Chapter Two

2 0 0
                                    


One Year Ago

Maagang bumangon si Clarissa para mag-general cleaning sa apartment na tinutuluyan n'ya. Nakagawian na n'yang mag general cleaning tuwing First Saturday of each month. Pero sa araw na ito, maglilinis s'ya mag-isa. Umalis kasi ang kaibigan at kasama n'ya sa apartment na si Ara, short for Aramina Trinidad.

Nakilala n'ya ito habang pareho silang nagaapply sa L.P. Corp bilang interior designers. Pareho silang fresh graduate noon at first time mag-aapply. Pero dahil may kung anong connection ang ama n'yang Japanese sa kompanya, madali silang nakapasok.

At dahil na rin parehong baguhan sa trabaho, nagkasundo silang dalawa. Maraming bagay ang napapagkasunduan nila dahil na rin siguro pareho sila ng interes. Kagaya n'ya ay unsociable din ito dati pero nagclick agad sila hanggang sa napagdesisyonan nilang mag-rent ng isang apartment.

And inuupahan nilang apartment ay pagmamay-ari ng tiyahin ni Ara kaya naman hindi ganoon kalaki ang binabayaran nila. At dahil dalawa sila, naghahati sila sa upa ng apartment.

Spacious naman ang apartment na inupahan nila. Meron itong sala, kitchen, sariling banyo, at tatlong kwarto. Dalawa sa mga kwarto ay malaki habang ang isa naman ay maliit lang. Kakasya lang dito ang isang kama at isang table. Ginawa na lang nilang bodega ang kwarto o minsan ipinapagamit sa bisita.

Nasa gitna s'ya ng paglilinis ng bigla na lang may kumatok sa pintuan. Although wala naman s'yang ine-expect na bisita, lumapit na rin s'ya sa pinto at pinihit and seradura upang buksan ito. Nang buksan n'ya ang pinto ay bouquet of roses ang sumalubong sa kanya.

At kahit pa natatakpan ng bulaklak ang mukha ng mayhawak sa mga bulaklak ay alam n'ya na kung sino ito. Wala namang ibang magdadala sa kanya ng bulaklak maliban sa kanyang nobyo.

Hinatak n'ya pa ang pintuan upang lalo itong bumukas at nang makapasok ang boyfriend n'ya. "Flowers for you, babe," lahad nito sa pag-abot sa kanya ng mga bulaklak. Tinanggap n'ya ang mga bulaklak at tinignan ang nobyo na sa tingin n'ya ay bahagyang nangayayat.

"I missed you!" he said as he pulled her closer. Naramdaman ni Clarissa ang pagkamiss sa kanya ng boyfriend sa paraan ng paghalik nito na para bang wala ng bukas.

"I miss you too, Vil!" sagot naman n'ya sa boyfriend habang bahagyang hiniwalay ang labi n'ya sa labi nito. Niyakap n'ya ang boyfriend dahil namiss naman talaga n'ya ito. Halos once every three months na lang sila kung magkita. Busy daw kasi ito sa family business sa France.

Naiintindihan naman iyon ni Clarissa kaya hindi na n'ya nagagawang magtampo rito. Tatlong taon na rin ang relasyon nila at alam n'ya kung gaano s'ya kamahal nito. Kahit pa long distance, tiwala pa rin s'ya sa relasyon nila. May tiwala s'ya kay Vil.

Tinignan n'ya muli ang nobyo at napansin ang nangingitim na eye bag nito. Halatang malalim din iyon kaya naisip n'ya na ring pansinin. "Parang pumayat ka yata? Nakakakain ka ba ng maayos dun?" tanong n'ya sa nobyo.

Bago sumagot ito ay binagyan muna s'ya ng matamis na halik sa kanyang labi. "Ofcourse. Namimiss lang talaga kita kaya 'ko pumayat. I can't stop thinking about you while I am far away." Vil embraced her tighter and she felt very loved by him.

Dahan-dahan s'yang kumalas sa yakap nito. "Bolero! Teka nga aayusin ko lang tong mga flowers. Thank you ha!" she said with a wide smile registered on her face.

Naa-appreciate n'ya ang sweetness ni Vil. Sa tatlong taon nilang pagsasama, never n'yang nafeel na nanlamig ito. Lagi itong sweet at understanding, hindi rin ito seloso dahil na rin hindi s'ya malapit sa ibang tao. Ang nobyo n'ya naman ay hindi nagpapakita ng kahit anong pagtingin sa ibang babae. Para bang s'ya lang ang nakikita nito.

There and ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon