17: JEALOUSY ALL AROUND
CANDY'S POV
Lumipas ang ilang araw at ganun pa rin ang set up namin. Iiwasan ko siya, uupo sa malayo habang pasulyap sulyap sakanya. Si Jhed, nakahanap na din siya ng group of friends niya pero minsan, niyayaya niya akong sumali sakanila. At kahit anong pagtatanggi ko, walang nagawa. Kagaya ngayon.
"Kakain nalang ako sa labas, Jhed. Nakakahiya na sa mga kaibigan mo." Ngumiti ako to assure him pero hindi gumana.
"Nonsense. Tara na." Hinila niya yung braso ko ng marahan, napaigtad ako dahil sa physical contact na yon. Bigla akong may naramdamang mga matang nakatingin samin.
"Ehhh o-okay." Pasimple kong binawi yung braso ko at sumunod nalang sakanya.
"Ayun na oh! Clau wag ka masyadong kiligin ah!" Kita kong kutya ng mga kaibigan ni Jhed sa isang babae habang papalapit kami.
"Dem ano ba! Wag ka nga!" Mas pumula pa yung pisngi nung babae.
"Jhed pre!" Nagfist bump sila nong iilang lalaki.
"Yow! Kasama ko ulit si Candy."
Gumuhit ang mga nakakalokong ngiti ng mga kaibigan niya samin. "Iba na yan ah." Sabi nung lalaking brown ang buhok.
"Wag kayo. She's just my friend."
Pabiro siyang sinuntok nung Dem tsaka siya tumingin kay Clau. "Just a friend lang daw Clau. Wag na magselos." Tumawa silang lahat dahil nagtakip na ng mukha si Clau.
"Pagpagpasensyahan mo na sila," Napalingon ako kay Jhed na nagsalita. "Sadyang baliw mga yan."
"Okay lang."
BINABASA MO ANG
Marrying My Enemy (Part 2 | On-going)
RomanceThis is the second part of this story. So if you haven't read the first part yet, please do so, otherwise, malilito ka lang. :)