Chapter 7

112 8 0
                                    

07: WHEN DOUBT STARTS.

Candy's POV

Pauwi na kami ngayon at sabay sabay kaming naglalakad nina Nat at Rachel. Yep, kasama namin siya. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga estudyante. Tsk.

"Can we please go to the mall before going home? May ibibigay lang ako kay Serina, nandun kasi siya sa mall. Kaya magkikita nalang kami don. Sandali lang naman." Sabi ni Rachel. Nag-agree naman kami.

Nang makarating kami sa mall, bumaba lang si Rachel kung nasaan si Serina tsaka siya may ibinigay na folder. Tumingin pa nga si Serina sa direksyon namin at hindi ko alam bakit. Kung tama ako, tinignan niya si Nat. Psh.

"Done. We can go home now. Thank you."

"No worries." Sabi ni Nat. Ako naman ngumiti lang.

Dumiretso na kami sa bahay pagkatapos. Nagbihis ako kaagad bago kumuha ng pagkain sa kusina. Kanina pa'ko nagugutom e. Nadatnan ko din si Rachel sa kusina pero hindi pa siya nakabihis.

"Oh hi. Do you want some?" Ipinakita niya sakin yung hawak niyang bread na may palaman.

"Sure."

Pagkatapos ng ilang minuto ay ibinigay din niya sakin yung ginawa niyag tinapay. Sabay na din kaming pumunta sa sala. Kung tutuusin, mabait naman siya e kaso lang hindi parin ako content. Looks can be deceiving sabi nga. Hindi ko alam ang balak niya. Kaya kahit pilitin kong maging mabait at i-trust siya, hindi ko magawa. I mean, nagagawa ko namang maging mabait dahil natural na sakin yun *ehem*, pero yung itrust siya? Hindi masyado.

"Where's mine?" Bungad ni Nat pagkababa niya ng hagdan.

"Wala. Ikaw gumawa. Tagal mo e." Sabi ni Rachel na nagpatawa sakin dahil sa asar na mukha ni Nat. Parang bata lang e. On the other hand, medyo malungkot din ako at wag niyo ng tanungin kung bakit.

"Wag na lang. Tsk." Umupo siya sa tabi ko.

Marrying My Enemy (Part 2 | On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon