06: Lies, lies and here comes more lies
Candy's POV
Napatigil ako. Parang nagslow motion 'yung paligid ko nung narinig ko ang mga salitang iyon. Ibig sabihin may gusto pa siya kay Nat? Kaya ba siya nagbalik> Ha! Kalokohan!
"Joke! Hahaha. If only you saw your face! It was priceless! Hahahaha. Grabe. Sasakit ata tiyan ko sa kakatawa!" Patuloy lang sa pagtawa si Rachel pero nakatingin lang si Nat sakanya. Walang anumang ekspresyon sa mukha niya.
"It's not funny. Tss." Lumakad sa kanang direksyon ko si Nat habang tinitignan ko lang siya. Humabol naman si Rachel sakanya.
"Uy! Biro lang naman. Itatanong ko lang naman kung anong balita sa pageenroll sa'kin ni Tita sa school niyo e. Sorry na..."
Tumalikod na ako para bumalik. Naririnig ko parin 'yung panghihingi ng sorry ni Rachel kay Nat. Bakit ganito? Bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Bakit kahit ayaw ko, nakakaramdam ako ng selos. Hay, malala nako.
Wala na sila, Candy. Ikaw na yung girlfriend. Ikaw na yung mahal, okay? Chill ka lang.
Tama, tama. Joke nga lang daw yun diba? Paranoid lang ako. Dapat nagcecelebrate ako dahil first time mageffort ni Nat no. Makabalik na nga lang. Buhaaay. >.<
Nakarating ako sa table ng parents ko dahil naisipan kong puntahan sila dahil namimiss ko na sila kaso wala sina daddy't Tito. Ilang weeks din kaming hindi nagkita dahil naging busy ako sa school, idagdag mo pa si Nat na gumagambala sa isip ko. Waw, lalim.
"Oh anak, bakit ikaw lang? Asan si Nat?" sabi ni Tita Myelin, mama ni Nat.
"Oo nga, asan na 'yung batang iyon? Dapat hindi ka niya iniiwan." Sabi naman ni Tito Robert.
"A-ah, may...may pinuntahan po siya sandali. Babalik din po siya." Ngumiti ako kahit na hindi ako komportable.
"Ah ganun ba? Osige, halika't maupo dahil marami pa tayong pagkekwentuhan. Yiie! Kinikilig ako sa inyong dalawa!"
BINABASA MO ANG
Marrying My Enemy (Part 2 | On-going)
RomanceThis is the second part of this story. So if you haven't read the first part yet, please do so, otherwise, malilito ka lang. :)