Chapter 1

616 10 2
                                    

ALL I SEE IS YOU BOOK 2

CHAPTER 1

SI JOSEPH

Seriously? haixtShempre ako nanaman magsisimula ng kwento.. gugulpihin ko na author nito eh..! Pagkatapos ng napakadaming luhang binuhos ko sa book 1 naatim pang gawan ng book 2 haha..bwiset di ba! Alam niyo yun ang sakit sakit But anyways.. This is me joseph.. At ipapakita ko ang totoong ibig sabihin ng true love at kung pano ko to ipaglalaban.. Smile..
Sisimulan ko ang kwento sa pagtitig sa napakapanget na picture na nasa cellphone ko.. Haixt di ko talaga alam bakit mahal ko tong bulag na to eh.. Ang alam ko lang si kupido ang dapat kong sisihin.! Shete sya.. Isinusumpa sya ng bawat himaymay ng brain cells ko.
" baka mabasag na yang cellphone mo.." tapik sakin ni blue..sana nga mabasag na eh para tigilan ko na kakatingin sa picture niya.. " magsisimula na magready ka na.." ngiti niya.. Buti pa tong presedente ng music club slash manager namin may lovelife at masaya.. Haixt. Eh ako..kailan ko ba mararamdaman yun..? Nandun sa hongkong yung mahal ko kasama yung mmahal niya daw.. haixt..
" Ok.." tumayo naman ako..
" Lets all wellcome The Antagonist..!" masiglang pagpapakilala samin ng host ng event na yun..maririnig mo lang sa buong lugar na yung sigawan at tiliin ng mga taong nandun.. Ramdam ko yung kasabikan nila na makita kami sa stage.
" lets go." saad ni jonas sakin..the vocalist.. Ngumiti naman ako saka tumango sabay lang kaming umakyat sa stage kasama yung isang guitarist at drummer namin...muli nabalot ng sigawan yung lugar na yun.. Actually hindi ko alam bakit nababaliw lahat ng studyante sa pesteng school na to kapag nagpeperform kami.. Eh simula ng ientroduce kami sa buong school putek hindi na kami naging normal na studyante.. Biglang sa isang kurap naging artista kami sa paningin nila.. Haha..
" I'm jonas.. Para sa vocal..let me introduce my bandmate.. Joseph.. Lead guitar." lingon sakin ni jonas.. Tinaas ko naman yung kamay ko.. Muli nagtiliin yung mga tao.. Alright I know they like me.. And so.. Haha.. " ethan para sa base.. Paul.. Drums.." pakilala pa ni jonas samin. " and we are The Antagonist..Hope you guys enjoy this love song.." ngiti ni jonas habang hawak yung mike nagsimula naman akong tumipa sa guitarang hawak ko.. Muli isang dumadagundong na sigawan yung bumalot sa lugar nayun.. Napangiti lang ako..Saka hinawakan yung mike sa tapat ko.. Ito na ko ngayon.. Nagsisimula.. Pinipilit makalimot..pinipilit maging ok.. At syempre gwapo parin.. Ganun naman talaga di ba.. Hindi porket nasaktan ka titigil na yung mundo para sayo.. Imbis na magmukmok.. Be a better version of yourself para kapag dumating yung time na magkita kami uli.. makita niya na dapat ako ang pinili niya.. Na dapat ako..

I believe na ikaw lang at ako
Kung kaya tayong pinagtagpo
I believe ang kapalaran mo'y ako
Ay Sana ay ganun din ang puso
Nuong una hindi mo ko gusto
Kaibigan lang ang turing mo pano na ako.

Halos magkagulo yung lugar na yun pagkatapos kong bigkasin yung lyrics ng kantang yun.. Tinanguan ko naman si jonas.. Saka yung drummer namin..

Araw araw maghihintay hawak lamang
Ang sinabi mong baka mahal mo rin ako
Tama na sakin ang minsa'y
Binigyan mo ng pagasa.
Basta't mahal kita
IKaw lang at ako nag magsasabi ng
I love you
Bigkas ni jonas sa chorus ng kanta..ramdan na ramdam yung taas ng energy sa bawat tiliin at sigawan ng mga tao.. Nung una ayaw ko talaga kumanta sa maraming tao hanggang napilit na nila kong kumanta kasabay ni jonas.. Sabi nila nagbeblend daw yung boses namin.. Haixt Araw araw akong maghihintay..
" Guys sing with us.. Para kay joseph at sa patuloy niyang paghihintay.. At sa mga taong umaasa para sa mahal nila." natatawang saad ni jonas.. Pisti sya haha..
Ang buhay ko'y ikaw kailan pa man
kahit tayo'y magkalayo
Tadhana na ang syang daan
Nang pagibig mo'y maramdaman..
Basta ito ang pangako ko.
Araw araw maghihintay hawak lamang
Ang sinabi mong baka mahal mo rin ako
Tama na sakin ang minsa'y
Binigyan mo ng pagasa.
Basta't mahal kita
IKaw lang at ako nag magsasabi ng
I love you
Napailing lang ako ng marinig yung pagtawa nung drummer namin.,haixt ano naman kung araw araw ako maghintay.. Eh sa mahal ko eh Ilang kanta pa yung kinanta ng banda namin bago natapos yung gabi na yun..
" joseph ang galing mo talaga.. At syempre si Jonas.. Shet. Number one fan niyo talaga ko.!" salubong samin ni erika pagbaba namin sa stage.. Sinimangutan ko naman sya saka nilampasan.. " back to normal ka nanaman joseph."
" hindi ka na nasanay erika." natatawang saad ni jonas. " Sabay sabay ba tayo sa service..? Uwing uwi na ko eh.. Namimiss ko na si nicko." ngiti pa nito.. Umiwas naman ako ng tingin .. Buset.. sila na may lovelife..
" hindi ako sasabay bro.. Magtatricycle nalang ako.. Malapit lang naman ako eh." saad ko lang..
" Sure ka.? Baka pagkaguluhan ka sa labas.?"
" ok lang. Nakaalis na rin siguro yung mga fans ." ngiti ko... Tumabi naman sa kinauupuan ko si erika..
"kaw bahala...." saad nito saka inayos yung gamit niya..sinukbit ko naman yung guitara sa likod ko.
" joseph oy.?" tapik sakin ni erika,
" why.?"
" kain muna tayo.. Tapos ihahatid nalang kita."
" mukha mo.. Uuwi na ko walang kasama si mama sa bahay.."
" aixt.. Sige na joseph.."
" bro una na kami sayo." saad nung drummer at yung base guitar namin.. Tinanguan ko naman sila.. Sumunod naman dito si jonas.. Haixt ganito lagi.. Nakakailang kasi sila kasama.. Masyado silang rich haha..
" joseph kain muna tayo.?"
" ayoko.. Uuwi na ko.."
" kasi naman eh..?" nguso niya lang.. Alam ko naging kaibigan ko na tong pusa na to pero hindi ko maintindihan kung bakit sya buntot ng buntot sakin.. Haixt.. " hatid nalang kita.?"
" erika.. Naisip ko lang bakit ang bait bait mo sakin may ginawa kang kasalanan sakin noh.?"
" wala noh.." iwas niya ng tingin..
" ewan ko sayo.. Una na ko." saad ko saka sya nilampasan..
Sinabayan naman niya ko sa paglalakad.. Wala na masyadong tao dun.. Nakaalis na rin yung van na service ng banda namin.
"bakit ba kasi lagi ka nalang hindi sumasabay sa service niyo."
" ayoko.."
" edi hatid nalang kita.?"
" ayoko." simangot ko.
" sungit mo grabe.. Ako na nga nagmamagandang loob eh."
" wala naman akong sinabing gawin mo yun.." sarkastikong ngiti ko sa kanya..
" ihahatid na kita please.?"
" magtataxi nalang ako."
" gagastos ka pa eh.?"
" ano kala mo sakin walang pera.. Bilihin pa kita eh.." simangot ko..natigilan lang ako sa paglalakad ng makita ko yung ilang kababaihan sa gate ng school.. Haixt.
" girls si joseph!!" sigaw nung isa..oh my god.. Kala ko pa naman nakaalis na lahat..
" oh my..!" tili pa nung isa.. Grabe may lalamunan pa ba sila.. Haha.. For sure tumili na sila ng tumili habang tumutugtog kami.. Hanggang ngayon may boses pa.. Ang tindi.. Pinilit ko naman ngumiti sa kanila pag lapit yung isa niyakap pa ko at hinalikan sa pisnge.. Aixtt..
" uhm girls kailangan ko na kasing umuwi eh.?" ngiti ko.. Ang plastik ko..
" paauthograph lang joseph.. Grabe ang gwapo mo! Saka papicture na rin." kinikilig nasaad nung isa.. I know.. Kailangan pinamumukha pa.. Eh kung magkahydrocepalus kaya ako... kasalanan pa nila.. Piinirmahan ko naman yung mga papel na hawak nila.. Ilang beses naman nagflash yung camerang hawak nung isa.. Buset balak ata ako bulagin ng mga to..
" uhm kailangan nanamin umuwi." ngiti ni erika dun sa mga babae.. Kita ko naman na nawala yung ngiti nila.. Haha.. Not again..
" girlfriend mo sya joseph.?"
" Hind-." napalingon lang ako kay erika ng hawakan niya yung kamay ko.
" yeah girlfriend niya ko.. So pwede na ba kami umuwi ng boyfriend ko.?" kita ko naman yung titig nung babae dito.. Grabe mula ulo hanggang paa nila tiningnan si erika... Haixt makauwi lang fine.. Inakbayan ko lang sya saka ngumiti dun sa mga babae.
" yes girls.. She's my girlfriend..ang ganda niya noh.. uwi na kami huh." ngiti ko saka naglakad habang nakaakbay kay erika..
" damn it! ang panget niya!" inis na saad nung isang babae..
" wag mo na patulan erika.." pinisil ko lang yung balikat niya.
" hindi sila bagay!!" rinig pa namin..huminto lang kami sa paglalakad.. Kita ko lang yung inis na mukha ni erika.. Shit..
" erika wag mo na patulan.." bulong ko.
" oh my girls.. Walang korte yung katawan niya!' nagtawanan naman yung mga babae.. Tinanggal naman ni erika yung kamay ko sa balikat niya saka humarap.
" What did you say!" mataray na saad ni erika.
"Girls ako na bahala dito.?" ngiti nung leader nung mga babae.nagtanguan naman yung mga alipores niya.. " uhm joseph pasensya na huh.. Di kasi kayo talaga bagay nito eh." ngiti sakin nung babae.. Haixt.. Mas lalo naman na hindi kami bagay.. Yuck haha..
" pakiulit nga yung sinabi mo.?" grabe aabot ata sa batok yung kilay ni erika sa taas..
" hindi kayo bagay ni joseph..?" napakamot naman ako sa ulo.. Hayx.. Ilang beses na kaming napaaway ni erika dahil sa mga babaeng gwapong gwapo sakin hahaha.. Ako na artista..panes!. Dahan dahan naman naglakad si erika papunta dun sa leader nung mga babae.. " hindi kayo bagay.." madiin na saad pa nito..nanatili naman akong nakatayo... Haixt kaya na niya yan.. Hahaha.. Hanggang isang malakas na sampal yung ginawa dito ni erika..
" ouch.." bulong ko.. Lumapit naman ako ng aktong gaganti to kay erika ng hawakan ko yung kamay nito..
" you deserve that." ngiti ko dun sa babaeng sinampal ni erika. " next time girls wag niyo lalaitin yung girlfriend ko.. Ihahampas ko sa inyo tong guitara ko.. At isa pa.. kahit sa paa niya hindi kayo pwedeng itabi eh." sarkastikong ngiti ko sa kanila..
" what the!!"
" bye girls.." aktong hihilahin ko si erika ng isa pang sampal yung ginawa niya dun sa babae.. hinila ko naman sya. " takbo.!" sigaw ko.. Sabay lang kaming tumakbo ni erika.. Hanggang makalayo kami dun.. Hindi ko lang mapigilang matawa..grabe... Mababawasan nanaman mga fans ko.. Itong pusa kasing to eh.
" pano yung kotse mo.?"
" papakuha ko nalang sa driver ko." saad niya.
" ok.. Grabe yung sampal mo dun huh."
" bakit ba kasi ayaw mo patulan ko.? My god joseph kahit ganito ako kaganda.. Marunong ako makipagaway.." simangot ni erika.
" tanga ka ba.. Kawawa naman sila baka ipasalvage sila ng daddy mo.." saad ko saka nagpara ng taxi..
" joseph bagay sa kanila yun.. Ang panget ko daw..? Walag hugis ang katawan..? Joke ba yun.. Sabagay mga mukha silang elien.. Grabe nakita mo ba yung make up nila.. Putokk na putok.. Haixt look at my palm.. May foundation?? Aaixxt yuck.." simangot niya pagsakay namin sa taxi.
" enough na..alam mo naman na hindi totoo yung sinabi nila."
"hindi talaga noh..ang ganda ko kaya saka sexy ako noh.. Maghubad pa ko sa harap mo eh."
" bakit sakin.? Dun ka sa mga babaeng yun maghubad since sila naman nagsabi na panget ka." natatawang saad ko..
" sinira nila gabi ko."
" Kaya ayaw kita kasabay eh..lagi nalang tayong napapaaway.."
"aixtt sama muna ako sa house niyo.?"
" weh umuwi ka na.. Madaling araw na."
" ayoko umuwi sa bahay..papagalitan lang ako ni daddy.."
" eh sino ba nagsabi na sumama ka sa gig namin..?"
" naawa kasi ako sayo eh.. Wala kang kasabay pauwi.. Binilin ka sakin ni franz kaya dapat alagaan kita." saad niya umiwas naman ako ng tingin..haixt yung bulag na yun.. " kala ko ba naging ok kayo bago sila umalis eh sabi niya hindi mo daw sinasagot yung tawag niya..?"
"nawala yung phone ko.."
" nanaman..!!"
" aixt wag kang oa huh.. Si mama at si franz lang ang kilala kong oa kapag nawawala phone ko."
" ewan ko sayo lagi nalang nawawala phone mo.." umiwas lang ako ng tingin.. Hindi ko mapigilang maalala yung mukha ni franz kapag naggaallit sya skain dahil sa pagkawala ng phone ko.. Nakakainis miss na miss ko na sya..
" kamusta na daw si franz..?"
" mukha masaya naman sya dun.. Sabi niya.."
" tingin mo masaya talaga sya.?"
" umaasa ka parin ba na ikaw talaga ang mahal niya.?"
" ako naman ang mahal nun eh.. Tanga lang sya.." simangot ko.
" Namimiss ko si franz.." mahinang saad niya napalingon naman ako dito.. Ayt akala ko ako lang nakakamiss sa bulag na yun.. Sya rin pala.
" magdadrama ka ba.. Inform mo muna ako para ready ako.?" ngiti ko.
" kainis ka joseph.. Mahal na mahal mo parin sya hanggang ngayon noh.?"
" oo naman.. Kahit bulag yun.. Mahal na mahal ko parin sya."
" minsan ba joseph naisip mong pwede kang magmahal ng iba.. Yung naisip mo na hindi lang si franz ang tao sa mundo.. Madami naman iba jan.. Yung iba nasa tabi mo pa.?" saad niya natawa naman ako.
" hoy erika.. Wag mo sabihin nadedevelop ka sakin.. Hindi ako pumapatol sa pusa.." saad ko.. Siningutan naman niya ko.
" ang gwapo mo kasi.. At gusto ko na magkalovelife..?"
" wag ako.. Tandaan mo. Hanggang suot ko tong kwintas na to hindi mawawala yung pagasa kong one day ako na yung pipiliin niya." ngiti ko.
" Si kuya jasper..."
" ano meron sa kanya.?"
" tinatanong niya kung ok ka.. I think he likes you." saad niya.
" tigilan niyo nga ako.. Si franz lang laman ng puso ko.."
" pero joseph hindi ikaw ang pinili niya.. Hanggang kailan ka maghihintay..?"
" habang buhay.?" ngiti ko.. Sabay lang kaming bumaba pagtapat ng taxi sa bahay.. Si erika naman yung nagbayad..haixt hayaan mayaman naman sya eh..
" JOseph alam mo yung salitang move on..? Nageexist kaya yun.?"
"i know.?"
" bakit hindi mo subukan.?"
" ayoko."
" si kuya jasper.. Bakit hindi mo subukan kilalanin.?"
"erika..,mahal ko si franz.. At isa pa ang mga schoneberg ay mga kontrabida sa paningin ko.. Kaya tigilan niya ko.. Sabihin mo.. Umuwi ka na matutulog na ko."
" ayoko pa umuwi.."
"madaling araw na kaya.?"
" and so..? Wala naman pasok bukas.. Kwentuhan muna tayo.?" ngiti niya.. Napabuntong hininga naman ako..
" erika linawin ko lang huh.. Kung may gusto ka sakin.. Wag ka ng umasa huh..."
"aixt alam mo hindi kita gusto.. Ang gusto ko lang magkalovelife..yun lang yun saka simula nung nawala si franz ikaw nalang yung kaclose ko kaya magdusa ka.." irap niya.
" talaga lang huh.?"
" oo nga joseph.. Hindi kita gusto.. Pero kung liligawan mo ko sasagutin kita.. Magkalovelife lang ako." ngiti niya natawa naman ako..
" ewan ko sayo..pero love wala talaga.? Kasi iiwasan na kita para hindi ka masaktan.. Si franz lang kasi nasa puso ko eh kaya hindi na ko pwede."
" hindi kita gusto.. Ok.?"
" sure?"
"oo nga kulit mo."
"or may kasalanan ka lang sakin kaya feeling close ka.?"
" fuck you.." simangot niya.. Natawa naman ako saka binuksan yung gate..pagpasok namin sa bahay naupo lang sya sa sofa..
" gusto mo ng juice.?"
"no thanks.."
"wag kang maingay huh baka magising si mama."
"I know.." saad niya binaba ko naman yung guitara saka umupo sa tapat niya. " joseph pano kung ikaw yung pinili ni franz nung araw na yun.?"
" Edi masaya na kami.?"
" masaya naman si franz kay daryll.."
"pero mas magiging masaya sya kung ako yung pinili niya."
" sure ka.?"
"oo naman.. Mahal ako ni franz.. Alam ko yun kahit itanggi pa niya or kahit si daryll yung pinili niya.. Nagkataon lang na pangarap niya si daryll.."
" mahal niya si daryll."
"si daryll yung nasa utak niya pero yung nasa puso niya.. Ako..pilit niya lang naman pinapaniwala yung sarili niya na mahal niya si daryll eh.. I know it."
" joseph alam mo.. Assuming ka.."
" di ako assuming noh.." simangot ko saka sumandal sa sofa.. "kung alam mo lang erika.. Miss na miss ko na sya.."
"eh bakit hindi mo sinasagot yung tawag niya.?"
" pag sinagot ko yun mas lalo lang akong masasaktan.."
"kung nasasaktan ka bakit hindi ka pa sumuko.?"
"kasi mahal ko sya.. Umaasa ako na one day. Babalik sya sakin.. Na kami talaga yung nakatadhana. Marerealize niya din yun."
" tama nga si tita myrna ang martir mo."
"walang pakialaman.. Umuwi ka na.. Tawag kitang taxi.?"
" Joseph I'm sorry." saad niya.
" sorry for what.?"
"kasi hindi ikaw yung pinili niya.?"
" wag mo ko kaawaan erika.. I'm ok.. hindi importante kung sino ang kasama niya ngayon.. At importante ay kung sino makakasama niya hanggang sa huli.. At ako yun erika.." ngiti ko..

All I See Is You Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon