Goodbye.. For Now

91 2 1
                                    

SHAN CAI's POV
Gabi na. Pero di pa rin siya tumatawag. Saan na ba yun? Naku naman. nag aalala na ako.
pinagpasyahan ko munang mamalagi rito kina mama. mukha kaseng masikip pa ang mundo namin ni ah si, pero biro lang xD
binigyan ko muna siya ng space para mag-isip kung ano ang pinakamagandang gawin.
flashback..
News Headline...
Dao Ming Holdings.. nanganganib bumagsak dulot ng mga suliraning kinakaharap nito.
"Madam, ano na po ang balita hinggil sa krisis na kinakaharap ng kompanya?" -reporter
"sa ngayon, inaayos pa namin ang lahat sa abot ng aming makakaya. ginagawa namin ang lahat upang mas lalong mapalago ang kumpanya rito sa NY at pati na rin sa Taipei

Naku, ang mama ni Ah Si. kamusta na kaya siya? balita ko may masamang nangyari sa papa ni ah si. malala kaya? ano nga kaya talaga ang nangyari?
end of flashback...

"oh shancai, ba't gising pa?" - Mama
"di pa ako inaantok mama, hinihintay ko rin po kase ang tawag ni Ah Si"
"eh anong oras na ba? matulog ka na pagkatapos niyang tumawag ha? lumalalim na ang gabi anak" - Mama
"opo mama"

ring.... ring.....
DaoMingSi calling...
"hello"
"shancai" - DMS
"oh, ba't ngayon kalang tumawag?"
"tumingin ka sa bintana" -DMS

O_o"eh ba't andiyan ka sa labas?ang lamig kaya, pumasok ka kaya muna"
"labas ka muna sandali, cge na papatayin ko na ang telepono" - DMS

Puno ka talaga ng surpresa DaoMingSi

"gabi na, bakit dito mo pa gusto mag-usap? ang lamig kaya."
"wala lang, baka kase tulog na sila mama at papa mo, mahihiya akong mag-ingay sa loob" -DMS
"naku naman ah si, uminom ka ba? amoy alak ka kase"
"nagkayayaan lang, tsaka sinabi ko na rin sa kanila na aalis na ako bukas"-DMS
"oo nga pala, aalis kana bukas"
"kaya nga kita pinuntahan dito para naman makita ka bago ako umalis" -DMS
"ano bang pakay mo didto ah si?"
"Sa kotse tayo mag-usap"- DMS

ano naman kayang pakulo nitong si DaoMingSi? nagtungo kami sa kotse niya na nakapark lang sa may fishpond, malapit lang samin yun. natatanaw ko rin dun ang buong taipei. napakalawak talaga. napakagandang pagmasdan. Iba't ibang uri ng ilaw ang nakikita ko. Nagmumula yun sa mga buildings, mga mall, hotel at kung ano ano pa.
"isuot mo to shancai" -DMS
"bakit? ano ba plano mo dao ming si?"
"basta, isuot mo na, dami mo namang reklamo, nasisira yung mood eh"-DMS
"oh sige na nga"

isinuot ko yung piring dahil yun ang gsto niya. ano na naman kayang gagawin niya? dahan dahan akong pumasok sa kotse niya at siyempre inalalayan niya ako. Nakaramdam ako ng lamig saking leeg, ano kaya to?
"tanggalin mo na" -DMS
O_O
"ano to?"
"kwentas, di ba halata?" -DMS
"alam kong kwentas pero bakit may ganito?"
"eh wala lang, gsto ko lang. bawal ba? fiance naman kita, bawal ko bang gawin yun sa fiance ko?"-DMS
"fiance? kailan lang? naku naman daomingsi, mahal to no? di ka talaga nagtitipid"
"di naman ganun kamahal pero bumagay naman sayo. nagustuhan mo ba?" -DMS
"oo naman, may rason ba ako para di ko to magustuhan?"
"mabuti naman kung ganun" -DMS

Tumahimik ang paligid. Ramdam ko rin na lumalalalim ang iniisip ni DaoMingSi. iniisip niya parin ba ang tungkol sa papa niya?
"iniisip mo na naman ba ang papa mo? wag ka na masyadong mag-isip, pupunta kana bukas sa NY, makikita mo na ang papa mo"
"di naman yun ang iniisip ko" -DMS
"eh ano?"
"ngayon lang ako nag effort maghanap ng regalo, alagaan mo yan ha? pag yan naiwala mo, susugurin kita sainyo at sisingilin sa presyo nyan"-DMS
"bakit ko naman iwawala to? bigay mo kaya ito no, tsaka magkano ba to?"
"wag mo nang itanong, di na mahalaga yun"-DMS
Tiningnan ko siya. May sweet side naman pala si ah si xD nagkasalubong ang mga tingin namin.
at sa hindi ko maipaliwanag na pagkakataon, biglang bumilis ang tbok ng puso ko.
Unti unting lumapit ang mukha niya, at eto naman ako, unti unting pinikit ang aking mga mata. at ayun na nga.
Dahan dahang naglapat ang mga labi namin. Namiss ko to. Namiss talaga kita DaoMingSi.
Nagpapasalamat ako na bumalik ang mga alaala mo. Na muli kang bumalik sakin.
Niyakap ko siya. Unti unti na namang namumuo ang luha sa mga mata ko.
aalis ulit siya. pero iba na ngayon, alam kong babalik siya, may aayusin lang siya sa NY. alam ko namang babalik ka ah si.
"Mag-iingat ka dun ha? hihintayin kita"
"Oo naman, hintayin mo lang ako, babalikan kita."-DMS
"Mahal na mahal kita ShanCai"-DMS
"Mahal din kita DaoMingSi"..........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meteor Garden Three: Ultimate Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon