10: The Revelation?
Candy's POV
Nakarating kami dito sa harap ng malaking building. Busy ang mga tao sa streets na akala mo hinahabol sila ng kabayo. Kanina sa biyahe, pinagpapasalamat ko at wala ng awkward-awkward moments. Nakakagawa na kami ng coversation at nakakatawa pa kami. Para nga kaming matagal ng magkakaibigang tatlo. At least, so far, maganda ang lahat.
Pinagbuksan muna ako ng pinto ni Nat bago niya pinagbuksan si Rachel. "Teka, pati kami sasama?" litong tanong ko. Kala kong magiistay nalang kami sa sasakyan?
"You can stay at the lobby. Baka naman masuffocate kayo diyan e," natatawang sabi ni Rachel. Nga naman. Hehe.
Bumaba na ko ng sasakyan tsaka kami pumasok sa umiikot na door (yung tigiisa lang yung pumapasok). Chineck muna nung guard yung bag ni Rachel tsaka na kami tumuloy sa lobby. We approached the reception, Nat beside me holding my hand.
"Yes Ma'am?" tanong nung babae don.
"Yes uhm, is Mr. Validez here?" sagot naman ni Rachel tsaka ngumiti. Friendly talaga niya.
"He is, Ma'am. Do you have an appointment with him?"
Rachel nodded. "Yes, at 10:00. I've got an interview with him."
"Okay, Ma'am. Just a sec." Pagkatapos nun, may inasikaso yung babae na kung ano sa computer niya. After a few minutes, tinignan niya ulit si Rachel. "Please take a seat for while. Mr. Validez is coming to get you."
Okay? Parang mali ata pagkakasabi ng babang yun ah? Haha. Anyways, umupo na kami pagkatapos para maghintay sa kung sino man ang kailangan namin hintayin.
In a matter of minutes, a man was walking towards our direction. This must be him. This must be Mr. Validez.
"Rachel, isn't it?"
Tumayo si Rachel para makipagkamay and as usual, andoon yung abot tenga niyang ngiti. Kaya ang approachable niya e. "Yes, sir. How are you?"
BINABASA MO ANG
Marrying My Enemy (Part 2 | On-going)
RomanceThis is the second part of this story. So if you haven't read the first part yet, please do so, otherwise, malilito ka lang. :)