MY CHOICE 2

15 2 2
                                    

Hello! Kara here (asawa ni Yoongi choss!) Thank you sa pagbabasa ng chapter 1. I hope maka update ako as soon as possible within my busy schedule. Estudyante life... I hope na magustuhan niyo ito. Atsaka pala... Please sabihin niyo sa akin kung sinong character ang favorite niyo.

From Claren, Romy, Rheanne, Zen and Azel. Sinong favorite character niyo? Yun lang naman. LOVE LOTS.


Claren's POV

  Hinihila-hila ako ni Rhe papunta sa basketball court. Ano na namang iniisip nitong best friend kong ito?!

"Ba't tayo nandito? Anong ginagawa natin dito? Maglalaro ba tayo ng basketball? Di ako marunong mag basketball." sunod sunod kong tanong.

"Ano ka ba naman, bhe. Basta samahan mo ko." sabi niya.


  Pumasok kami sa basketball court. Nakita kong naglalaro sina Zen at Romy. Ang galing nila maglaro. I'm amazed na hindi pinapabayaan ni Zen ang studies niya. While Romy.... wala na akong pake sa kanya. 

"ZEN!!!!" sigaw ni Rhe. Kilig na naman si bes. Crush niya eh.

"Hi Rhe. Hi Claren." bati ni Zen.

"Si Rhe at si Miss Azaar!" asar ni Romy.

"Pigilan mo ko, bhe. Baka anong magawa ko." bulong ko kay Rhe.

"Grabe siya bhe. Hayaan mo na yang si Romy. Siraulo lang talaga yan." biro ni Rhe at napatawa ako nun.


  Umupo kami ni Rhe sa bench at pinanood sina Zen at Romy maglaro. Nag uusap kami ni Rhe ng maraming bagay. Nang matapos sina Zen at Romy, sabay sabay na kaming umuwi. 

"Dapat panalo ako eh. Kung di mo lang na shoot yung 3 points." sabi ni Romy.

"Wala! Talo ka talaga kay Zen." sabi ko.

"Basta sa susunod, ako nang mananalo." sabi ni Romy.

"Yabang!" sabi ko at binatukan si Romy.

"Aray! Ikaw!" sabi niya habang hinihimas ang ulo niya.

"Kayong dalawa ah. Away pusa't aso na naman kayo." sermon ni Zen.

"Sorry." sabay naming sinabi ni Romy.


  Sumakay kami ng jeep papunta sa harap ng bahay nina Zen.

"Bye. Bukas ulit." sabi ni Zen.

"Bye!" sabi namin ni Rhe.

"Kita tayo bukas! Tatalunin pa kita bukas!" sigaw ni Romy.

"Oo. Hahaha." sagot ni Zen at isinara yung pinto.


  Tuloy kami sa paglalakad. OP na naman si Mr. Cayabyab. Pano kasi... wala si Zen. Hindi siya mayabang pag wala siyang kaibigan sa paligid. Oo, kaibigan ko siya. Pero hindi kami lagi nag uusap like him and Zen.

"Bhe, ipon ka na. Dadating EXO sa Pinas." sabi ko kay Rhe. Maliban kay Zen. Gustong gusto niya ang EXO. Lalo na si Chanyeol.

"Kapag nakapag ipon ako, makikita ko si Chanyeol!!! Yiiie!" tili niya. 


  Nang makarating na kami sa apartment ko. Sina Romy at Rhe magkapit bahay. Kaya sabay sila pauwi. At tumitira ako mag isa dito sa apartment. With my dog. Parents ko, nasa ibang bansa. Work work work! Haay...

"Oh. Dito nalang ako. Ingat kayo ah." sabi ko.

"Bye, Claren." sabi ni Rhe at niyakap ako.

"Bye." sabi ni Romy.


My ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon