Agad na nagtungo ang tatlo sa Sanrin. Wala silang sinayang na oras dahil kailangan na nilang magmadali. Bawat segundo ay mahalaga.
Naghiwa-hiwalay sila para mapabilis ang paghahanap nila.
Si Kirei ay sa kanluran, si Osu sa may timog, at si Monban ay sa Hilaga at Silangan.
Magdidilim na kaya't agad na gumamit ng mahika si Kirei. Gumawa siya ng ilaw, na nagmumula sa kanyang palad. Naglakad-lakad siya hanggang sa makaramdam siyang may mga matang sumusubaybay sa kanya.
Huminto siya sa paglakad at humarap sa kanyang likuran. Tumambad sa kanya ang grupo ng mga tsumino. Hindi lalagpas ng sampu ang bilang nito.
Kinapa niya ang kanyang sibat at pana. Handa na siyang makipagsagupan sa mga ito.
Lakad takbo si Osu habang hawak-hawak ang kanyang katana. Anumang oras ay handa na siyang kumitil ng buhay. Ang buhay na kumuha sa pinakamamahal niyang pamilya.
Sa Hilaga ang unang naging destinasyon ni Monban. Naka-limang beses siyang palipat-lipat bago natunton ang grupo ng mga tsumino. Kulang dalawampu o higit pa ang mga ito.
Mabilis siyang kumilos. Hinablot niya kaagad ang kanyang katana. Sa isang iglap ay napatumba niya ang lima sa mga ito.
Pabilis ng pabilis ang pagtakbo ni Osu. Tila walang kapaguran niyang nilandas ang daan patungo sa lugar kung nasan ang mga tsumino.
Kusang gumalaw ang mga kamay niya at agad sinugod ang mga kaawa-awang halimaw. Wala siyang tinira. Lahat ay nabawian ng buhay sa loob lamang ng limang minuto.
Napangiti siya ng mapait sa kawalan. Naisip niyang kung sana'y noon pa lang siya natutong humawak ng espada'y baka naisalba niya ang buhay ng kanyang mga magulang at ng kanyang nag-iisang kapatid.
Pinagpapana ni Kirei ang mga tsumino. Hindi na niya kinailangan pang gamitan ng mahika ang mga halimaw, dahil isa-isa na niya itong napatumba gamit ang kanyang sibat at pana.
Di naglaon ay natapos na siya sa pagsupil sa mga tsuminong kanina'y halos lapain siya ng buo. Nagpalibot-libot pa siya, ngunit wala ng tsumino sa lugar.
Naglakad na lang siya papuntang Silangan, naisip niyang baka nandoon na si Monban. Pero wala pa siyang naabutan.
Susugod na ulit si Monban, nang biglang may dumakma sa kanyang braso mula sa likuran. Mahigpit ang pagkakahawak. Baon na baon ang kuko ng kung sino mang nasa likuran niya.
BINABASA MO ANG
GATE KEEPER
FantasyMonban's main existence is to keep the gate of Heaven, and Earth in peace. Will he succeed in his task?