SHAN CAI's POV
Aalis ulit siya. maghihiwalay ulit kami. ganito nalang ba lage? pero biro lang, naiintindihan ko naman siya kung bakit siya aalis. dito rin naman nakasalalay ang lahat ng tungkol sa pamilya niya.
iniwan ko muna siya at hinayaang mag-isip, nakipagkita muna ako kay XiaoYu upang kamustahin siya.
"shancai! kanina ka pa ba? pasensya na at medyo natagalan ako ah. kamusta ang barcelona?" -XiaoYu
"okay lang naman, maayos rin naman kaming nakabalik"
"grabe yung pinagdaanan niyo dun, di ko lubos maisip na nalagpasan mo yun lahat. ano na ba plano nyo ni ah si?! magpapakasal na ba kayo?"
bumalik pala si XiaoYu galing Canada dahil nahohomesick siya dun, mas gsto niyang mamalagi rito kesa dun.
"naku hindi, may inaasikaso pa siyang importanteng bagay. tsaka wala pa sa plano namin ang lahat ng yun"
"eh di ba, bago naaksidente si ah si, magpopropose sana siya eh ayun, nangyari na ang nangyari, akala ko tuloy na talaga"- XiaoYu
"di naman ako nagmamadali eh, may tamang panahon ang lahat"NARRATOR's POV
Nagmamasid sa malayo si Lei habang pinagmamasdan ang bawat reaksyon ni ShanCai. bumalik si Lei galing japan dahil may nais siyang gawin sa Taipei at gusto niyang mangyari ang lahat ng yun.
naudlot ang lahat ng pangarap ni Lei na isama si shancai sa japan dahil mas pinili niya ang kaibigang si Ah Si laban dito. tuluyang nagbago ang pananaw ni Lei sa lahat. hindi na siya ang Lei na nagpaparaya para sa kaibigan. Namumuo sa isip ngayon ni Lei kung tama ba ang ginawa niyang pagpaparaya
FLASHBACK....
"lei, kamusta?" - teng tang jin
" bakit ka andito?"
" lei, may dapat tayong pag-usapan"-ttj
[ ttj - teng tang jin ]
"ano ba pag uusapan natin? matagal nang tapos ang lahat sa atin jin."
"alam ko lei, pero di ito ang gsto ko"
"ito ba ang pakay mo kung bakit ka sumunod dito sa japan?"
"lei-"
"jin, matagal na akong nakalimot, pero eto na naman ako, lagi nalang bang ganito? ako palageng nagpaparaya, ako ang bumibigay ng pagkakataon, pero bakit ganun? bakit siya nasasaktan? tama bang ginawa ko yun? parang hindi eh! pagod na akong maging santo jin, pagod na pagod na ako. gusto kong lumaban jin, gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko na ipaglaban ang taong mahal ko ngayon. at alam nating lahat na si shancai yun! naiintindihan mo ba?!"
"malinaw sa akin ang lahat lei, sorry"
Napagdesisyunan ni lei na bumalik ng taipei upang makasigurong tama ang naging desisyon, pero mukhang di umaayon ang lahat ng kanyang nakikita. Nalaman niya sa isang headline mula NY na ang Dao Ming Holdings ay nanganganib na bumagsak dulot ng pagkakasakit ng Chairman na si Dao Ming Chen, tatay ni Ah Si. batid niyang tutulak si Ah Si papuntang New York upang ayusin ang gusot, at para mapag-usapan ang plano para sa kumpanya. hindi na lingid sa kanyang kaalaman na maiiwan si shancai sa taipei , na walang kaalam alam kung babalikan pa ba siya ni Ah Si o hindi.LEI'S POV
malungkot ka na naman ba? tama ba lahat ng naging desisyon ko shancai? tama bang ipaubaya kita kay ah si? alam kong mahihirapan si ah si na protektahan ka ngayon. ito na ba yun? panahon na ba para muli kitang bawiin?
kung hinayaan mo lang sana akong gawin ang nararapat, kung hinayaan mo lang sana ako sa tabi mo, hindi ka malulungkot ngayon.Ah Si, pinagkatiwala ko sayo ang lahat, pero muli mo akong binigo.
BINABASA MO ANG
Meteor Garden Three: Ultimate Come Back
Fiksi PenggemarFor Fun lang po :) enjoy sa pagbasa