"Si Toshiyori." nausal niya ng wala sa sarili. Nagbalik na din siya sa kasalukuyan.

"Anong problema kay sensei?" Tanong ni Monban.

"Siya ang pumatay sa magulang ko at nagpanggap na tsumino para lituhin ako, lituhin ang mga tao.. Humanda siya sakin! Hinding-hindi ko siya sasantuhin!" Sigaw ni Osu at nagtatakbo pabalik sa bundok ng Kozan kung saan naroroon si Toshiyori.

Sinundan ni Monban ang nagmamadaling si Osu, nawala na sa isip niya na kasama niya si Otoko. Naiwan na lang ito kasama ang mga tsumino.

Nakalimutan din niya si Kirei. Hindi niya lang alam, ito ang may pinakanangangailangan ng tulong.

Nagpaikot-ikot si Kirei sa lugar. May namataan siyang pigura ng tao sa may di kalayuan kaya't agad niyang nilapitan.

Nagtataka siya kung bakit nasa Silangang bahagi ng Sanrin si Toshiyori. May kahinaan na ang matanda kaya't dapat ay nagpapahinga lang ito sa kanyang lungga.

"Mahal na Toshiyori.. ano pong ginagawa niyo dito?"

"Sinisiguro ko lang na nasupil niyo na ang mga tsumino."

"Sigurado po akong nagawa na nila Monban ng maayos ang aming misyon."

Tumango ang matanda at tumingin sa kawalan. Tila may malalim na iniisip.

"Ngunit, bakit wala pa ang 'yong mga kasama? Baka umatras na sila?"

Hindi maintindihan ni Kirei kung may tono ba ng pagkainis ang pagkakasabi ng matanda.

"Hindi ko po al-."

Hindi niya na naituloy ang sasabihin, dahil na-estatwa siya sa kanyang kinatatayuan. Tila may mahikang bumabalot sa kanya.

"Wala ka ng silbi. Kaya't iiwan na kita dito." Dinig na dinig niyang sabi ng matanda bago ito maglaho sa dilim.

Mabilis ang mga hakbang ni Osu. Lakad takbo siya dahil nakakaramdam na din siya ng kapaguran. Wala na din si Monban na humahabol sa kanya kani-kanina lang.

Malalim na ang gabi kaya't napagdesisyunan niyang matulog muna sa ilalim ng puno. Sigurado naman siyang walang tsumino ang magbabalak na lapain siya kapag naipikit na niya ang kanyang mga mata.

Si Monban ay dumiretso sa tinutuluyan ng kanyang sensei. Mabilis siyang nakarating dito dahil sa angking kapangyarihan. Gusto niyang makumpira ang hinala ni Osu.

Tulog na tulog ang matanda pagkarating niya. Ayaw sana niyang gambalain ang pagtulog nito, ngunit nangibabaw ang kanyang pangamba. Ang pangambang tinraydor siya ng kanyang ginagalang na guro.

"Sensei!" sigaw niya dito, dahilan upang magising ang matanda.

"Ano ka ba, Monban! Hindi mo ba nakitang natutulog ako?"

"May nais lang po akong ikumpirma."

"Ano ba iyon at ginambala mo pa ang aking pagtulog? At isa pa, naubos niyo na ba ang mga tsumino?

"Hindi na kailangan, dahil mababait sila.."

"Ano?! At anong pumasok sa kokote mo't nasasabi mo ang mga yan? Hindi bat tsumino ang pumatay sa iyong kapatid!"

"Buhay si kuya Otoko."

"Nababaliw ka na ba, Monban? Matagal na siyang patay."

"Buhay siya at nakausap ko siya kanina."

"Imposible!"

"Yun ang totoo.. Ngayon, tatanungin kita, sensei.. Ikaw ba ang pumatay sa pamilya ni Osu?"

"Ano?! At saan mo nakuha ang impormasyong yan? Kailanma'y hindi pa ako pumatay ng tao.. at alam mo yan."

"Kung ganun, bakit ikaw ang sinasabi ni Osu? Nakita ka niya.. nang ipakita ni kuya kay Osu ang nakaraan. Pinatay mo sila at nagpanggap na tsumino."

"Hindi totoo yan.. at anong sinabi mo? Ang kuya mo ang nagpakita sa kanya ng nakaraan? Malabo atang mangyari yang sinasabi mo."

"Bakit mo nasabi yan? tanong niya sa matanda.

"Dahil, kagaya ng sabi ko kanina.. matagal na siyang patay at hindi siya marunong sa kahit anong klase ng pagmamahika at wala siyang kahit anong kapangyarihan."

"T-teka.. ibig sabihin.."

Nagmadali siyang magpalipat-lipat ng ibang lugar. Agad niyang hinanap ang kinaroroonan ni Osu.

Sigurado na siyang may hindi tama sa mga nangyayari. Mali na nagtiwala siya kaagad. Dapat ay naging alisto siya at bukas sa posibilidad.

GATE KEEPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon