Chapter Five

2 0 0
                                    


10 Months Ago

Dear Yad,

I'm writing this letter without any will to send it to you. I am writing a letter para lumuwag ang pakiramdam ko. Back in high school, I thought I can't reach you. Pero ang saya ko talaga nung pareho pa tayo ng pinasukan na college.

Back there and then, I thought na soulmate kita. Nasa parehong school tau since grade one hanggang college tayo. Iniisip ko talaga na tadhana ang may gawa nun.

Back there and then, I was hopelessy in love with you. Para bang ikaw ang nagpapaikot ng mundo ko. Kahit pa alam kong hindi tayo pareho ng nararamdaman, minahal pa rin kita. Iniisip ko kasi, wala namang masama 'di ba?

Tatlong taon na mula ng huli tayong nagkita. Pero ikaw pa rin ang nakikita ng mata ko. I feel guilty. Sinubukan ko namang kalimutan ka. Natutunan kong mahalin si Vil, at s'ya na ang buhay ko ngayon. Pero ang malaman na kinasal ka na last month, parang gumuho 'yung mundo ko.

Sana hindi ko na lang nalaman. Mas okay pa. Atleast wala akong idea at hindi na kita naaalala. Why do I have to love you like this Yad? Paano ba ako magle-let go sa unrequited love ko sa'yo?

Sinusulat ni Rissa ang nararamdaman. Wala kasi s'yang trabaho ngayon kaya naman bagot na bagot s'ya sa bahay. Nakakaramdam s'ya ng lungkot dahil sa pagpapakasal ni Yad.

"Dear Yad, I'm writing this let-" nagulat si Clarissa sa narinig kaya nailaukos n'ya ang sinusulatang papel. Hindi n'ya napansing nasa likod na n'ya pala ang kaibigang si Ara.

"Oh, ba't nagulat ka? Sulat ba 'yan para dun sa kaibigan n'yong kinasal last month?" tanong ni Ara.

Mabuti na lang at umpisa lang ng sulat ang nabasa nito, kundi, sandamukal na pagpapaliwanag ang gagawin n'ya. Alam kasi n'yang close ang boyfriend n'ya kay Ara at magagalit ang kaibigan kung malalaman na mahal pa rin n'ya si Yad. Hindi naman nito kilala si Yad, ang tanging alam lang nito ay dati nila itong kaibigan.

"Oo, sulat nga to kay Yad. Pero hindi tamang nakikibasa ka ng sulat ng may sulat!" angil n'ya rito.

"Tiningnan ko lang naman. Para kasing maiiyak ka na e!" komento nito bago lumabas ng kwarto n'ya.

Pinakiramdaman n'ya ang sarili at tumingin sa salamin. Mukha nga s'yang paiyak na. Dali-dali s'yang nagtungo sa sink upang basain ang mukha para naman mapreskuhan.

Naramdaman n'ya ang paglapit sa kanya ni Ara. "Nga pala Daise, nag-open na 'yung resort na last project natin. Sabi ni Ms. Reyes tuwang tuwa daw 'yung may-ari kaya binigyan tayo ng tag-iisang badge. Magagamit daw natin for one use," turan nito sabay abot sa kanya ng sinasabi nito. Daise and tawag nito sa kanya dahil Daisy ang tawag sa kanya sa office.

Pinunasan n'ya ang kamay bago abutin ang badge at titigan. Saktong-sakto naman ang badge na iyon. Naka leave kasi s'ya for two weeks ngayon dahil na rin kailangan n'ya ng time sa sarili. Simula nang malamang kasal na si Yad, hindi na s'ya makapagconcentrate sa trabaho.

Mabuti na rin sigurong magbakasyon muna s'ya. Pwede n'yang gawing diversion 'yun para temporarily ay makalimutan n'ya ang nararamdaman. Tiningnan n'ya ang badge at saktong for two weeks na stay ang badge.

"I'll go," sambit n'ya na hindi agad na gets ng kaibigan. Nakatingin ito sa kanya with a confused look.

"Ang sabi ko, I'll go. Gagamitin ko na 'tong badge tutal naka-leave ako ngayon. Gusto mo bang sumama?" tanong n'ya sa kaibigan.

Umilig lang si Ara. "Sayang lang 'yung two weeks na badge. Sa Monday may pasok na ko," paliwanag nito.

Wala ng ibang choice si Clarissa kundi ang magbakasyon mag-isa. Wala naman s'yang ibang maisasama kundi si Ara. At ngayong ayaw nitong sumama, kailangan na talaga n'ya umalis mag-isa.

There and ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon