Hindi niya alam kung kikilos na ba siya at tatapatin na ang kanyang sensei, o kung hahayaan niya ba ito at maghahanap muna ng mas matibay na ebidensya.
Sa huli, pinili na lang niyang magmasid muna at maghanap ng ebidensyang makakapagpatunay sa mga paratang sa matanda.
Nagbantay muna siya sa pinto ng langit at hinintay ang bawat kilos ng matanda. Nakita niyang umalis ito at hindi na niya alam kung saan nagtungo, dahil pinuntahan niya ang lugar kung saan ito nagdaos ng orasyon.
Sa kabilang dako, si Kirei ay may sapat ng lakas upang mapawalang bisa ang pagiging bato ng kalahati ng kanyang katawan. Agad siyang nag-usal ng kanyang mahika at nanumbalik kaagad ang dating ayos ng paa niya. Hinihintay na lamang niya si Osu dahil naghanap ito ng kanilang makakain.
Habang nangangalap ng makakain si Osu, may bigla na lang sumugod galing sa kanyang likuran. Hindi niya ito inaasahan kaya't agad siyang napuruhan at nawalan ng malay.
Nabigla si Monban sa kanyang naabutan. Naiwan ng matanda ang isang libro ng itim na mahika. Sa pakiwari niya'y, ito na ang matibay na ebidensyang hinahanap niya. Kailanma'y hindi niya nakitang gumamit ng ganito ang matanda. Kailanma'y hindi niya naisip na magagawa ito ng tinuturing niyang guro at ama.
Halos mag-iisang oras ng nakaupo sa ilalim ng puno si Kirei. Kinukutuban na siya. Naisip niyang baka may masamang nangyari sa binata. Kaya't minabuti na niyang mag-ikot sa lugar para hanapin ito.
Ilang minuto din siyang palakad-lakad. Hindi nga nagtagal ay namataan din niya si Osu. Nakahandusay ito at walang malay. Patakbo niya itong tinungo upang tulungan.
Bigla siyang nahinto sa pagtakbo, dahil para siyang sinapian ng kung ano. Namuti ang mga mata nito at napatingala ang ulo.
Dali-daling hinanap ni Monban si Toshiyori. Konting oras na lang ay magbubukas na ang pinto kaya't tatapusin na niya ang kanyang misyon. Masakit man sa kanya ang mga mangyayari, kailangan niya pa ring pangalagaan ang pinto ng langit dahil ito ang misyon niya sa buhay. Kahit buhay pa ang kapalit ay gagawin niya.
Pagkarating nito sa tinutuluyan ng matanda ay wala siyang naabutan. Tanging mga lumang gamit lang at mga libro ang naroroon. Inisa-isa niya ang mga nandoon at pinag-aralan. May isang kasulatan ang pumukaw ng atensiyon niya at agad itong binasa.
"Tanging ang tagapangalaga ng pinto ng langit ang may kakayahang harangin ang anumang magiging sagabal sa pagbaba ng hari. Bukod doon, siya ang may hawak ng susi sa pinto at siya lang ang maaaring magbukas nito. Siya at siya lang ang tanging makakapagpanatili ng kapayapaan sa lupa, kasama ng dalawang nasusulat sa propesiya. Isang binata at isang dalaga. Nasasaad sa propesiya, na mayroong isang makapangyarihang nilalang ang may masamang balak na sakupin ang langit, noon pa man ay sinubukan na nitong pasukin ang pinto ngunit hindi siya nagtagumpay sa kanyang masamang hangarin. Nakatakdang isakatuparan ang naudlot na pananakop na iyon sa muling pagbubukas ng pinto. Kasama ng mga-"
Hindi natapos ni Monban ang kanyang binabasa dahil may pumalo ng kung ano sa likod niya. Hinarap niya ito at tumambad ang matandang si Toshiyori. Hindi pa man siya nakakabweloy sinunggaban na siya nito ng isang malakas na suntok, dahilan upang bumagsak siya sa kanyang pagkakatayo. Hindi pa natinag ang matanda, pinagtatadyakan siya nito dahilan upang mawalan siya ng malay
BINABASA MO ANG
GATE KEEPER
FantasyMonban's main existence is to keep the gate of Heaven, and Earth in peace. Will he succeed in his task?