Chapter One

3 0 0
                                    



Eight Years Ago

"Rissa! Anjan na s'ya!" bulong ni Mich sa kaibigang nakatalikod sa bintana. Kunot-noo namang humarap sa bintana ang kaibigan at sinilip kung sino ang tinutukoy n'ya.

Napansin ni Mich and paglaki ng mata ni Clarissa nang makita ang lalaking pinakatangi-tangi nito sa labas ng kanilang room. Nasmile na lang s'ya sa pagkislap ng mga mata ng kaibigan.

Iba talaga ang tama ng kaibigan n'ya kay Yadrin Zalvedic na ngayo'y naglalakad papunta sa gymnasium kasama ang isang kaibigan. Kahit na tagaktak ang pawis nito ay hindi pa rin ito mukhang madumi. Napadako naman ang tingin n'ya sa kasama nitong lalaki.

Higit na mas matangkad ang kaibigan ni Yad na si Marville Veres kaysa sa nauna. Mas kapansin-pansin din ito dahil na rin sa berdeng kulay ng mga mata nito. Sa pagkakaalam nila, may lahi itong foreigner at talaga namang sikat sa kababaihan. Halong pula at blonde and buhok nito at ang balat nito ay bahagyang maputla sa sobrang puti.

Kahit pa mas gwapo at mas attractive si Marville kay Yad, hindi pa rin ito napapansin ng isang dalaga na ang tanging nakikita lang yata ay si Yad. Kung si Marville ay may hawig kay Rico Yan na ginawang berde ang mata, si Yad naman mukhang normal na teenager lang at hindi masyado artistahin and dating.

Pero kahit ganoon kasimple ang binata, ito na yata and pinakag-gwapong lalaki sa tingin ni Clarissa. Kahit pa moreno ito dahil sa madalas na pagbababad sa araw tuwing nagpa-practice ng kung ano anong sports, ito pa rin ang lalaking nakakapagpakaba sa dalaga.

Natatawa nalang si Mich sa tinging ginagawa ni Clarissa kay Yad. Nakangiti ito at parang wala sa sarili. Kung hindi n'ya lang alam ang epekto ni Yad sa kaibigan, iisipin n'ya nang may nangyaring masama dito at hindi na ito humihinga.

Hindi na napigilan ni Mich ang pagtawa kaya pinabayaan n'ya na and sarili. Dahil sa ginawa n'ya, nakuha n'ya ang atensyon ng kaibigan at napansin ang pagbaling nito sa kanya. "Grabe ka talaga Rissa. Kulang na lang tumulo 'yung laway mo!" biro n'ya.

Nagbuntong hininga lang ang kaibigan n'ya. Nasanay na rin siguro ito sa araw araw na pangbubuska n'ya rito. Pero napansin n'yang dumukwang ulit ang kaibigan sa bintana at alam n'ya ng sinisilip nito ang lalaki. Kaya naman, napatingin na rin si Mich sa bintana.

Nakita ni Mich na lumingon sa gawi nila si Marville. Hindi n'ya akalaing kakaway ito sa kanila kaya naman nilingon n'ya si Clarissa na wala man lang reaksyon. Na-realize n'ya na lang na kay Yad pa rin nakabaling ang atensyon ng kaibigan.

Pinili n'yang maging medyo pilya dahil alam n'yang wala namang patutunguhan ang pagtingin-tingin ni Clarissa kay Yad. Walang mangyayari kung hindi kikilos ang kaibigan n'ya. At dahil alam n'yang mahiyain ang ito,s'ya na lang ang gagawa ng first move para mapaglapit ang mga ito.

Siniko n'ya si Clarissa at ng mapatingin ito sa kanya, kinawayan n'ya naman si Marville. Nakita n'ya ang pagtigil ni Marville at pag-ngiti sa kanila sabay kaway. May binulong din ito sa kaibigang si Yad na napalingon rin sa kanila.

Nagulat na lang s'ya ng biglang hatakin s'ya ni Clarissa pababa para hindi makita sa bintana ng nasa labas. "Anong bang ginagawa mo Mich?" pasigaw na tanong sa kanya ni Clarissa. Ang cute talaga tignan ng kaibigan niya lalo na ngayo't namumula.

"Relax. Isang tingin pa lang sa'yo ni Yad, pulang pula ka na d'yan. Pano pa kaya kung lapitan na tayo? Baka himatayin ka na," sagot n'ya sa kaibigan sabay tayo at silip sa labas. Nang makasilip s'ya sa labas, si Marville na lang ang nakatayo roon habang natatanaw n'yang si Yad ay naglalakad palayo.

"Tumayo ka na d'yan. Wala na 'yung Prince Charming mo!" turan n'ya kay Clarissa. Dahan-dahan namang tumayo ang kaibigan n'ya at sumilip sa bintana. Nawala na rin and kislap sa mga mata nito ng mapansing wala na ang lalaking crush nito.

There and ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon