Romy's POV
Hi. Ako nga pala si Romy Cayabyab. Basketball player. Oo, hindi kami mayaman. Pero mayaman kami sa pagmamahal. Patay na tatay ko kaya nanay ko nalang ang nag aalaga sa aming magkapatid. Haay... alam ng lahat na kaibigan ko si Claren. Pero sa totoo lang gusto ko siya noon pa. Yung ngiti niya, mga mata niya, pinkish na lips niya, kabaitan niya... nakaka turn on kapag naasar siya sa akin. Balak ko naman sabihin sa kanya kaso torpe ako at ayokong maging dahilan ako ng pagkasira ng friendship namin.
"Hi ma!" bati ko pagpasok ko sa loob ng bahay.
"Oh. Andiyan ka na pala. Kumain ka na pagkatapos mong magbihis." sabi ni mama.
"Opo." sabi ko at pumasok sa kwarto ko.
Pagkabihis ko, pumunta na ako sa hapag kainan. Kumuha na ako ng pagkain ko. Nang lumabas ang kapatid ko si Ruth.
"Hi kuya." sabi niya hapang nakahawak sa cellphone.
"Ruth, ibaba mo muna yang cellphone mo at kumain ka na." sabi ni mama.
"Opo, ma." sabi niya at binaba yung phone.
"Sino na namang kausap mo, Ruth?" tanong ko.
"Mga kaibigan ko." sagot niya.
"Baka naman..." sabi ko.
"Ano?! Wag mo nang ituloy yang sasabihin mo!!! Hindi yan totoo!" sigaw niya.
"Oh. Yan na naman kayong magkapatid eh. Kumain na nga lang kayo." sabi ni mama.
"Kuya, musta na pala kayo ni ate Claren? Matagal ko na siyang hindi nakikita. Miss ko na siya!!!" sabi ng kapatid ko.
"Mabuti naman siya." sabi ko.
"Pwede ako sumama sa iyo sa school mo pagkatapos ng klase namin?" tanong niya.
"Ha? Hindi pwede." sagot ko.
"Sige na please!" pakiusap niya.
"Sige na nga." sabi ko.
"Yes!!!" sigaw niya.
Author: Kinabukasan...
Claren's POV
Pagpasok ko kasama si Rhe, may lumapit sa amin.
"Claren, ipinapabigay pala sa iyo." sabi ni Rex.
"Kanino toh galing?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam eh. Sige, babalik na ako sa klase ko." sabi niya.
"Sige. Bye." sabi ko at binuksan ko yung letter.
Dear Claren,
Dadating mamaya si Ruth. Gusto mong sumabay sa amin at kain tayo doon sa paborito mong carinderia? Sorry. Nawala ko phone number mo eh. Kaya nagsulat nalang ako.
sincerely,
Romy
Yes namern, nag abala pa. Nawala yung phone number ko kasi ang daming nakastock na babae. WOW. Galing mo bro. Pumasok na ako sa klase ko at tinago yung letter.
After ng klase, agad kong hinanap si Romy. Nang biglang...
"Ruth?" tanong ko.
"Ate Claren?" tanong ni Ruth. "NAMISS KITA!!!!"
Niyakap ko siya nang mahigpit dahil matagal ko na siyang hindi nakita. Hindi kasi ako laging pinapayagan na puntahan sila Romy para bisitahin si Ruth. Wala naman si mommy ngayon eh. Nasa Singapore. Baka pwede naman...
"Ang laki mo na ah." sabi ko.
"Oo nga po ate eh. Hahaha. Kayo po mas gumanda." sabi niya.
"Bolera be like bhe?" tanong ko at tumawa.
"Nakakamiss ka po talaga ate." sabi niya at niyakap ako.
Nang dumating si Romy. Nakangiti siya habang niyayakap ako ni Ruth.
"Tara na. Baka sarhan tayo ng carinderia sa bagal natin." sabi ni Romy at ngumiti.
"Tara na." sabi ko at sabay kaming naglakad ni Ruth.
OKIE DOKIE. YES NAMERN, NAKAPAG UPDATE NA MEH. Sorry po kung matagal. Kasi may hindi po akong inaasahang pangyayari. Bumaba po grades ko sa Math at Science kaya po tumigil po muna ako sa paggawa. Pero mag uupdate po ako. Promise!!! Atsaka po pala. Antayin niyo po ang trailer nito sa YouTube. ;) babush!!!
BINABASA MO ANG
My Choice
Romance"You're mine and I'm yours. That's my choice." Yung mga words na iyon ang pinakatumatak sa isipan ko. Hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko sa tuwing naririnig ko ang mga tinig niyang winiwika ang mga salitang iyon. Claren, umayos ka! Ugh!!!! W...