Chapter 9

111 7 0
                                    

09: The Sorry - truth or lie?

Nat's POV

Inalalayan ko si Rachel sa pagbaba mula sa kama sa clinic. Sabi nung nurse pwede na daw kaming makaalis tutal maggagabi na daw at medyo magaling na si Rachel. Kinuha ko yung bag ko na dinala nung teacher namin dito, pero bigla akong may naalala.

Oh sht! Si Candy pala! Damn! Bat ko siya kinalimutan? Nasapok ko nalang yung sarili ko sa kaloob-looban ko. Pero hindi ko pinahalata kay Rachel na nababahala ako.

Putek. I feel like a bad boyfriend. Takte lang kasi tong pakiramdam na to. Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Mahirap! Mahirap kapag nalilito ka.

"Are you alright?" Tanong ni Rachel na ikinalingon ko.

"Yeah yeah."

Ilang minuto pa ay lumabas na din kami pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Candy dito sa harap ng clinic, nakayuko sa bag niya. Para ngang natutulog pero nung bumukas yung pinto ay tumunghay siya.

"Oh? Uwi na ba tayo?"

Mas lalo akong nakafeel ng guilt ng makita ko siya don at mapungay ang mga mata na parang inaantok na. I feel guilty for leaving her. Na inuna ko pa si Rachel kaysa sakanya. Pero at that point, I don't really think of what I do. Basta nalang ako gumagawa ng aksyon. Maybe because of panic, maybe because of worry. Either, or, alam kong nasaktan ko parin siya.

"Candy! Why didn't you come in?" nagaalalang tanong ni Rachel tsaka siya umupo sa tabi niya. Masyado pa akong gulat para makasagot.

"I didn't want to disturb your rest. Besides, okay lang naman dito. Medyo mahangin kesa don kulob." Medyo ngumiti siya. Hindi iyon peke o ano dahil alam ko, totoo yung ngiti niyang yon.

"Aww. Kahit na, maraming lamok dito."

"Okay lang."

"All right then. Ganito nalang, I'll make it up for you. I'll bake you a cake when we go home. Okay ba yon?"

Marrying My Enemy (Part 2 | On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon