SI DARYLL
" Daryll tingin mo matutulungan ka ng alak..?" saad ni kuya jasper pagpasok sa kwarto ko...nakasandal lang ako sa pader nun habang nakaupo sa sahig.. Maghapon na kong umiinom.. Di ko alam bakit yun lang ang magawa ko ngayon. Bakit parang gusto ko lang lunurin yung sarili ko sa alak.. " tama na yan." agaw niya sa boteng hawak ko saka umupo sa tabi ko..
" kuya naman eh.?"
" tama na kasi yan.. Pag nalaman to ni mommy baka umuwi agad yun dito at sugurin si franz.."
" hindi ko hahayaan si mommy na saktan si franz.."
" mahal na mahal mo nga sya talaga.."
" kuya ngayon yung flight namin ni franz... Aalis na dapat kami eh.." nakatungong saad ko.. " kuya di ko alam gagawin ko.. Lalaban pa ba ko.. O susuko na..? Kuya mahal niya si joseph.."
" daryll kahit kailan ba hindi mo naramdamang minahal ka ni franz..?"
" I dont know..?"
" minahal ka niya daryll.. Kinain ka lang ng takot mong mawala sya.."
" kuya mahal ko sya.." mahinang saad ko ilang sandaling namayani yung katahimikan saming dalawa.. Kita ko lang na tumungga sya sa bote ng alak na hawak ko kanina..
" Alam mo ba nakilala ko si nicko nung time na sobrang lasing na lasing ako..." saad ni kuya habang deretsong nakatingin sa pader ng kwarto ko.. " sabi nga nila hindi mo naman mapipili kung sino ang mamahalin mo eh.. It just happen.."
" kuya si nicko nandito sya kahapon.. Saka si johny..? Yung member ng the antagonist.."
" kinausap lang ako ni nicko at pinakilala kay jonas.. Akala ko nung naghiwalay kami ni nicko nun tinanggap ko na hindi kami pwede pero hindi pala ganun kadali yun kasi minahal ko talaga sya eh.."
"hanggang ngayon ba kuya hindi mo parin tanggap.?" bumuntong hininga lang sya kasabay ng pagpatak ng luha niya..
" kahit mahirap kailangan ko tanggapin eh.. Mahal niya si jonas.." natawa lang ako ng payak..
" saklap kuya.."
" sinabi mo pa.." natatawang saad niya. " pero ikaw daryll hindi pa sinasabi sayo ni franz na si joseph talaga ang mahal niya.. I think may chance ka pa.."
"pano kung wala na kuya.?"
" alam mo lagi ka kasing takot.. Pano ka sasaya..? Minsan love is about taking risk..tanggalin yung takot.?.. Yun lang naman yun eh.. Be loved or be hurt.. Dalawa lang yun daryll kapag minahal ka niya..wag mo na sya pakawalan.. Pero kung mas pinili niya si joseph.. Masasaktan ka but eventually makakamove on ka din.. may tatlong salita ang tinuro sakin ng mga pinagdaanan ko daryll.. Life goes on.. At napatunayan kong totoo yun..maaring nasaktan ka pero tuloy ang ikot ng mundo."
" kuya ayoko sya isuko.."
"remember this daryll.. Let go kung masakit na.. Give up kung hindi mo na kaya.. At move on kung yung dati hindi na maibabalik pa.." ngiti ni kuya jasper.. " pero ngayon may pagasa pa daryll wag ka agad sumuko.."
"lalaban pa ko kuya.?"
" oo naman.. Punatahan mo si franz kapag sinabi niya sayo na si joseph ang mahal niya.. Just go home at sasamahan kita maginom.. Wag kang susuko kung alam mong may laban ka pa.. Kung kailangan mo ng tulong .. Im here to back you up..lagi mo kong nasa likod daryll.."
"pero kuya kasi.."
"daryll sige na.. Mahal ka ni franz.. Maniwala kang mahal ka niya.." ilang sandali lang akong hindi nagsalita saka bumuntong hininga,,
" puntahan ko si franz kuya." saad ko saka tumayo nanatili naman nakaupo sa sahig si kuya jasper habang tinutungga yung bote ng alak.. Inayos ko lang yung sarili ko saka dumeretso sa pinto.. " kuya dahan dahan huh.. Katulong lang mga kasama mo dito.."
"Im ok darylll.. Puntahan mo na si franz." saad nito pinilit ko naman ngumiti saka lumabas ng kwarto.. Nagdrive lang ako ng kotse papunta sa bahay nila erika.. Kahapon nung nakita ko si joseph na hinalikan si franz sa kusina para akong nadurog.. Ang sakit.. Gusto ko lumaban.. Gusto ko sya ilaban.... Mahal niya ko.. At kailangan ko maniwala dun.. Pagpasok ng sasakyan ko sa bakuran ng mga de guzman agad na kong bumaba.. Agad ko lang hinanap si franz .. Nang magtanong ako sa katulong tinuro ako nito sa garden.. Agad naman akong pumunta dito malayo palang tanaw na tanaw ko na si franz kaharap si joseph habang may hawak na guitara..
Nagsimula lang ako humakbang papalapit sa kanila.. Shit mahal ko sya.. Kahit bulag pa sya.. I don't care.. Paglapit ko napaatras lang ako ng biglang tumayo si franz.. Hindi ko lang napigilang titigan yung mukha niya si joseph naman ay tumayo din.. Kita ko lang yung tingin niya sakin..
" joseph balik na tayo sa loob." saad ni franz.. Tumulo lang yung luha ko.."joseph Im really really sorry.." tumango naman si joseph saka hinawakan yung kamay ni franz aktong lalampasan nila ko ng hawakan ko yung kabilang kamay ni franz.. Tumigil lang sila sa paghakbang,,
"franz.." saad ko..
"daryll..?"
" Lets go franz.." saad ni joseph aktong hihilahin niya si franz nang higpitan ko yung hawak sa kamay niya..ayoko sya bitawan.. Ayoko.. Umiwas lang ako ng tingin kay joseph alam ko hindi niya gusto to.. Pero hindi ako papayag na ganun nalang yun.. hindi..
"franz magusap naman tayo oh.?" nanatili lang nakatungo si franz. " franz gusto kita kausapin.. Please.. Mahal kita.. Franz I love you.. Magusap tayo..? Franz please.?" hindi ko lang napigilan yung pagtulo ng luha ko..
" handa ka na bang kausapin sya..? Kasi kung hindi pa.. Daryll bitawan mo sya..." saad ni joseph.. " franz sabihin mo kung hindi ka pa handa.." naramdaman ko naman na pilit inaalis ni franz yung kamay ko sa kamay niya. Nakagat ko lang yung labi ko..
"franz magusap tayo please..? Please naman oh.?" saad ko hanggang matanggal yung pagkakahawak ko sa kanya..Parang tumigil yung mundo ko nun.. Hindi ko lang napigilan yung luha kong unit unti tumulo mula sa mata ko.. " franz please..please kahit sandali lang.. Kausapin mo ko..franz kahit sandali lang..?" saad ko pero hinila na sya joseph saka naglakad..humakbang naman ako palapit saka mahigpit na yinakap si franz..parehas lang sila tumigil..nung oras na yun wala na kong pakialam kung magmukha akong tanga o naghahabol.. Ang gusto ko lang mayakap sya. " franz please.." aktong hihilahin sya ni joseph ng hawakan ni franz yung kamay nito saka tinanngal yung pagkakahawak sa kanya. Humiwalay lang ako kay franz saka pinunasan yung mga luha ko..
