Madilim ang kapaligiran, sandamakmak na Tsumino ang naglipana sa Kozan. Lahat ng tao ay duguan, ang iba rito'y wala ng buhay, ang iba nama'y nag-aagaw buhay. Maski si Monban ay hinang-hina na, si Osu ay pilit tumatayo upang makipagsagupaan, samantalang si Kirei ay nakatayo lang at pinagmamasdan ang kalunos lunos na sinapit ng kanyang mahal na bayan.

Sa di kalayuan ay nakita niya ang isang taong nakatalikod. Nakagapos ang mga kamay at paa nito, duguan din ito at halata mong hinahabol nito ang kanyang hininga. May hugis tao sa kanyang likuran, hindi niya maaninag kung tao nga ba iyon o nagkatawang tao lamang, ngunit nakakasiguro siyang ito'y isang kalaban.

Sa isang iglap ay nagbalik siya sa kasalukuyan. Dali-dali niyang nilapitan si Osu upang gamutin at tulungan.

Detalyadong naikwento niya ang kaganapan sa hinaharap. Agad nilang nilisan ang lugar at tinahak ang daan patungong bundok ng Kozan.

Lakad takbo ang kanilang ginawa. Hindi pa man din nakakalayo sa kanilang kinaroroonan ay hinarang na sila ng ga-batalyong bilang ng Tsumino. Atras abante sila dahil sa dami ng bilang mg mga ito.

Walang anu-ano'y sinugod ng galit na galit na si Osu ang mga tsumino sa kanyang harapan. Habang si Kirei nama'y ginamitan ng mahika ang ilan sa mga ito.

Madami na silang napatumba, ngunit hindi sila maubos-ubos. Hindi nila malaman kung saan ba nanggagaling ang mga ito. Parami sila ng parami. Bawat mapapatay na tsumino ay dobleng bilang ang dumadating na bago. Hingal na hingal na si Osu pero pilit pa din siyang kumikilos para magapi ang mga ito.

"Bakit hindi sila maubos-ubos?" Hingal na tanong ni Osu.

"Hindi ko rin alam." Sagot ni Kirei.

Bigla naman siyang natauhan sa mga pangyayari.

"Umalis ka diyan, Osu!" Sigaw niya.

Takang tumingin siya sa dalaga ngunit patuloy pa din sa pag wagayway ng kanyang katana.

"Umalis ka sabi!" Sigaw ulit nito kaya't sinunod na niya ang dalaga.

Mabilis ang paggalaw ni Kirei. Nag-usal siya ng mahika. Kitang-kita ni Osu ang puting aura na bumabalot sa dalaga.

Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa paligid. Naglahong bigla ang mga halimaw, na kanina lang ay hindi nila mabilang kung ilan.

Palinga-linga si Osu, tila hinahanap niya kung saan napunta ang mga kalaban nila.

"Nasan na ang mga tsumino?" tanong niya sa dalaga.

"Wala na. Lahat ng tsuminong nakaharap natin ay gawa lamang sa mahika. Pero natitiyak kong marami pa tayong makakasalubong sa daan." Paliwanag niya sa binata.

GATE KEEPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon