto talaga. Pero totoo, 'di mo talaga bagay magtampo." Pagkatapos niyang sabihin 'yun, tumawa siya ng malakas. Kainiiiiiiis!
++
Nakarating kami sa church ng quarter pass 6. Buong misa, hindi nawala 'yung ngitit niya sa labi. Although, hindi naman literally dahil muntanga naman siya kung ganun, pero mafifeel mo talaga na ang saya niya ng mga oras na iyon.
Because of that, feeling ko ang saya ko din. Nakakahawa talaga kasiyahan nito. I'm happy that I can make him smile. Pero ako ba talaga dahil ng pagngiti niyang iyon o iba? Nakuu Candy, malala ka na. Tsk.
BINABASA MO ANG
Marrying My Enemy (Part 2 | On-going)
RomanceThis is the second part of this story. So if you haven't read the first part yet, please do so, otherwise, malilito ka lang. :)