MY CHOICE 1

50 4 2
                                    

Claren's POV

"Tigilan mo ko, Mr. Cayabyab!" sigaw ko.

"Asar ka lang!" asar ni Romy.

"Hindi ah. Ang kulit mo lang!!!" sigaw ko.

"Nakukulitan ka sa akin ibigsabihin naaasar ka!" sabi niya.

"Tse!!!" sigaw ko at umalis na. 


  Yan kami ni Romy Cayabyab, my childhood friend. Ewan ko ba ba't ko naging kaibigan...Pang asar! Ay! Di pa pala ako nagpakilala. 

  Ako pala si Claren Joanna C. Abel. Ang former sexi-tary ng school council at Bailey High. Nung una, akala ko ako lang ang anak. Yun pala may kapatid ako, pero hindi na siya nahanap pa. May kaya naman ang pamilya ko pero I live all alone in an apartment for me to be an independent child. Proud intelligent and diligent. I like photography. Mahilig ako mag picture. Marami akong kaibigan dito. Especially my best friend....

"HI BESTIE!!!!!" sigaw ni Rheanne. Yup she's my BFF. Nag aaral siya ng Fashion designing. 

"Anong paandar mo na naman, Rhe?" tanong ko.

"Wala. Ginigreet lang kita. Bakit masama?" sabi niya.

"Pabebe ka talaga." sabi ko.

"Tomboy ka kasi eh." balik niya sa akin.

"At least ako masipag mag aral kahit parang tomboy." pagmamayabang ko. "Ikaw?"

"Grabe toh. Oo na, ako nang mababa grades!" sabi niya.

"Kasi naman eh. Nasa isip mo lang kasi puro Zen." asar ko.

"Eeeeh." sabi niya habang nagpapabebe.

"Tigilan mo na nga pagiging pabebe mo. Tara na pupunta ako ng library." utos ko.

"OO NA MADAM CLAREN." patamad niya sinabi.


  Sa library ng campus, naghahanap ako ng libro habang naghihintay si Rhe sa favorite library seat namin. Nang may mapansin ako...

"Hello, Claren." bati ni Azel. "How's life, sweetie?"

"Hello, ms. Reyes. I'm good naman." sagot ko nang pataray. "Ikaw?"

"Ayos rin. Better than your life." sabi niya. "Atsaka... sure ako na this year, I will be the newest president."

"Kayabangan..." bulong ko.

"Ano ano?" tanong niya.

"Wala. Sabi ko, good. Yay!" pagsisinungaling ko.

"Good luck!" sabi ni Azel na parang banta.

"Good luck back!" sabi ko at may fake smile.


  Umalis si Azel na parang rumarampa kahit wala namang fashion show. Kala mo model. Model ng kayabangan. Kinuha ko na yung libro tapos umupo na.

"Nakita ko si dakilang kontrabida ah." sabi ni Rhe. "Anyare?"

"Pinagyabangan na naman ako. Sabi niya siya daw mananalo sa pagiging president this year." kwento ko.

"Kayabangan talaga ni Azel." sabi ni Rhe.

"Teka teka... naririndi na ako sa pinag uusapan natin. Change topic!" sabi ko.


That's the first chapter!!! I hope na nagustuhan ninyo. :)

My ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon