Claren's POV
Naglalakad kami papunta sa carinderia. Usap kami nang usap ni Ruth. Habang itong si Romy, hindi nagsasalita. Parang hindi kami naging magkaibigan... Pumasok kami sa carinderia at namili na ng makakain.
"Ay, Claren! Long time no see! Buti nakatakas ka sa nanay mong stikta ngayon. Heto oh. Paborito mong tinola." sabi ni aling Rosalie.
"Salamat po, aling Rosalie. Namiss ko yung tinola niyo." sabi ko.
"Ay nakakatats..." sabi ni aling Rosalie.
Umupo kami ni Ruth sa paboritong upuan namin dito sa carinderia. Kumain kaming tatlo. Pero napapansin ko... Tahimik ata si unggoy.
"Punta lang ako sa tindahan. Mawawalan na ako ng load eh." sabi ni Ruth at tumakbo palabas ng carinderia.
"Romy, uy salita ka naman. Ang ingay-ingay mo sa school pero pag nandito, ang quiet mo. Di ka naman ganyan noon." sabi ko sa kanya.
"Wala. May pinoproblema lang ako." sabi niya.
"Math?" tanong ko.
"Hindi." sagot niya.
"Um... Science?" tanong ko.
"Hindi." sagot niya na parang medyo seryoso.
"History?" tanong ko.
"Hindi ko pinoproblema yung mga subjects.
"Eh ano??" tanong ko.
"Si Azel." sagot niya at pinaglalaruan na yung pancit.
"Anong meron kay Azel? May ginawa ba siyang hindi maganda? Nagagalit ka ba sa kanya? Anong problema?" sunod sunod kong tanong.
"Kinukulit niya ako bawat araw at oras." sabi ni Romy.
"Eh di maganda. Fair sa atin." biro ko.
"Ano ba?!" sabi niya nang pagalit.
"Anong masama kung kinukulit ka nun?" tanong ko.
"Ayoko sa kanya..." sabi niya.
"Choosy ka pa." sabi ko.
"Kasi may iba na akong napiling babae." sabi niya at napatingin ako sa kanya... Biglang may nanakit sa loob ko na hindi ko maintindihan...
"Sino?" tanong ko.
"Basta... Magiging masaya ka kapag nakilala mo siya." sabi niya at ngumiti.
"Namiss ko yang ngiti mo. Namiss ko yung batang version mo." sabi ko at piningot yung ilong niya.
Nang dumating si Ruth... Back to normal...
Maikli pero mahirap gagalingan ko para sa inyong mga nagbabasa nito.... Thank you for reading!!! ~Author
BINABASA MO ANG
My Choice
Romance"You're mine and I'm yours. That's my choice." Yung mga words na iyon ang pinakatumatak sa isipan ko. Hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko sa tuwing naririnig ko ang mga tinig niyang winiwika ang mga salitang iyon. Claren, umayos ka! Ugh!!!! W...