Chapter Three

2 0 0
                                    


Four Years Ago

"Ano ba talagang plano mo Yad?" tanong ni Vil sa kaibigan habang umiinom ito tubig.

Nagpapahinga ang magkaibigan dahil napagod na rin sila sa kung ilang oras na paglalaro ng badminton. Kamakailan lang ay tinagurian silang Doubles champion sa katatapos lang na competition ng National Collegiate Athletic Association o mas kilala bilang NCAA.

Sumikat ang pangalang Yadrin Zalvedic at Marville Veres dahil sa karangalang natanggap nila. Lalong dumami ang tagahanga ni Vil at nagkaroon din ng mga tagahanga si Yad. Pero kahit sumikat ang dalawa ay down-to-earth pa rin sila.

Humugot ng malalim na paghinga si Yad. Ano nga ba ang isasagot n'ya sa tanong ng kaibigan. Hindi naman s'ya pwedeng magsinungaling dito lalo na't alam nito ang tunay na nararamdaman n'ya.

"Plano saan?" pamimilosopo n'ya habang umaasang sana'y iba ang tinatanong nito. Pero 99% sure s'yang tama ang hula n'ya sa tanong nito.

Marahan s'yang tinapik ni Vil sa likod. "C'mon man. You know what I'm saying. Do I have to elaborate?" sarkastikong tanong ni Vil. Bakit ba naman kasi kailangan pa magpaligoy-ligoy nitong kaibigan n'ya.

Yumuko si Yad at huminga ulit ng malalim. Graduation na nila sa isang linggo at pagkatapo noon ay aalis na s'ya papuntang Los Angeles, California. Doon kasi nakabase ang father n'ya na sinundan na rin ng mama n'ya last year.

Nakapagsimula na rin ng maliit na business doon ang father n'ya at ang gusto nito'y s'ya ang humalili pagkatapos n'yang gumraduate. Napagdesisyonan nito na magtayo ng isa pang business na may kinalaman naman sa hilig ng mama n'ya.

"Aalis na ako the day after ng graduation natin next week," he said. Hindi naman nasagot ng sinabi n'ya ang tanong ng kaibigan.

"How about your feelings for Rissa? You love her!" asik ni Vil sa kanya. Hindi naman s'ya bulag para hindi malaman na ang babaeng minamahal n'ya ay s'ya ring minamahal ng best friend n'ya.

"You're just gonna leave without telling her how you feel?" tanong nito. Kung tutuusin ay advantage na ng kaibigan na aalis s'ya. Atleast wala na itong kaagaw kay Clarissa.

Kaagaw? Kailan ka pa n'ya naging kaagaw? Bakit, gusto ka rin ba ni Rissa? Tanong n'ya sa sarili. Oo nga naman, hindi naman n'ya sigurado kung pareho sila ng nararamdaman ng babae. Alam n'yang enjoy ito sa company n'ya pero kahit kailan ay wala itong sinabi na gusto s'ya nito.

"Tapos ano? If she doesn't like me, masisira ung pinagsamahan namin? Ayokong magbaon ng painful memories sa 'pag punta ko sa L.A," paliwanag n'ya sa kaibigan n'ya.

"What if she also loves you? Tell me, what if she does?" tanong ni Vil sa kanya.

Napailing na lang s'ya. "Imposible 'yun," he paused and sighed again. "At kasasabi ko lang na aalis na ko. Kung aaminin ko sa kanya 'yung feelings ko tapos mahal din pala n'ya ko, sigurado 'ko masasaktan ko lang' sya," nilingon nya ang kaibigan. "Na ayoko namang mangyari."

Nagsukatan sila ng tingin at si Vil ang unang bumawi. "Don't you think it's better kung iiyak s'ya dahil sa'yo kesa iiyak s'ya because of some motherf*cking jerk?" tanong nito sa kanya.

"Kung mangyari man 'yon hindi ko na siguro malalaman. Tsaka and'yan ka naman e. I know you care for Rissa," sagot n'ya sa kaibigan.

"Whatever! That is your decision to make. I just hope I won't say 'i told you so' in the future," Vil said before he stood up.

"Rissa, ano nang plano mo?" tanong ni Mich sa kanya habang pinagmamasdan n'ya si Yad sa malayo.

Lumabi s'ya sa kaibigan. "Natatakot akong 'pag sinabi ko sa kanya 'yung feelings ko, e ireject n'ya lang ako," sagot n'ya. Ibinalik n'ya ang tingin kay Yad na umiinom ngayon ng tubig.

There and ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon