Agad siyang bumalik sa bundok ng Kozan upang maghanap ng senyales at upang mabantayan ang pinto ng langit. Nakasalubong pa niya ang matandang guro, ngunit hindi muna niya ito kinompronta dahil natatakot siyang magtiwala dito.
Natulog siya saglit dahil pagod siya at kailangang magpahinga.
Sa kabilang banda, todo ang pagbabantay ni Osu sa kasamang dalaga. Naaawa siya sa kalagayan nito dahil halatang hindi komportable ang babae sa ayos ng pagkakatayo niya doon. Todo asikaso siya rito, kahit inaayawan na ng dalaga dahil sa kahihiyang nararamdaman at baka maabala lang niya ang binata.
Titig na titig si Osu sa kagandahang angkin ni Kirei. Tila nahahalina siyang hagkan ito sa labi. Unang beses pa lang kasi silang nagkita ay natipuhan na niya ito.
Lumapit siya sa dalaga, hinawakan sa magkabilang pisngi at agad hinalikan sa may labi. Nagulat si Kirei sa ginawa ni Osu pero tila nagugustuhan niya ang halik na iyon, ang problema'y si Monban ang kanyang naiisip sa mga panahong iyon. Si Monban na matagal na niyang hinahangaan.
Tinulak niya si Osu ng matauhan siya. Hindi kailanman niya pinangarap mahagkan ng taong hindi naman niya mahal.
"P-patawarin mo ako." Sabi ni Osu ng nakatitig sa dalaga.
Hindi naman iyon pinansin ni Kirei at sinubukan na lang alisin ang sumpang bumabalot sa kanya. Mahina pa talaga siya kaya't wala pa ring bisa ang kanyang mahika.
Bagama't nakaramdam ng hiya si Osu, hindi maalis sa isipan niyang nagustuhan niya ang halik na iyon. Hindi maitatangging may pagtingin na nga siya sa dalaga, at nakakaramdam siya ng inis dahil hindi na siya nito pinansin simula ng nangyari kanina.
Pagkamulat ng mata ni Osu ay agad siyang napatalon. Tanghali na, dapat ay kanina pa siya nagising dahil may misyon pa siyang kailangang gawin.
Dali-dali siyang nagtungo sa bayan upang bumili ng makakain. Gutom na gutom siya kaya't inuna muna niya itong pagkaabalahan. Nakasalubong niya ang kanyang kuya na paikot-ikot sa may bayan. Tila balisa ito at may dinadalang problema.
"K-kuya!" Nag-aalangan niyang tawag dito. Agad lumapit si Otoko sa nakababatang kapatid. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala.
"May problema ba, kuya?" Tanong pa niya.
"W-wala." Sabi nito at nag-iwas agad ng tingin. Nahalata naman ni Monban na mayroong tinatago ang kanyang kuya.
"Wag mo akong linlangin. Sabihin mo sa akin, may ginawa ka bang hindi kanais nais?" Matigas niyang tanong.
"H-hindi ako." Sagot kaagad ni Otoko
"Kung gayon, anong kinababahala mo?"
"Ang mahal na T-toshiyori.. nakita ko siya. Nakita ko siyang nagdaraos ng isang seremonyas, di kalayuan sa pinto ng langit."
"Huwag kang mag-alala. Gawain na niya iyon t'wing umaga. Hindi ba't alam mo naman iyon." Sagot ni Monban sa kanyang nakatatandang kapatid.
"Ng-ngunit kakaiba ang seremonyas na kanyang ginagawa. Kaiba ito sa seremonyas na alam kong idinaraos niya noon."
"Ano bang iyong nakita? May narinig ka bang kahit ano sa kanyang orasyon?"
Kinutuban kaagad si Monban. Ayaw niyang mag-isip ng masama sa matanda, kaya't kailangan niyang makita ito ng personal.
"Malayo ako sa lugar kung nasaan siya kaya't wala akong narinig man lang. Ngunit nakakasiguro akong may kakaiba.. Maitim ang aura niya habang nagsasagawa ng seremonyas niya."
Wala ng inaksayang oras si Monban. Nagdiretso siya sa pinto ng langit at naglibot sa paligid nito. Sa di kalayuan ay nakita niya ang kanyang sensei na nakatalikod at may itim na aura ang bumabalot dito.
BINABASA MO ANG
GATE KEEPER
FantasyMonban's main existence is to keep the gate of Heaven, and Earth in peace. Will he succeed in his task?