Chapter Four

5 0 0
                                    


Papunta sina Yad at Vil sa locker room ng makita si Clarissa. Naglalakad itong mag-isa papunta sa likod ng campus. Ramdam ni Yad ang 'pag sasalubong ng tingin nila ngunit bigla namang binawi ng babae at tumakbo. Ano kayang problema 'nun?

Hindi na n'ya pinansin ang reaksyon ni Clarissa dahil baka nagmamadali lamang ito. Nagderetso s'ya sa locker para kumuha ng towel at punasan ang pawis sa katawan. Napansin n'ya ang pagtahimik ng kaibigan. Nang lapitan n'ya ito ay may hawak itong papel.

"Hoy ano yan? Love letter?" biro n'ya sabay akbay kay Vil. Nakibasa na din s'ya sa nakitang note.

Hi!

There's something personal that I need to tell you. Please meet me at the back of our campus at 5 p.m. Please be there!

Rissa

Sigurado s'yang kay Clarissa galing ang papel na iyon. At sigurado s'yang si Clarissa ang sumulat niyon dahil alam n'ya ang sulat kamay ng dalaga.

"Sa sulat, obvious na kung ano 'yung gusto n'yang sabihin ng personal," narinig n'yang sabi ni Vil.

Tumingin ito sa kanya na para bang sinusukat ang reaksyon n'ya bago nagsalita ulit.

"I told you Yad. If she confesses that she loves me, I'd really take her and make her my girlfriend," matigas ang boses na narinig n'ya mula kay Vil.

Tumango s'ya at tinapik ang braso ng kaibigan. "Naiintindihan ko nman e. I'm actually happy if that's the case," he replied. Iyon naman talaga ang gusto niya. Pero bakit parang nasasaktan s'ya na malamang ang bestfriend pala n'ya ang gusto ni Clarissa. He was silently hoping na kahit hindi naging sila ay may nararamdaman ito sa kanya.

"Sige, pupuntahan ko na s'ya," narinig n'yang bulong ni Vil bago umalis.

Hindi ba ito na nga ang gusto ko? Magiging masaya si Clarissa. Siguradong hindi s'ya sasaktan ni Vil. Pinipilit n'yang maging masaya pero naninikip ang dibdib n'ya.

On the other side, kabadong kabado naman si Clarissa. She was patiently waiting for Yad to come. Halo halo ang emosyon na nararamdaman n'ya pero inisip n'ya ang sinabi ni Mich, all or nothing ito, it's now or never.

Pumikit s'ya ng mariin at tahimik na bumulong sa sarili. Think of a happy thought, Rissa! Think of a happy thought! Tinuro iyon ng mama n'ya sa kanya noong bata pa s'ya. Kung hindi na n'ya alam ang gagawin at parang mahihimatay na s'ya sa kaba, she should think of a happy thought to calm her down.

Maya-maya pa ay naramdaman na n'yang may taong naglalakad sa likod n'ya. Magkahalong kilig at kaba ang naramdaman n'ya ng marinig ang papalapit na yabag. Hindi n'ya mapigilan ang pagngiti kahit na kinakabahan. Ito na!

Naramdaman n'ya ang paghawak ng tao mula sa likod n'ya sa kanyang balikat kaya dali-dali s'yang lumingon. Ngunit nawala ang ngiti sa mga labi n'ya ng makita kung sino ang dumating. Hindi si Yad kundi si Vil ang dumating!

"Vil! Bakit ka nandito?" tanong n'ya sa lalaki with disappoitment. Inaasahan n'yang si Yad na ang dumating.

"I'm sorry Rissa, but Yad is not coming," malungkot na turan nito sa kanya. And una n'yang naramdaman ay pag-aalala.

"Ha? May nangyari bang masama sa kanya?" tanong n'ya sa lalaki. Marahan namang umiling ito.

"Rissa, alam ni Yad kung bakit mo s'ya pinapapunta dito. You're special for him. Kaya hindi ka n'ya kayang saktan ng harapan," pagsisinungaling ni Vil.

Hindi agad naintindihan ni Clarissa ang sinabi ni Vil, or better yet, hindi n'ya inintindi.

"Ano? Anong sinasabi mo?" tanong n'ya kay Vil.

There and ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon