Lakad takbo nilang tinungo ang bundok ng Kozan. Bawat tsuminong makasalubong nila'y ginagamitan na lamang ni Kirei ng mahika. Hindi naging madali sa kanila ang paglalakbay na iyon, sapagkat maraming tsumino ang humarang sa kanila.
Gabi na ng matuntong nila ang bundok ng Kozan. Dumiretso sila sa pinto ng langit. Tama nga ang hinala nila, nandoon na si Toshiyori at kasama ang bihag na si Monban. Nagtago sila sa lugar kung saan ay hindi sila makikita ng matanda.
Gabi na ng magising si Monban. Nakaupo ito at nakagapos ang kamay at paa. Napaliligiran siya ng mga tsumino, na sa itsura pa lang ay handa na siyang lapain ng buo.
Inikot ng tingin niya ang lugar kung nasaan siya. Agad niyang napagtantong nasa pinto siya ng langit. San pa nga ba siya dadalhin ng matanda? Siya lang naman kasi ang makakabukas nito at wala ng iba pa.
"Sensei!" sigaw niya sa nakatalikod na matanda.
Humarap ito ng nakangisi. Pero ibang mukha ang bumungad sa kanya. Ang mukha ng kuya niyang si Otoko ang nasa harap niya.
"K-kuya?" ang tanging nausal niya.
Umiling-iling ng mabagal ang taong kaharap niya. Unit-unting nagbabago ang anyo ng nasabing sensei at kuya niya. Mula sa pagiging si Toshiyori ay naging si Otoko, nagpalit din ito sa anyong tsumino, at panghuli ay isang lalaking nakakatakot ang itsura. Sa tantiya niya'y mukhang sugo ng demonyo ang kaharap niya.
"Sino ka?!" matigas na tanong niya sa mala-demonyong nilalang sa harap niya.
"Ako ang sensei mo." nakangising sagot niya rito.
"Huwag mo akong pinaglololoko! Nasaan ang sensei ko?!" bulyaw naman niya rito.
Pinaikutan siya nito at bumulong sa kanyang tainga.
"Nasa impyerno."
Kinilabutan siya sa sinabi nito ngunit hindi nagpahalata.
"Walang hiya ka! Nasaan siya?!"
"Tumahimik ka! Baka gusto mong patayin na kita?" pagbabanta nito kay Monban.
"Subukan mo! Alam ko namang kailangan mo pa ko!" paghahamon niya at ngumisi pa siya rito.
Hinawakan siya nito sa may baba at hinarap sa kanya. Dinuraan naman ni Monban ang mukha ng demonyong nasa harap niya. Nakatanggap siya ng suntok sa tiyan dahil sa kanyang ginawa.
"Huwag kang mag-alala, ang inyong mahal na Toshiyori ay buhay pa. Itinago ko lang siya sa kung saan walang makakakita sa kanya.. at kung tatanungin mo naman ang iyong pinakamamahal na kuya, huwag ka ng umasa. Matagal na siyang patay!" Sigaw nito at tinalikuran na siya.
"Oo nga pala, maghanda ka na.. dahil limang oras na lang ay bubuksan mo na ang pinto, at nga pala, ang mga mahal kong tsumino ay sumasalakay na sa bayan ng Kozan." Pagkasabi niya'y umalis na siya at naglaho na sa harap ni Monban.
Agad lumapit sila Osu at Kirei sa binata. Nag-usal pa si Kirei ng mahika upang maglaho ang mga tsumino sa paligid nila. Kinalagan naman ni Osu si Monban at inalalayang tumayo. Nang mawala na ang mga tsumino ay ginamot naman ni Kirei si Monban.
"A-ayos ka na ba?" alalang-alalang tanong niya kay Monban. Hinawakan pa niya sa magkabilang pisngi ang binata.
Tumango lang si Monban bilang sagot, wala siyang oras makipagdaldalan ngayon.
"Tara na sa bayan. Marami pa tayong dapat tulungan." sabi niya sa dalawa, at tinanguan na lang siya ng mga ito bilang pagsang-ayon.
BINABASA MO ANG
GATE KEEPER
FantasyMonban's main existence is to keep the gate of Heaven, and Earth in peace. Will he succeed in his task?