16: JHED, THE OTHER GUY
CANDY'S POV
Nandito ako ngayon sa passenger seat ng sasakyan. Kasama si Nat at si Manong. Yes, si Nat. He's in the backseat. Pinasundo siya ni Aries sakin at syempre wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman pwedeng idahilan ang nangyari between us. That's awkward.
"Manong sa bahay po namin tayo dumiretso. Drop lang po natin si Nat." Sabi ko kay manong. Wow. Bahay namin. I miss that word. I miss namin, kami, us, Bae, derf, coconat. At lahat na ng terms na connected samin. Ugh.
"Sige po."
Nang makarating kami sa bahay, nagdoorbell ako. Dala ko yung susi ko actually but I prefer pressing the doorbell. Andito kaya si Rachel? Tsk. Buti ng wala siya nung day na nagaway kami. Dahil nandun siya sa bestfriend niya. Hayyst. Di man lang ba nagaalala yung babaeng yun kung nasan si Nat? Tsk.
Ano ba, Candy! Stop overthinking.
"Oh Candy, ikaw pala anak. Halika pasok ka. Gabi na ah?"
"Ah hello po Manang. Hindi na po. Idadaan ko lang po si Nat. Nalasing po ata." Ngumiti ako ng mapakla. "Andiyan po ba si Rachel?"
"Naku, kaaalis lang kaninang tanghali. Umuwi siya kaninang umaga pero umalis din ulit kaning one. Emergency daw."
Napakunot naman yung noo ko. Emergency? Anong klaseng emergency yan at hindi man lang naisip na kontakin si Nat. "Ah sige po. Alam niyo po ba kung saan siya pupunta?"
"Sa Hongkong daw. May importante lang daw siyang gagawin. Osya, ipasok na naten si Sir."
Medyo nagulat ako at nanlaki yung mga mata ko. Hongkong?! Wth? Hindi man lang siya nagpaalam ng formal? I mean, hindi naman required pero kahit na! Nagibang bansa tapos emergency?! Nakakapagduda ah. Malay ko bang may binabalak na pala yun. Tsk.
"Sige po."
BINABASA MO ANG
Marrying My Enemy (Part 2 | On-going)
RomansThis is the second part of this story. So if you haven't read the first part yet, please do so, otherwise, malilito ka lang. :)