Chapter Six

2 0 0
                                    


Kanina pa tunog ng tunog ang phone ni Clarissa pero wala sa loob na tinititigan n'ya lang ito. Ni hindi n'ya napansing tumutunog iyon dahil masyadong malalim ang iniisip n'ya.

Wala namang partikular na sentence and iniisip ni Clarissa. Ni wala nga yata s'yang iniisip. Basta't nakaupo lang s'ya sa kama wala sa sariling ginugulo ang sariling buhok.

Kung may makakakita lang sa ginagawa n'yang iyon, malamang iisipin na nababaliw na s'ya. Ang layo kasi ng natatanaw ng mata n'ya kahit wala namang tinitignan. Idagdag pa ang ngayo'y magulo n'yang buhok.

Tumigil ang pag-tunog ng kanyang phone, tsaka lang s'ya natauhan na natutulala pala s'ya. Imbis na makabuti ang bakasyon na iyon ay lalo pa itong nakapagpa-depress sa kanya.

Tumunog muli ang cell phone n'ya at ngayo'y napansin na n'ya iyon. Hindi muna n'ya inabot ang phone. Parang wala s'yang ganang makipag-usap kahit kanino. Pinakinggan n'ya lang ang kantang naka save as ring tone n'ya.

It's over, look out below

And I'm wasted, I still taste it

Yeah it's so hard to let go

"Up against the wall" ang title ng kantang iyon na inawit ng bandang Boys Like Girls. Masasabi n'yang applicable ang kantang 'yun ngayon sa nararamdaman n'ya. Dinama n'ya ulit ang lyrics ng kantang tumutunog mula sa phone.

You threw me up against the wall,

Who said that it's better to have loved and lost?

I wish that I had never loved at all,

Sana talaga hindi n'ya na lang minahal si Yad. Kung hindi n'ya minahal ito, wala sana s'ya ngayon sa resort. Hindi sana s'ya nagmumukmok sa kama ng hotel at naco-confuse. Hindi sana s'ya naguiguilty sa pagtago ng feelings sa loyal n'yang boyfriend.

Bigla n'yang naisip si Vil. Napakabuti nito sa kanya at halos lahat ng mahihiling n'ya ay binigay na nito. Kaya kinakain s'ya ng guilt sa patuloy na pagmamahal kay Yad. Hindi naman n'ya ginustong patuloy itong mahalain. Hindi lang talaga n'ya ma-control ang pesteng puso n'ya.

Inabot na n'ya ang phone at nakitang si Vil ang tumatawag. Kaya naman sinagot n'ya na ang kanina pang tumutunog na aparato.

"Hello," automatic na bati n'ya sa nobyo.

"Kanina pa ko tumatawag sa'yo pero you're not answering," mahinahon na turan nito.

"Sorry, nasa shower kasi ako kanina. Bakit ka napatawag?"

"Namimiss na kasi kita," bigla s'yang nalungkot sa sinabi nito. Kung alam lang nito ang nararamdaman n'ya ngayon ay baka isumpa s'ya nito.

"I miss you too," bulong n'ya pero sapat na para marinig nito. Pagkasabi n'ya ng mga salitang iyon ay bigla nalang ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Mabilis n'yang pinahid ang kanyang luha at napasinghot din s'ya.

"Honey, are you crying?" tanong ng boyfriend n'ya. Hindi n'ya alam kung aaminin ba n'ya o gagawa na lang ng kwento, pinili n'ya ang huli.

"No, sinisipon lang ako ngayon. Ang lamig kasi e!" paliwanag n'ya at suminghot muli.

"Have you taken your medicine?"

"Oo naman,"

"That's good,"

"Yeah," biglang pareho nalang silang hindi nagsalita. Hindi kasi n'ya alam kung pano ito kakausapin ng hindi nasasabi dito ang dinadamdam n'ya. Natatakot s'ya na makahalata ang nobyo na may problema s'ya.

There and ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon