Dahan-dahang naglakad palayo si Monban sa lugar kung saan di umano'y nagtatago ang mga kahindik hindik na nilalang ng Kozan. Wala siyang naabutang kahina-hinalang bagay o kung ano mang senyales na doon nga nagtatago ang mga halimaw, na kung tawagin nila'y tsumino.
Ang mga tsumino ay doble ang laki kumpara sa tao, mabalahibo at may matutulis na ngipin. Kumakain sila ng tao, buhay man o patay. Sila ay nanggaling pa sa kabilang mundo, ang Chikano. Walang makapagsabi kung pano sila nakalabas doon. Walang makapagsabi kung bakit nila ginugulo ang mga taga-Kozan ngayon.
Nabigo na naman si Monban na masupil ang mga ito. Hindi pa rin mapapanatag ang mga mamamayan ng Kozan. Pangamba pa rin ang babalot sa bawat sulok ng kanilang paraiso.
"Monban, anong balita?" bungad na tanong ng matandang si Toshiyori.
"Mahal na sensei." bati niya sabay yuko.
"Wala pa din pong bakas ng tsumino sa lugar na aking napuntahan." dagdag niya.
"Kung gayon, isang lugar na lang ang posibleng pinagtataguan ng mga tsumino." Inikutan ng matanda ang taga-pangalaga at binulungan sa may tainga.
"Sa Sanrin."
"Ngunit, mahal na sensei, malawak ang Sanrin.. isang araw na lang at magbubukas na ang pinto ng Tengoku, kailangan ng masupil ang mga tsumino dahil nangangamba akong baka sila'y magpumilit pumasok sa pinto." Bakas sa mukha ni Monban ang pag-aalala.
"Iyan din ang kinababahala ko."
"Sa tingin ko po'y kakailanganin ko ng tulong.." Hindi na natapos ni Monban ang sasabihin dahil inunahan na siya ng matanda.
"Huwag kang mag-alala. May inatasan na ko para alalayan at tulungan ka."
Agad pumasok ang isang babae't isang lalaking sa tingin niya'y kaedad lang niya. Maganda ang babae, hindi mababakas sa kanyang mukha ang pakikidigma. Ang lalake nama'y matangkad at may katamtamang katawan, mayroon itong dalang espada o katana kung tawagin nila.
Yumuko ang dalawa sa harap ni Toshiyori, isang pagpapakita ng pag-galang nila.
"Mabuti't nakarating kayo kaagad." Bati ng matanda sa dalawa.
"Ito nga pala si Monban, ang taga-pangalaga ng pinto ng langit.. At kayo'y inatasan ko upang tulungan siyang magapi ang mga tsumino."
"Kinagagalak ko kayong makilala." Bati ni Monban sa dalawa.
"Ako nga pala si Kirei, kinagagalak din kitang makilala." Malambing na sagot ng dalaga. Bahagyang yumuko si Monban at ngumiti bilang tugon.
"Osu." Walang-buhay na pakilala ng lalaki kay Monban.
"Kamusta? Ako nga pala si Monban." Tinanguan lang siya ni Osu at hindi na kinibo.
Si Kirei ay magaling sa mahika at may kakayahan din siyang masilip ang hinaharap. May alam din siya sa pakikipag-dwelo, dahil minsan na din siyang sumali sa pakikidigma. Sanay siyang gumamit ng sibat at pana. Kung titignan lang sa pisikal na anyo'y hindi mo malalamang isa itong mandirigma.
Si Osu naman ay tanyag sa kanyang angking talento sa paghawak ng katana. Malakas din ang kanyang pangangatawan kaya't maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya. Sa katunayan ay kaya niyang patumbahin ang dalawang tao ng sabay.
Ang taga-pangalaga ng pinto ng langit na si Monban ay di hamak na mas malakas ng triple o higit pa sa dalawa. Magaling siyang gumamit ng iba't-ibang sandata, may alam din siya sa mahika, may kakayahan siyang magpalipat-lipat ng lugar sa loob lamang ng tatlong segundo. Meron din siyang natatanging kapangyarihan, na hanggang sa ngayon ay hindi pa niya natutuklasan.
BINABASA MO ANG
GATE KEEPER
FantasyMonban's main existence is to keep the gate of Heaven, and Earth in peace. Will he succeed in his task?