CHAPTER 6
SI JOSEPH
" franz.. May necklace ka na..?"
"huh..?" saad niyang kinapa yung necklace niya sa loob ng damit.. Tumango naman sya saka nilabas sa damit niya yung gold na necklace na may pendant na krus. shit
" binigay sayo ni daryll..?"
" Oo... Joseph sya na yung forever ko.. Kaya please wag mo na kami guluhin.. Nung araw na pinapili mo ko.. Binigay niya sakin to..joseph ito yung sign na hiningi ko eh." ngiti niya.." joseph forever.. Yun ang hiningi ko at ito yung magiging simbolo nun." hindi ko naman napigilan yung pagtulo ng luha ko saka dahang dahan nilabas yung kwintas na suot ko.. Natigilan lang ako ng may maramdaman tao sa likod ko..
" franz." saad ng tao likod ko napalingon naman ako..nakita ko lang si daryll na nakatingin kay franz.
" mine.." ngiwi ni franz.. Agad lang syang lumapit kay daryll pinilit ko naman pinunasan yung luha sa mata ko.
" joseph nanjan na yung tour guide niyo.. Aalis na kami ni franz." saad ni daryll kita ko naman yung pagiwas sakin ng tingin ni franz..
"ok salamat.."
" umiiyak ka ba..?"
" wala kang pakialam kung umiiyak ako..!" gigil na saad ko.
" joseph makikiusap uli ako sayo.. Tama na.. Magmove on ka na.." saad ng pesteng pagong kung makapagsalita sya akala niya ganun kadali yun. " Bestfriend ka ni franz. Wag mo ng gawin kumplikado yung sitwasyon gusto ko na rin magkasundo tayo.. Para kay franz..?""
" joseph please.?" saad din ni franz hindi ko lang mapigilan tingnan yung kwintas na suot niya.. Susuko na ba ko.. Yun ang hininging sign ni franz.pano kung sila talaga.. Pano kung ako talaga ang kontrabida sa kwentong to.. Pano kung hindi naman talaga kami.. Kaya ko bang tanggapin.. Ilang gabi akong iiyak..? Ilang buwan akong magsisisi na sana kung nilaban ko na sya dati pa sana kami yung masaya.. Kung pwede ko lang ibalik yung dati.. Yung dati na kami lang ni franz..yung oras na wala pa si daryll.. " bestfiend.. Please.." ngiti ni franz..
" ingatan mo si franz.. Hindi ko na kayo guguluhin." saad kong nakatingin sa ibang dereksyon..
" joseph.." saad ni franz.
" franz.. Im happy for you." ngiti ko kasabay ng pagtulo ng luha ko nakuyom ko lang yung kamao ko.. Ganito pala kasakit sabhin yung mga salitang yun.. Im happy for you.. Pero yung puso ko parang paulit ulit dinurog...kita ko lang yung tingin nila sakin kaya agad kong pinunasan yung luha ko..
"joseph I'm sorry.."
" labas na ko.." saad ko saka sila hinawi.. Bakit ba ayaw tumigil ng mga luha ko.. Masaya na si franz bakit guguluhin ko pa.. Tama si blue.. Imbis na tumuloy sa table ay lumabas ako ng restaurant.. Tumayo lang ako dun kasabay ng mga luha ko.. Pilit ko lang tong pinupunasan.. Masakit sumuko.. Pero kung masaya si franz.. Bibigay ko sa kanya yun.. Mahirap ipaglaban yung taong alam mong pagmamayari na ng iba..
" joseph aalis na kami.." rinig kong saad ng pagong.. Tumango naman ako. " nasa loob na yung tour guide niya saka yung driver namin.. Magtataxi nalang kami ni franz pauwi."
" joseph alis na kami.. Goodluck sa tugtog niya.. Im so proud of you." ngiti ni franz.
" sige na franz..alis na kayo." saad ko habang pinupunasan yung luha ko..
"joseph naiintindihan kita... Nasasaktan ka..pero kasi." saad ni daryll.
"shut up na please.. Umalis na kayo kung aalis kayo.. Ang dami pang sinasabi! Please umalis na kayo.." simangot ko narinig ko naman yung pagbuntong hininga ng pagong.. Putek ngayon lang ako nakakita ng pagong na bumubuntong hininga wahaha..
" ok.. Enjoy the place." saad niya saka naglakad.. Nakita ko lang na tumawid sila sa kabilang kalsada.. Pinagmasdan ko lang si franz habang nakatingin sakin habang katabi si daryll..mahal na mahal ko sya.. Mahal na mahal kita franz.. Muli lang may dumaloy na luha sa mata ko..pinilit ko naman ngumiti saka tinaas yung kamay ko simbolo ng pamamaalam.. Nagwave lang sya ng kamay.. "Bye franz.. Bye." bulong ko hanggang makita ko silang sumakay ng taxi.. Para sayo franz.. Kahit masakit.. Hahayaan na kita. Nakita ko naman na tumabi sakin si jonas.
" hey.. Are you ok.?"
"mukha ba kong ok.?" simangot ko.
" sabi ko nga hindi.. Sa simula lang masakit yan.. Kaya mo yan joseph.."
" Hiningi ko ba opinyon mo.?"
"aixt alam mo kung hindi lang kita kabanda at kaibigan nginudngud na kita sa kalsada.. Pasalamat ka mahaba pasensya ko. Aixt joseph si franz lang talaga nakakatagal sayo." simangot ni jonas humugot naman ako ng malalim na hininga.
" sorry.." bulong ko.
" alam mo siguro nga mahal ka ni franz pero dahil sa ugali mo.. And the way u treat other people.. Pilit niya yung tinatago.. Kahit ako ang hirap tanggapin na yung ugaling yan makakasama ko habang buhay.. Magiisip talaga ako ng million times.."
"masama ba talaga.?"
"sobra.."
"mabait ba si nicko.?"
"sobra." ngiti niya. " ayusin mo kasi yung ugali mo para makita ng iba na dapat kang mahalin.. Joseph I know deep inside mabait ka.."
" ayoko baguhin yung sarili ko para lang mahalin.. Ito ako eh.. Hindi ako nabuhay para iplease lahat.. Kung hindi nila ko gusto fine.."
" sabagay.. Kung ganyan ka naman talaga wala na tayong magagawa.. Ayoko makipagtalo sayo baka masapak lang kita." natatawang saad niya. "sa ngayon kaibigan ang kailangan mo hindi kaaway.. alam ko yung sakit na makita mo yung taong mahal mo na may kasamang iba.. Yung gusto mo sya ipagdamot pero maalala mo hindi naman pala sya sayo.."
" nakita mo na si nicko na may kasamang iba.?"
" oo naman.. Nung time na natakot akong aminin sa sarili ko na mahal ko sya.. Sobrang sakit nun kaya naiintindihan kita.." ngiti niya.. Tumungo naman ako kasabay ng pagpatak ng luha ko.. "joseph if you really love someone, then the only thing you want for them is to be happy..even if its not with you." pinunasan ko lang yung luha ko.
" Ang sakit sa dibdib.. It should be me.. Dapat ako yung may hawak ng kamay niya.dapat ako eh.. Kung naging matapang lang sana ako.."
" destiny joseph.. Kung magiging kayo ni franz.. Hayaan mong ang destiny ang kumilos.."
" destiny..?"
" yeah.. Let things falls into place. Hindi yung kilos ka ng kilos without thinking.. Look yung ginawa mo kagabi tingin mo nakatulong yun.. Hindi joseph..aalis sila di ba.. Lalo mo lang pinalala yung sitwasyon niyo."
" I know mali ako dun.."
" if you and franz are destined to be together.. Magkakasama uli kayo.. Just wait.. pero kung hindi naman dont close you door.. Kung pwede lang kahit pinto sa kusina buksan mo para lang may makapasok jan sa puso mo.. gawin mo.. Kasi minsan love din ang gamot sa pusong nasaktan.. Yun lang yun joseph.. If you love and get hurt. Love more. if you love more and hurt more, love even more. If you love even more and get hurt even more... love some more until it hurts no more.. " humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumingin sa kalsada.. " life goes on at kailangan mo sumabay joseph.. I know moving on is not an overnight proccess.. It takes time .. Pero kung tuutlungan mo yung sarili mo.. I know One day makakangiti ka na uli.. Yung masaya ka na.."
" may necklace na binigay si daryll kay franz.. Sabi ni franz kapag binigyan sya nun ni daryll forever na sila.. Yun yung hiningi niyang sign .. At nagkatotoo yun."
"Sign..?" natawa naman sya. ""I don't believe in signs. I believe in words, and actions.. Sabi nga ni Ms. Zenaida zeba.. Hindi hawak ng mga bituin yung kapalaran natin.. May free will tayo.. Gamitin natin to.. Now I undertand franz.." ngiti niya. Putek ginamit pa si zenaida zeba..buset haha..
" what do you mean.. ?'
" signs.? Maybe mahal ka ni franz at mahal niya din si daryll.. Pero dahil sa sign na yun mas pinili niya sa daryll.." nilabas ko naman yung kwintas na suot ko..
" ibibigay ko sa kanya to nung araw na pinili niya si daryll... "
" yan yung sign ni franz.?"
"yeah.. Masakit pero tatangapin ko..and About sa necklace na to.. Naging unfair ako kay daryll kasi alam ko na hiningi ni franz to eh sya hindi naman niya alam.. Siguro yung sinasabi mo na destiny.. Yun yung gumawa ng way para kay daryll sya pumunta."
" tingin mo.?"
" mahal ko sya.. Jonas I love him.. " saad ko kasabay ng mga luha ko.. " Pero tadhana yung kalaban ko eh.. Gusto ko sya ilaban... Gusto ko ipakita sa kanya kung gano ko sya kamahal.. Pero yung sinasabi mong destiny.. Sya yung pumipigil sakin.."
" haixt joseph.. So magmomove on ka na.. Tanggap mo na.?"
" hindi pa.. Pero susubukan ko.. Or gagawin ko.. Mahal ko si franz siguro nga tama sya na mas ok na maging bestfriend nalang kami.." bakit ba ang skait sabihin ng mga salitang yun.. Magbestfriend..? aixt..
" kaya mo yan joseph.." ngiti niya humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumango.. Hindi ko lang napigilan yung pagtulo ng luha ko.. Aixt joseph ano ba bakit ba ayaw tumigil ng luha ko.... " joseph just cry.. Hayaan mo lang maubos yung luha mo at mapagod yung mata mo sa pagiyak.. Lilipas din yan.."
Hinatid nalang ako nila blue sa hotel pagkagaling namin sa restaurant.. Ayoko na sumama sa kanila sa pagiikot...gusto ko muna umiyak.. Gusto ko muna mawala yung bigat ng nararamdaman ko.. Ganito pala kasakit na sukuan yung taong pinahalagahan mo ng sobra.. Yung sukuan na hindi talaga panig samin yung tadhana..
Kinagabihan nagising lang ako sa yugyug sakin pagdilat ko ng mata nakita ko lang si jonas.. Nakatulog pala ko habang umiiyak.. Naupo naman ako sa kama.
" why. Sana hinayaan mo nalang ako matulog ayoko marinig yung kwento niyo sa pagpunta sa kung saan saan.." simangot ko natawa naman sya.
" si franz.. Nasa lobby.."
" ano ginagawa niya dito.?"
" Gusto ka daw makausap.. Saka makita bago man lang daw sila umuwi ng Pilipinas bukas.."
" si daryll kasama ba niya.?"
" kanina kasama niya pero umalis ata."
"huh iniwan niya si franz.?"
" I think gusto ni daryll makapagusap kayo ni franz.. Naiintindihan ka naman ni daryll.. Alam mo mabait talaga sya.."
" ayoko bumaba.."
" inaantay ka ni franz.?"
"masasaktan lang uli ako.. Jonas magmomove on na ko eh."
" closure... You need that joseph.. And I think kailangan din ni franz yun kaya sya nandito.. Bibigay niya sayo yun at kailangan ibigay mo rin sa kanya yun.."
" Ayoko na Umiyak.."
" joseph kailangan mo to.. Para mapabilis yung paghilom.. Acceptance.. Yun lang yun.." seryosong saad niya napabuntong hininga naman ako.. " go joseph.."
"haixt.." buntong hininga ko saka tumayo at nagbihis.. Humugot lang ako ng malalim na hininga pagtapat ko sa elevator.. Kailangan ko na nga sigurong tapusin.. Tama na joseph..tama na.. Sila ang bida.. At ako ekstra.
Pagbaba ko sa lobby natanaw ko lang si franz habang nakatayo at nakatingin sa labas ng hotel.. Pinagmasdan ko lang sya mula ulo hanggang paa.. Unti unting bumalik lahat ng alaala namin nung magbesfriend pa.. Nung wala kaming ginawa kundi magasaran.. I really miss those moment.. Muli lang tumulo yung luha ko pero pilit ko tong pinunasan saka lumapit kay franz.
"shrek..!" gulat ko sa kanya.
"aixt shet!! Ang gago mo joseph.!" inis na saad niya.. Ang cute parin niya pag naiinis..gusto ko sana makita yun forever pero hindi na pwede.
" ano ginagawa mo dito.?" ngiti ko saka tumabi sa kanya habang nakatingin sa labas ng hotel.
" eh kasi umiiyak ka kanina.. Gusto ko malaman kung ok ka.?"
" Im ok. Don't you see nakangiti na ko.."
" sure ka.."
"oo nga...tara lakad lakad tayo gusto ko makita yung lugar kung saan mo makakasama si daryll.. I juts want to know if you're safe here.."
" lakad..? Aixt ayoko.?"
"sige na.." hila ko sa kanya palabas ng hotel.. Wala naman syang nagawa kundi sumunod.." sasama rin naman pala.. " ngiti ko sa kanya.. Umirap naman sya sakin.. Magkasabay lang kaming naglakad sa sidewalk ng kalsada.. " naalala mo franz tuwing vacant natin nung first sem natin sa college.. Ang Layo ng nilalakad natin from library papunta sa kabilang building.. Ilang step nga yun..?"
" I dont know..?" iwas niya ng tingin..natawa naman ako..
" I think 100 steps ata..? Binibilang ko kasi yun kapag magkasabay tayo naglalakad.. Naawkward kasi ako sayo eh." saad ko kita ko naman yung tingin niya sakin.
" More than 100 steps yun or siguro 100 steps nga.... Uhm binibilang ko din kasi yun eh.." napapakamot niyang saad.