Chapter 7 here..:)
SI FRANZ
Naglalakad kami ni daryll sa mall nun ng maramdaman ko yung unti unting paglabo ng mata ko.. Pinilit ko naman kinalma yung sarili ko.. My god.. Please wag ngayon.. Please god..
" franz.. Pupunta lang ako cr sama ka.?" saad ni daryll.
" uhm ah eh wag na aantayin nalang kita dito.." nauutal na saad ko.. Pilit ko naman syang inaaninag.. My god..
"ok ka lang ba may nararamdaman ka ba.?"
"I'm ok daryll.. Sige na antayin kita dito."pinilit ko lang ngumiti.. Naramdaman ko naman na hinalikan niya ko sa pisngi hanggang marinig ko yung yabag niya palayo.. Shit naman.. Tinaggal ko lang yung salamin ko.. Pinunasan ko lang to saka muling sinuot pero wala parin akong makita. Shit..my god... Aixtt waaagg.. Hindi ko lang mapigilan maluha... no..
" franz may problema.?" rinig kong saad nung kung sino man yun..
"sino ka.?"
"huh di mo na ko kilala..?" my god boses ni joseph yun.. " franz ok ka lang ba..?"
" I'm ok.. Baka makita tayo ni daryll.." saad ko saka naglakad pero nabunggo lang ako nung kung sino.. Shit.. Pilit ko naman inaninag yung daanan pero wala talaga..
" franz.." hawak ni joseph sa braso ko pero agad ko tong tinggal hanggang madapa ako.. " franz..ano ba.!"
"joseph.. Wala kong makita.. Joseph tulungan mo naman ako.. Wala akong makita.." naluluhang saad ko..ilang sandali kong hindi narinig yung boses niya.. " joseph.. Tulungan mo ko please."
" Alam na ba ni daryll yung tungkol sa mata mo.?" saad niya marahan naman akong umiling naramdaman ko naman na inalalayan niya ko tumayo saka hinawakan yung kamay ko.. " lets go franz.." saad niya.
"wait saan.. Si daryll nasa cr lang.." tarantang saad ko..
" just walk franz.. Aalalayan kita.."
"san mo ko dadalhin..?"
" sa puso ko.." kumunot naman yung noo ko.. Sa puso daw..? Kasya ba ko dun.? Haixt hindi pwede to..
" sa puso mo..? Hello as in hello.. Pano ako makakapunta sa puso mo eh hindi naman ako dugo.. Baliw ka ba.?" tumalikod lang ako sa kanya.. Totoo ba talaga to.. God nilaklak ko na lahat ng vitamin A na nakita ko pero bakit ganun..bakit..?" ewan ko sayo eh kung itulak kaya kita.? Maglakad ka na nga lang baka maabutan pa tayo ng pagong..." saad niya wait si daryll nga pala..aixt..
" joseph si daryll."
"Well sabagay mabagal pala yun.." inis na saad niya.. Haixt pinilit ko naman umaninag pero.. Damn it wala akong makita ayt.. Ano ba.. Naramdaman ko naman yung paghila sa kamay ko ni joseph.. Baka magalit si daryll lalo... Haixt god pwede ba magpadala ka ng maraming eyeballs ngayon? haha.
"joseph Antayin natin si daryll." tumigil lang ako sa paghakbang.
"wag na.." saad niya saka naglakad pinilit ko naman wag humakbang pero hinila niya yung kamay ko..
" joseph ano ba.. "
" franz kinukuha ko lang kung ano ang akin.. Kaya tara na.."
"what do you mean..? Hindi naman ako sayo ah.?"
"pwede maglakad ka nalang bago kita itulak sa scalator..?" inis na saad niya.. Pinunasan ko naman yung luha ko .. God.. No hindi pwedeng mabulag ako.. Ayoko pa.. Pwede paextend.. Please.. TM
" nasa tapat na ba tayo ng scalator.? Pakitulak naman ako joseph para tapos na tong kwento na to.?"
" gusto mo ba talaga.. Wait irerecord ko na sinabi mo yan para hindi ako makulong.. Game sabihin mo na uli.?" ay gago talaga sya gusto na talaga ko mamatay nito..eh kung sya kaya ihulog ko..bwisit na elapante talaga to..
"joseph naman eh..bulag na ko..wala na kong makita." naluluhang saad ko..
"ok lang yan franz.. May apat na senses ka pa naman eh.. At hindi ka pa mammaatay... May puso ka pa na tumitibok para sakin.."
"joseph naman eh. Hindi naman ako nagbibiro eh.?"
"sss joke lang lakad ka na.. I love you franz." saad niya wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya..
" joseph si daryll pano sya.? Saan mo ba kasi ako dadalhin.?"
" Si daryll.. Uhm bahala siya basta ang gusto ko ngayon kunin ka.."
"joseph bulag na talaga ko.." muli lang tumulo yung luha ko pero naramdaman ko na hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko.
" Franz kahit mabulag ka pa.. Mahal parin kita." saad niya.
" Natatakot akong malaman ni daryll to.. Ano gagawin ko..? Baka hindi niya ko matanggap.? Pano kami.. Joseph pano ako.?"
" haixt franz.. Paalala ko lang huh sa panahon ngayon nageexist na yung eye transplant.."
"hello joseph.. Eye transplant..? Napakadaming bulag ang nakapila sa eyebank..malabo yun.. Joseph ayoko ng ganito.."
" edi pipila tayo.. Makakakita ka lang uli.."
"joseph pano kung hindi na ko makakita uli.?"
" hindi ko hahayaan yun franz.. Gagawin ko lahat makakita ka lang uli.."
" akin nalang yung mata mo joseph..?"
"eh kung patayin nalang kita..? Gago ka franz ah..!"
"baka lang kasi pumayag ka.?mahal mo ko di ba.?" pilit na ngiti ko.
" actually willing ako ibigay yung mata ko.. Pero manigas ka..! Mas gusto kong bulag ka para puso ang ginagamit mo hindi ang mata..at wag ka nga umiyak alam mo naman na mangyayare to di ba...matagal tagal na yung binigay ni god sayo na oras para mapaghandaan mo to.."
" Kasi,,,, joseph ang dilim eh.."
" malamang.. Bulag ka na eh.. Pero mahal na mahal parin kita don't worry.. So shut up ok .. Wag ka ng madaming sinasabi.."
" eh kasi naman.. Kainis ka sinasabi mong mahal mo ko pero napakasungit mo parin.. Magbago ka naman joseph pwede ba para mainlove naman ako sayo.?"
" sus mahal mo na ko kahit ganito ako.."
"ang kapal huh." simangot ko naramdaman ko naman na tinulak niya ko muntikan lang ako masubsob buti nalang nakapagbalanse agad ako.. " joseph bulag ako bakit mo ko tinulak.?!! Damn you!!" asik ko sa kanya..
"im here franz." rinig kong saad niya sa gilid ko.. Ayt sabi ko nga humarap naman ako sa pinaggalingan ng boses niya. " para ka kasing ewan.. Tara na." inis na saad niya saka muling hinawakan yung kamay ko..aixt gusto ko din sya itulak.. Shet naman kasi hindi ako makakita hindi tuloy ako makaganti..hayyyxxx kaya napakahirap maniwala na mahal niya ko. Ang sama kasi ng ugali.. Ilang minuto din kaming naglakad ng marinig ko yung pagbukas ng kotse..
"may kotse ka na.?"
" oo.. Tapos pasasabugin ko habang nakasakay ka.." haixt kung may nakikita lang ako ngayon my god nakatikim na sya ng hamehamewave from me ! Hahaha.. This cant be..! Noooo...! NO as in no!! pagpasok ko sa kotse tahimik lang akong naupo..
" jospeh ibalik mo nalang ako dun.. Baka nandun na si daryll eh."
" can I kiss you franz..?" rinig kong saad niya..
" aixt tigilan mo nga ako joseph.. Ibalik mo na ko kay daryll.." saad ko pero naramdaman ko na umandar na yung kotse kinapa ko naman yung tabi ko hanggang maramdaman ko yung hita niya pero agad niyang tinaggal yung kamay ko.
" aixt franz nanghihipo ka.!" inis na saad ni joseph.. Hipo agad hita lang naman yung nahawakan ko.. Bwiset.. Saka nahawakan ko na yun.. Pavirgin na elepante..!
" nahawakan ko na yan joseph wag kang maarte!"
"gago sakalin kita jan eh!"
" wait sino nagdadrive.. Kala ko sayo to..?"
" wish ko lang may kotse ako.."
" eh kanino to." saad ko saka nagsimulang umamoy.. Wait amoy pusa este amoy ni.. " Erika..?" saad ko. Ano ginagawa ni erika dito.. At kasamasi joseph..?
" miss you franz." masiglang saad niya.
" bakit ka nandito.? Bakit kasama mo tong elepanteng to.?"
"sinong elepante..?" gigil lang na hinawakan ni joseph yung braso ko pero agad ko tong tinaggal.. " franz ang gwapo ko tapos elepante.. Nagiisip ka ba huh.?"
" eh sa yun ang gusto ko itawag sayo eh.! Shut up!" simangot ko.
" aixt.. Sarap mo talaga sapakin grabe.. Halikan kita jan eh.." nakagat ko lang yung labi ko.. Aixtt pokus franz.. Nangako ka kay daryll.. Hindi pwede..
" erika bakit kasama mo sya..?"
" wala lang.. Franz seriously.. Bulag ka na ba talaga.. Pano nangyare yun? Di ba malabo lang mata mo.?" napakamot naman ako sa ulo..hindi nagjojoke lang ako.. Shit ayaw ko mabulag. Pano ko pa makikita yung mukha ni daryll yung ngiti niya.. Haixt nagsimula namang tumulo yung luha ko..
" uhm kasi.." hikbi ko lang.
"may sakit sya...retinitis pigmentosa.. Unti unting paglabo ng mata.. And eventually pagkabulag.. Hay naku franz. Napakaduwag mo sabihin yung totoo." rinig kong saad ni joseph.. Hello as in hello hindi madali sabihin yun.. Ang sakit sakit kaya.. Pinunasan ko lang yung luha ko.
" alam na ba ni daryll.?" umiling naman ako.
"pumunta sya sa Cr nung nagsimulang lumabo yung mata ko..."
" ganun.. Pwede naman sa eye transplant yan diba.?"
"erika i love your eyes.." pilit na ngiti.
"hoy franz i love my eyes too..! Wag yung sakin noh.. Batukan kita jan eh.. Or pwede ring ihulog nalang kita sa ilog para ako nalang ang mahaba ang buhok sa kwento na to..?"
" ikaw muna ihuhulog ko bago si franz.. Papatayin mo pa yung mahal ko.?" inis na saad ni joseph..mahal daw.? Wait check you hair..? My god sana yung buhok ko nalang nawala kesa sa eyesight ko wahahha..
" eh pano na ko..?" nakatungong saad ko...
" wait may naisip ako.. Eh kung patayin ko kaya si joseph para ibigay niya sayo yung mata niya tapos happy ending na kayo ng pinsan ko.. Ang saya sayanun di ba.. What do you think franz.?"
" eh kung ikaw una kong gilitan ng leeg erika..pikunin mo pa ko erika.. sige..tutal wala ka namang lovelife.? Papatayin nalang kita..para yung mata mo kay franz nalang.." inis na saad ni joseph.
"fuck you ka joseph..! suggestion lang naman.?!"
" hiningi ba yung suggestion mo.. Shut up nga. May kasalanan ka pa sakin gulpihin kita eh." gigil na saad dito ni joseph.
"ewan! Dadalhin ko kayo sa bahay huh.."
" bakit sa bahay mo pwede namang sa bahay nalang namin.?" rinig kong saad ni joseph..
"pupunta dun si daryll sigurado kaya sa bahay nalang muna kayo."
"wait erika.. Pinsan mo si daryll bakit nilalayo mo ko sa kanya.?"
" shut up franz.. Yung mga may eyesight lang pwede magsalita." rinig kong saad ni joseph.. Gago pala sya eh.. Sinuntok ko naman yung hita niya.. " gago ka franz ah bakit ka nanununtok.?"
" bwisit ka kasi.. Bulag na nga ako ginaganyan mo pa ko.. Wala kang awa.."
"pahalik na kasi.?" nakagat ko naman yung labi ko.. Bwisit talaga sya..alam ko ang sarap ng lips niya pero god hindi ko nakikita yun ngayon..haixt.. " franz pakiss na kasi.. Isa lang..?"
" Aixt baliw ka na..!"
" hoy joseph tigilan mo nga yang kiss na yan.. Ipapakita mo pa talaga sakin huh." rinig kong saad ni erika.
" gusto ko na kasi sya ikiss eh..!" inis na saad ni joseph. Napakamot naman ako sa ulo.. Haixt ang sarap pakinggan na gusto niya ko ikiss. Pero hindi pwede nagpromise akong hindi magtataksil kay daryll.. Haixt im sure hinahanap niya na ko..
" erika tawagan mo naman si daryll oh..?"
"hindi niya pwedeng malaman na kasama kita." saad ni erika.
" nagaalala na sakin yun.. Pano kung isipin niya na kinidnap ako tapos pinatay.. Pano kung inisip niya na nahulog ako mula sa 3rdfloor ng mall.? O kaya nagang bang ako.. Or pinagtulungan ng mga adik..? Or nabaril ako tapos pupunta sya sa morge.. My god yung utak pa naman nun..?" Saad ko pero wala akong narinig na sagot mula sa kanila. " hoy ano ba..?"
" franz wag kang oa.." saad ni joseph saka hinawakan yung kamay ko pero agad ko tong hinugot.. "pahawak lang ng kamay mo ah.?"
" joseph naman eh.."
" aixt fine.. Pwede wag kang oa huh.. Sino naman kikidnap sayo.. Walang magkakainteres sayo noh at imposibleng mahulog ka sa third floor ng mall.. Hindi ka naman tanga..at gangbang? Asa ka.!. Kahit paano naman siguro maiisip ni daryll yun."
" yeah right." saad ni erika..malayo ba sa reality yung naisip ko.. Ok naman yung gangbang ah. Parang masaya yun?? Haha joke.. Naramdaman ko naman na tumigil na yung sasakyan.
"nasaan na tayo.?"
" sa house namin.." rinig kong saad ni erika.. Inalalayan lang akong bumaba ni joseph.. Shit ang hirap pala ng bulag. (shete ka mas nahihirapan ako sa pov mo!..haha)
" wow.. Ang laki naman cat house nato." si joseph.
" eh kung gulpihin kita joseph.. Welcome sa aming mansion."
" sana lang nakikita ko.. Amoy cat food.." ngiti ko.
"ewan sa inyong dalawa.. Pasok kayo.. Si daddy nasa ibang bansa ngayon kaya magisa lang ako dito."
" asan mommy mo." tanong ko.
" wala na.." saad niya.. Hinawakan lang ni joseph yung kamay ko saka naglakad.. Narinig ko naman yung pagbati samin ng mga katulong nila. Haixt mukhang malaki nga yung bahay.. Daming katulong.. Ano na nga ba gagawin ko.. Pano na si darylll haixt naman bakit kasi kailangan mabulag pa ko eh.. Eh kung patayin ko kaya yung author nito.. Damn it kasalanan niya to.. Hello as in hello.. Masaya na ko tapos biglang ganito.. Nooo... Masaya na ko eh.... Please bring back my eyesight!!!!
SI DARYLL
Papasok ako sa cr ng mall nun ng magring yung cellphone ko..ng tingnan ko nakita ko lang yung pangalan ni kuya jasper.. Bumuntong hininga naman ako saka sinagot yung tawag.
"hello daryll.."
"yes kuya why..?"
" Daryll may sasabihin ako sayo.."
"kuya pauwi nnarin kami ni franz.. Sa bahay nalang.."
"no.. daryll papunta jan si joseph.. Makinig ka muna sakin."
"papunta sya dito..? Bakit..?"
" Alam niya na daryll.." natigilan lang ako.. ilang sandali akong hindi nakapagsalita ng marinig yung sinabi ni kuya jasper.. Noo..
" kuya no... hindi pwede..kuya akin si franz.. Kaya hindi niya pwedeng malaman yun.. Kuya please.. Kuya please.." saad ko saka dahang dahan tumulo yung luha sa mata ko..
" daryll.. Sorry.."
"kuya nagbibiro ka lang di ba.. Kuya ayoko..hindi pwedeng malaman ni joseph.. Kuya kukunin niya sakin si franz.. Kuya kapag nalaman ni franz.. Iiwan niya ko.. Kuya ayoko.." hindi ko lang mapigilan yung pagtulo ng luha ko ng mga oras na yun.. Akin na si franz..
" daryll I'mreally sorry.."
"kuya jas... Pano niya nalaman..? Si erika.?"
" yes.. Pero daryll tama na rin siguro yun.. Kung malaman ni franz ang lahat.. At ikaw ang piliin niya.. Daryll mawawala na yung takot jan sa puso mo.."
"kuya hindi ako pipiliin niya.." naiiyak na saad ko.. " kuya hindi pwede to... Kuya hindi na ako ang pipiliin niya..kuya hindi na ako."
" daryll... Pag nakita mo si joseph jan hayaan mong kunin niya si franz.."
"Ayoko.. Hindi ako papayag..! Kuya mahal ko si franz at akin sya.!..."
" daryll.. Kung mahal ka talaga ni franz.. Babalik sya sayo.. Pero kung hindi sya bumalik.. Daryll tanggapin mo nalang.." para akong nanghina ng mga oras na yun.. Pagdating namin dito sa Pilipinas last week sinabi na sakin lahat ni kuya jasper yung ginawa ni erika..nagalit ako nung una pero naisip ko kung hindi nila ginawa yun ni erika hindi ko makakasama si franz.. Pilit ko naman pinupunasan yung luha na tumutulo sa mata ko.
" kuya.. Ayoko syang bitawan.."
" daryll letting go is hard but simetimes holding is harder..daryll punong puno ka ng takot.. At hindi ka sasaya hanggang yung takot na yun nasa dibdib mo.. Daryll kung mahal ka niya babalik sya sayo..tagal niyo sa hongkong di ba.. At nakita ko kung gano ka na niya kamahal.."
" kuya.."
"kapag nakita mo joseph hayaan mo syang kunin si franz.."
"kuya hindi ko kaya.."
"be strong.. Kasalanan ko lahat to daryll kaya im sorry."
" kuya ayoko.."
"daryll .. Be strong.." pinatay ko lang yung cellphone ko saka lumabas ng cr malayo palang ako natanaw ko na si joseph habang hawak hawak yung kamay ni franz.. Muli lang tumulo yung luha ko habang pinagmamasdan silang naglalakad palayo.. Nagsimula naman akong humakbang kasabay ng mga luha ko.. Gusto ko sya pigilan pero hindi ko magawa..
" Franz." bulong ko..nakita ko naman na humarap sya sa dereksyon ko ilang sandali lang syang nakatingin sakin habang nagsasalita si joseph.. Franz please wag kang sumama sa kanya..franz please wag.. Lalapit na sana ako ng makita na hilahin sya ni joseph saka muling naglakad pero nakakailang hakbang palang ng muli tong huminto pero muli lang syang hinila ni joseph.. God franz please wag kang sumama.. Franz nakita mo ko alam ko.. Pero bakit.. Shittt Umiwas lang ako ng tingin ng makita na nagtuloy tuloy na sila maglakad papunta sa parking area ng mall na yun..ng mga oras na yun parang nawalan ako ng pakiramdam may ilang tao na nababangga na ko pero wala akong pakialam.. Hinayaan ko lang tumulo yung luha ko habang nakatanaw kala joseph.. Shitt
SI JOSEPH
![](https://img.wattpad.com/cover/82542518-288-k22865.jpg)